Film and stage actor Ricky Davao keeps low profile in his TV projects

"Hindi ka dapatmagpakasigurado muna. Not unless na rumorolyo na ang kamera na kasama ka na,doon mo na lang puwedeng makumpirma na kasama ka," says Ricky Davao about his TV roles.



Hindi ikinuwento ni Ricky Davao sa mga malalapit niyangkaibigan na kasama siya sa telefantasya ng GMA-7 na Dyesebel. Tahimik lang kasiang aktor kapag may offer sa kanya ang anumang TV network hangga't hindi pa sigurado.

"Alam mo naman sa trabaho natin, hindi ka sure not unlessnakakapag-taping ka na," ngiti ni Ricky. "Kaya noong sabihan ako for Dyesebel,quiet muna ako kasi ayokong ma-preempt ang pagkakasali ko sa cast. Baka ibida kopero bigla pala akong pinalitan. Nakakahiya, di ba? Noong nakapag-taping na akofor Dyesebel, doon ko na lang sinabi sa mga friends ko. At least, sure nakasama talaga ako."

Na-experience na pala before ni Ricky na may offer sa kanyapara sa isang TV drama pero napurnada. Inakala niya na okey na kaya may tinanggihan siyangibang offers. Sa huli ay hindi pala napunta sa kanya ang role kaya nagingjobless siya ng ilang buwan. Ang mga tinanggihan niyang offers ay napunta nasa iba.

"That's why I learned my lesson. Hindi ka dapatmagpakasigurado muna. Not unless na rumorolyo na ang kamera na kasama ka na,doon mo na lang puwedeng makumpirma na kasama ka," sabi niya.

Freelancer naman daw si Ricky at puwede siyangtumanggap ng trabaho sa GMA-7 at sa ABS-CBN. Matagal na nga raw siyanghindi nakakagawa ng soap drama sa Dos dahil parating nauuna ang offer ng Siete.

"Kung sino naman kasi ang mauna, yun ang priority ko," diinni Ricky. "It just so happens na nagugustuhan ko ang offer ng GMA-7 sa akin. ButI can still work with ABS-CBN basta hindi katapat ng ginagawa kong show saGMA."

Ang Dyesebel ang ikatlong show ni Ricky sa GMA-7 after Captain Barbell at Lupin, both with Richard Gutierrez. This time sa Dyesebel,sina Marian Rivera at Dingdong Dantes naman ang kasama niya. Ginagampanan ni Ricky ang role na Don Juan, angama ni Fredo (Dingdong).

Naging busy rin si Ricky sa paggawa ng pelikula, mostly indiefilms: Mga Pusang Gala, Tambolista, Signos, Endo, Tukso Durog, at Adela. Nakasama rinsiya sa mga mainstream films tulad ng Katas ng Saudi at Sakal, Sakali, Saklolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN