Katrina Halili sees no rivalry with Heart Evangelista in GMA-7

"Hindi kami puwedeng i-level. Yung nasa drama,pa-sweet. Pero ako, alangan namang sabihin ko na pa-sweet po ako? Walanamang tatanggap no'n, ha-ha-ha-ha!" jokes Katrina Halili when asked for hercomments about talks saying new Kapuso Heart Evangelista is another GMAartist that might steal roles from her.



Hindi nag-aalala si Katrina Halili na maging kaagaw niya samga proyekto sa GMA-7 si Heart Evangelistangayong bahagi na ng Kapuso Network ang huli.

Sa Playmate photo exhibit ni Katrina na ginanap sa Ten02 Barsa Timog, Quezon City kagabi (April 26), sinabiniya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) namasaya siya para kay Heart na recently ay pumirma ng two-year contract sa GMA-7at nakatakdang maging leading lady ni Richard Gutierrez sa Asero.

"Masaya po ako sa kanya, at least marami na kami. Totoopo iyan, kasi kahit naman kanino ay hindi naman ako nakikipag-compete," panimulani Katrina.

NOT THE SAME LEVEL.Pero after ng Asero at Magdusa Ka, hindi kaya sila magkaagawan ngproject ni Heart sa Siyete dahil pareho sila ng linya bilang young stars?

"Pareho man kaming young star gaya ng sabi ninyo, pero magkaiba pa rin kamikung tutuusin. Hindi kami puwedeng i-level. Iba ang level namin. Imean, hindi naman ako puwedeng i-level na sweet na sweet. Siyempre,nandoon yung may sexy pa rin, alam mo iyon? Kaya hindi ako puwedengi-level sa kanila.

"Ibig kong sabihin, iba sila. Yung nasa drama,pa-sweet. Pero ako, alangan namang sabihin ko na pa-sweet po ako? Walanamang tatanggap no'n, ha-ha-ha-ha! Iyong parang, sila santa at ako yungsanta-santita," esplika nito sabay banat ng malutong na tawa.

Hindi kaya pumasok sa isip niya na kung hindi umentra siHeart sa Siyete, siya na ang leading lady ni Richard sa Asero?

"Hindi naman. Okey lang iyon sa akin. Kasi ako naman, naniniwalana kung ano yung para sa iyo, ibibigay naman ‘yon. So, maghihintay na langako. Kaya nga ako gumagawa ng para sa akin eh," nakatawang saad pa ni Kat.

"Joke lang po," hirit pa niya. "Pero abangan nila itong MagdusaKa na mag-i-start na sa May 12 with Iwa Moto,Dennis Trillo, Rita Avila, Emilio Garcia, Liza Lorena.

"Ako po si Kristine rito, sana po, huwag mag-react yung ibang tao dahilhindi ako api-apihan dito. Inaapi, pero strong pa rin. Ako yung palaban natao. Aapihin ako rito, pero hindi ako yung hindi lumalaban, palaban dinpo. Like, kunwari, sabihan mo ako ng bastos, sasampalin kita. Ganoon siya,palaban din at very strong. Actually, napanood ko nga yung movie ni Ms. D[Dina Bonnevie].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And itong exhibit, bale collection ito ng 15 photos kowearing Playmates lingerie at swimsuits. Yung photos ay mabibili at P5000each thru www.katrinahalili.com.ph, kuha ito nina Mark Nicdao atNicollo Cosme," dagdag pa ng kalog na sexy young star.

LONG BEEN TOYING WITHTHE IDEA. Bakit niya naisipang magkaroon ng ganitong photo exhibit, lingeriebusiness, at coffee table book?

"Mga naglalaro po iyan sa utak ko na gusto kong gawin e. Itonamang si Kuya Omar [Sertejas, friend and consultant] sige, gawin natin iyan.Actually, like itong coffeetable book, matagal ko nang gustong gawin iyan, perofeeling ko ay ngayon na talaga yung time."

Mas daring ba ang makikita sa kanyang coffeetable book, kumparasa lingerie photo exhibit na ito?

"Mas daring po yung coffeetable book at hindi lang bastasexy o daring ang makikita nila rito, pati yung beauty ng Pilipinas, paramakatulong din kahit paano sa tourism natin. By the end of this year ang labasnito kaya sanaay abangan ninyo.

"Itong Playmates, lingerie lang talaga ito, para maipakitana rin yung mga line of lingerie ko. Actually, kasi kaya ko ito inilabasngayon, noong March pa lang bale, okey na yung lingerie, pero hindi pa na-outdahil wala pang pictures. Ang balak namin ay kukuha na lang kami ng models namagsusuot ng lingerie ko. Pero parang sabi ko, baka naman walang tuminginng line natin, kasi, kaya nga titingnan nila ay dahil ako. So, sabi ko,sige ako na lang nga ang magmo-model.

"E, this Holy Week lang po akonagka-time, and naisip namin ni Nanay Omar kung paano namin maipakikita itongphoto shoot, kaya nag-isip kami nitong photo exhibit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN