Bad boy Baron Geisler knows his boundaries

"Gaya ng sinabi ko saibang interview ko, gago ako pero ‘di ako ganun kagago, ‘di rin ako ganun katapangpara manira ng isang pamilya. Nandun din yung takot kasi yung side ng family niya, may mga anaksila saka Tito Boy ‘yan," says Baron Geisler regarding rumors that he has achild with Nadia Montenegro.He also says he has a lot of respect for Nadia's husband, former Caloocan City mayor Boy Asistio.



Sa pagsabog ng away sapagitan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro, isang isyu na lumutang atnaging usap-usapan ay kung sino raw ba ang tunay na ama ng isa sa mga anak niNadia. Lumabas ang pangalan ni Baron Geisler, kaibigan at madalas na kasama dawng dating aktres sa mga gimikan at showbiz gatherings.

Ayon sa mga usap-usapanay gray raw ang kulay ng mata ng nasabing bata, bukod sa malayo raw talaga angphysical features nito sa asawa ni Nadia na si former Caloocan mayor Boy Asistio.

Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Baron kamakailan sa bakuran ng ABS-CBN, agad nahumingi ng tawad ang aktor kay Nadia at sa pamilya nito dahil sa pagkakaladladsa isang napakanegatibong balita.

"For Nadia, Tito Boy, atsa family nila, I'm so sorry kung may mga issues na lumalabas na ganito. Kungnakakaapekto man, tawanan na lang natin kasi alam naman nating ‘di totoo. KayNadia, again sorry and enjoy your life. Don't worry so much."

BAD BOY KNOWS HIS BOUNDARIES. Aminado ang aktor na badboy siya pero marunong naman daw siyang matakot at kumilala ng mga hindi katalo.

"Gaya ng sinabi ko saibang interview ko, gago ako pero ‘di ako ganun kagago, ‘di rin ako ganun katapangpara manira ng isang pamilya. Nandun din yung takot kasi yung side ng family niya, may mga anaksila saka Tito Boy ‘yan.

"Ako, I won't messanybody's relationship. ‘Di ako ganung klase ng tao kahit kanino pa man. Kahit ‘dipa si Nadia yun."

Hindi rin itinanggi niBaron na pumupunta siya sa bahay ng mga Asistio at minsan ay lumalabas sila ninaNadia. Isang pagkakaibigan na ayon kay Baronay nagsimula ilang taon nang nakalipas.

"Pumupunta ako sa kanilakasi kaibigan ko rin si Ate Tanya at Ate Katya. Kaibigan ko rin yung mga anaknila. Lumalabas din kami but we're always around friends, lagi kaming may kasamangkaibigan o pamilya. We don't go out na kami lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're friends, kasi nungnag-shoot kami for Recuerdo de Amorpa, bata pa ako nun. She's like a tita sa akin. Siguro na-misinterpret lang ngmga tao yung pagiging close namin. Hanggang sa namatay yung daddy ko, nandunsiya and she was consoling me. Siguro na-misinterpret ng mga tao at inisip nabaka may relasyon kami."

WHAT ABOUT THE KID? Hindi pa pala niya nakikitaang batang sinasabing anak niya raw dahil matagal-tagal na palang panahon nahindi nagkikita o nakakapag-usap man lang sina Baron at Nadia.

"'Di ko pa nakikita yungbata. I haven't seen Nadia for the longest time. Taon na siguro, siguro two yearsna kaming di nagkikita. I've been working lately. Matagal din ako sa PBB house."

Sa isyung gray at mukhangmay lahi raw ang anak ni Nadia at malayo ang mukha sa ama at sa mga kapatid nito,simple lang ang paliwang dito ni Baron.

"Nadia's Spanish, ‘di ba?siguro sa side niya kumuha. Kami ng kuya ko, si Donnie, di rin kami magkamukha,things like that happened."

Baron even gave theassurance na hinding-hindi raw magagawa ni Nadia na lokohin ang asawang dating mayorng Caloocan.

"Nadia won't do that toTito Boy and she loves Tito Boy so much, I love Tito Boy also, so ‘di ko gagawinna sirain ang pamilya niya nor Nadia."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN