Former young actress Paula Peralejo graduates magna cum laude in UP

Former Tabing-Ilog star Paula Peralejo accomplished one feat that only a few people can do—graduate with honors. The younger sister of Rica Peralejo graduated magna cum laude at University of the Philippines yesterday, April 26.



Kahapon, April 26, ang maituturing na isa sa pinaka-espesyal na araw para sa dating young star nasi Paula Peralejo. Nagbunga narin kasi ang ilang taong pagtalikod niya sa kanyang showbiz career paramaipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa University of the Philippines, Diliman,Quezon City.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Paula,a few hours before her graduation day. Nalaman namin sa kanya na nakatapos na nga siya ng kursong B.A. Philosophy, Minor in Tourism sa UP—magna cum laude.

Hindi maikakaila ang kaligayahan ni Paula sa natamongachievement, higit sa lahat ang magawa niya ang karaniwang hindi magawa ngibang artista, ang matapos ang kanilang pag-aaral.

Hindi na nasagot ng nakababatang kapatid ni RicaPeralejo, kung pagkatapos ba niyang mag-graduate ay may plano pa rin siyangmagbalik showbiz. Ani Paula, a few days after her graduation, lilipad siyapapuntang Amerika para dumalo sa seminar na Philosophy for Kids.After that, mag-i-stay pa rin siya sa ibang bansa ng ilang buwan para namanmagawa niya ang isa sa mga hilig niya—to travel and explore theworld.

Kung ang pagbabasehan ay ang mga online account ni Paulatulad sa Facebook, makikitang bukod sa pagiging vegetarian, isa rin siyangenvironmentalist. Hindi lamang mga lugar sa ibang bansa ang ine-explore niyakundi ang bawat lugar rin sa Pilipinas.

Ayon kay Paula, after niyang manggaling sa ibang bansaay magtuturo naman siya.

Nagsimula si Paula sa kanyang showbiz career sa datingpambatang programa ng ABS-CBN na Ang TV! Pero mas nakilala siya nang gawin niyaang kahuli-hulihang regular show niya, ang youth-oriented Tabing-Ilog,kung saan si Patrick Garcia ang ka-love team niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN