Angel Locsin excited about her first movie with Star Cinema

"Excited ako kasi matagal-tagal na rin akong hindinakakagawa ng pelikula. Siguro isang taon na rin akong hindi nakikita sa bigscreen. At yung makasama ko si Piolo Pascual sa pelikula, ibang kasiyahan yunpara sa akin," says Angel Locsin about her first movie with Star Cinema.



Angel Locsin celebrated her 23rdbirthday last April 23 sa pamamagitan ng gift-giving sa mga batasa Payatas. Bukod dito, ang ilang oras na kasama niya ang entertainment press ay itinuturing din ni Angel na celebration ng kanyangkaarawan. Binigyan kasi siya ng ABS-CBN ng solo presscon kahapon, April 27,para sa kanyang birthday at para na rin sa Lobo.

Ang ikatlo naman daw niyang celebration ay ang party or fansday niya with her international fans club, na ang mga miyembro ay galing pa rawsa iba't ibang bansa. Umuwi lang daw ang mga ito just in time for Angel'sbirthday.

DOUBLE CELEBRATION. Pagdating naman sa naging selebrasyon nila ng rumored boyfriend na si Luis Manzano, tipid ang mga sagot ni Angel nangtanungin tungkol dito. Aniya, ibang presscon daw 'yon dapat dahil para sa Loboang ginaganap na presscon.

Gayunpaman, hindi nagdamot si Angel na sabihingflowers ang gift sa kanya ni Luis on her birthday. At dahil nag-celebrate din siLuis ng kanyang 27th birthday last April 21, binigyan siya ni Angel ng upuan namagagamit ng binata sa pagte-taping or shooting nito.

"Napakababaw namin, ‘no? Wala siyang ganun [chair], e,serious... ‘Kakaawa siya, ‘no?" natatawang sabi ni Angel. "Siyempre sa trabahonamin, kailangan kahit paano kumportable kami. Gagawa na kami ng paraan paramaging kumportable kami.

"At sa tingin ko naman, hindi naman kailangang mamahalingregalo, di ba? Wala naman yun sa presyo or sa mahal kundi yung naisip mo,"pahabol ng dalaga.

Dahil nasa ibang bansa ang ina ni Luis na si Ms. VilmaSantos, nagpasabi lang daw ito ng pagbati sa kanya. Pero ayaw nang i-elaboratepa ni Angel kung ano ang naging message sa kanya ng Star for All Seasons atBatangas governor dahil up to now, nahihiya at nai-starstruck pa rin daw siyarito.

Bagama't madalas silang makitang magkasama at nagpapalagayna sila na talaga, hindi pa rin umaamin sina Angel at Luis sa totoong estado ngrelasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi, may mga bagay na hindi mo naman kailangangsabihin pa," paliwanag ni Angel. "We're close. Masaya kami kapag magkasama kami.Mabait na tao si Luis, sobra. Alam n'yo naman yun, kapag nakasama mo na,napakabait na tao ni Luis. Yun lang ang masasabi ko at hindi ko na namankailangang isa-isahin pa."

Paano niya ide-describe ang lovelife niya ngayon?

"Isa siyang life! Kung dati wala akong life, ngayon meronna!" natatawa niyang sabi.

MOVIE WITH STAR CINEMA. Sa birthday presscon ni Angel na rinin-announce na hanggang July pa mapapanood ang teleserye nila ni Piolo Pascualna Lobo. Bukod dito, magkakaroon na rin ng pelikula si Angel sa Star Cinemakung saan makakatambal niya ulit si Piolo.

Wala pa raw title ang movie na gagawin nila.

"Kaka-present pa lang po sa amin. Nakaka-challenge po yungmovie. Yung location po, hindi po sa Manila gagawin. Probinsiyang-probinsiya posiya at pagkatapos nga po, sa ibang bansa na po kukuhanan yung ibang scenes. Angalam ko lang po, dapat ko pong ayusin ang acting ko dahil medyo mabigat po,acting pong talaga," pahayag ni Angel.

Excited na raw siyang simulan ang gagawing movie sa StarCinema.

"Excited ako kasi matagal-tagal na rin akong hindinakakagawa ng pelikula. Siguro isang taon na rin akong hindi nakikita sa bigscreen. At yung makasama ko si Piolo Pascual sa pelikula, ibang kasiyahan yunpara sa akin. At saka siyempre, yung makagawa ako ng project sa Star Cinema... yungmga tumutulong po sa akin, like si Tita Malou Santos, excited po talaga ko,"pahayag ni Angel.

Nabanggit din ng young actress na isa sa pangarap na gustoniyang ma-achieve ay ang manalo ng acting award.

Nang lumipat si Angel sa ABS-CBN from GMA-7, lumabas din angisang isyu tungkol naman sa kontrata niya sa Regal Entertainment. Ito raw angdahilan kung kaya't hindi siya makakagawa ng any film outside Regal.

Wala na bang problema sa paggawa niya ng movie sa StarCinema ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, sa kontrata ko po, wala naman pong problematalaga," sagot ni Angel. "Nag-usap naman po ang Star Cinema at saka sina MotherLily po... Actually, hindi ko po alam kung ano ang napag-uusapan po talaga. Peroang kontrata ko po, malinis po. At may kontrata rin po ako sa Star Cinema."

Pero inamin ni Angel na hindi pa sila nagkakausap onagkikita ni Mother Lily hanggang ngayon.

"Si Mother, mahal na mahal ko. Sa kanya ho ako nagsimula. Maayosnaman po ang pag-uusap. Kami po ni Mother, hindi pa po nagkikita... Siyempre, inaayospa po nila. Siyempre, napagsabihan din ako na sila muna ang mag-uusap bago ako.

"Pero ako po, tanggalin na natin ang kontrata. Pero sa lahatng naitulong sa akin ni Mother at sa lahat ng kabutihang ipinakita niya saakin, kahit walang bayad, kahit walang kontrata, willing akong gumawa ngpelikula sa kanya."

ANGEL AS KAPAMILYA. Naitanong din kay Angel ang mgapagbabago sa kanya ngayong mag-iisang taon na rin simula nang mapagdesisyunanniyang lisanin ang kanyang dating home network na GMA-7.

"Alam n'yo po, magiging honest po ako," simula niya. "Ayokopong ikumpara. Parehong trabaho naman po ‘yan. Pero masasabi ko po nasobrang proud ko po sa Lobo na puwede ko pong sabihin na after 20 years,maaalala ko pa rin po itong project na ito at maipagmamalaki ko.

"Kapag naaala ko po siya minsan, napapangiti po talaga ako.Iba po talaga siya... yung sacrifice. At napakaganda po talaga ngpagkakasulat ng Lobo. Yung EP namin, yung production team namin, kung makikitan'yo, hindi na po sila halos nagpapahinga para lang mapaganda ang story. Yun poang sobrang tine-treasure ko. At masayang-masaya po ako sa ginagawa ko po."

Kinuha rin ang reaksiyon ni Angel tungkol sa nagiginglipatan ng network ng mga artista. Kung siya ay lumipat from Kapuso toKapamilya, ang dating Kapamilya na si Heart Evengelista ay Kapuso na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Sa totoo lang, wala po yata ako sa posisyon paramagsalita dun because hindi naman po ako involved. Pero ang sa akin lang po,kung ako po, magiging masaya po ako kung rerespetuhin po natin ang desisyon ngisang tao. Kung yun po ang sa tingin niya ay tama para sa kanya, respetuhin nalang po natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN