Rufa Mae Quinto denies rumored breakup with her new boyfriend

"Dyusko, nagsisimula pa lang nga kami ‘tapos mayending na! Ang pangit, huh! Naku, painitin naman muna namin bago kamimaghiwalay. Nasa getting-to-know-you stage pa lang kami ‘tapos biglang mayganyan. Hindi naman maganda ‘yan," Rufa Mae Quinto reacts to reports that she has broken up with Bobby Lopez.



Natatawa na lang ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quintosa mga kumakalat na balitang hiwalay na raw sila ng kanyang boyfriend na siBobby Lopez. Nakarating daw kasi sa Mexican-American businessman nanagkabalikan sina Rufa Mae at Dennis Trillo habang nagsu-shoot sila ngI.T.A.L.Y. sa Europe.

Ayon kay Rufa Mae, wala raw itong katotohanan. Sa katunayannga raw ay magkikita sila ni Bobby sa Pilipinas dahil may business meeting itoand at the same time ay bibisitahin daw ang sexy comedienne.

"Saan naman daw galing yung chika na wala na kami ni Bobby?"nagtatakang sabi ni Rufa Mae. "Dyusko, nagsisimula pa lang nga kami ‘tapos mayending na! Ang pangit, huh! Naku, painitin naman muna namin bago kamimaghiwalay. Nasa getting-to-know-you stage pa lang kami ‘tapos biglang mayganyan. Hindi naman maganda ‘yan."

Ikinuwento rin ni Rufa Mae na may nag-email kay Bobbytungkol sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa kanya at kay Dennis. Galing dawang mga balitang ito mula sa interviews sa kanya dito sa Pilipinas.

"Nagtanong siya kaya sinagot ko naman," lahad niya. "Infact, magkasama kami noong i-open niya yung email niya at ipabasa sa akin.In-explain ko naman sa kanya na may pelikula kasi kami ni Dennis. Kayanagagawan kami ng tsismis because of the movie. Pero wala naman na ‘yon kasifriends na lang kami ni Dennis.

"In fairness kay Dennis, siya itong gumawa ng effort namaging okay kami habang nagsu-shooting. Mabait at masipag na tao ‘yang siDennis kaya he doesn't deserve na matsismis ng hindi maganda.

"Naintindihan naman ni Bobby ‘yon. Sinabi ko naman din naganyan dito sa showbiz. Kailangan sakyan mo lang or else, mapipikon ka talaga.Hindi ko naman siya masisisi kasi nga hindi naman showbiz yung tao. Corporateang mundo niya kaya iba talaga kami," paliwanag ni Rufa Mae.

Malapit na nga raw ipakilala ni Rufa Mae si Bobby nangpormal sa mga kaibigan niya sa showbiz. Gusto naman daw niya na maging kumportablesi Bobby sa mundo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung mga friends naman niya, kilala ko na. Okey silasa akin. Kaya gusto ko naman na makilala niya ang mga friends ko sa trabaho ko.Gusto ko kasing ma-feel niya na kahit magulo ang showbiz, okey din naman dito.Marami akong mga kaibigan na nagmamahal sa akin. Hinahanda ko naman na siya forthat big event! Parang may launching siya, di ba?" tawa niya.

VIVA ARTIST. Pormal nang lumagda si Rufa Mae bilang isa sa talents ngViva Artist Agency (VAA). Sunud-sunod ang mga projects na inihanda sa kanya sataong ito. Kabilang na rito ang launching ng isang lite CD titled Four Sides of Rufa Mae at isang solo film titled Civil Status: Single na ididirek ni JoseJavier Reyes.

"Never naman akong pinabayaan ng Viva, e," sambit ni RufaMae. "Sa kanila na ako lumaki talaga. Mula sa pagiging extra, supporting,nag-sexy na ako, naging komedyante ako, pinagbida ako hanggang sa magingco-producer na nila ako. You name it, sa Viva nangyari lahat ‘yan. Kaya nganoong mag-renew ako ng kontrata ulit sa GMA-7, si Ma'am Veronique [del Rosario]ang kasama ko. VAA na talaga ang mag-represent sa akin."

Bukod sa SOP, Showbiz Central, at Bubble Gang, kasamarin si Rufa Mae sa bagong telefantasya ng GMA-7, ang Dyesebel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN