PEP EXCLUSIVE: Sandara Park "determined to become successful" in Korean showbiz

"Okay naman ako dito sa Korea, happy naman ako dahil uma-attendako ng mga auditions and mga casting call. Hindi pa rin ako naggi-give up.Kumbaga, I've gotten this far na so there's no turning back na. Nawalan man akong career diyan, hindi ako sumusuko," says Sandara Park.



Kahit matagal-tagal na ring wala sa Pilipinas at sa showbizsi Sandara Park, masasabing updated pa rin siya at never na nawalan ng contact,lalo na sa mga kaibigan niya sa showbiz. Hindi rin naman maikakaila na at one point ay sumikat din nang husto si Sandara after niyang magingrunner-up kay Hero Angeles sa kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Malaking tulong ang Internet at iba't ibang online account nanagagamit ni Sandara para magkaroon siya ng regular communication sa mga naging kaibiganniya when she was still active sa kanyang showbiz career dito sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito kaya nakausap at nakumusta ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Sandara.

Kuwento niya, naging busy raw siya lastweekend. Patuloy pa rin siyang nagta-try ng luck sa iba't ibangauditions at casting calls sa Korea.

"Okay naman ako dito sa Korea, happy naman ako dahil uma-attendako ng mga auditions and mga casting call. Hindi pa rin ako naggi-give up.Kumbaga, I've gotten this far na so there's no turning back na. Nawalan man akong career diyan, hindi ako sumusuko," pahayag ni Sandara.

Nilinaw rin ni Sandara ang tungkol sa isang project naginawa niya sa Korea, kung saan nakasama siya sa isang MTV.

"Hindi po ako part ng band. Ako lang po ang leading lady niT.O.P., who is part of the band Big Bang sa isang music video ni Gummy. SiGummy po ay isang singer pero hindi po siya part ng Big Bang na band. Bale po,sa video ni Gummy, kinuha po nila ako as the female lead, tapos si T.O.P. po ofBig Bang band as my male lead naman," paliwanag niya.

Naitanong namin kay Sandara kung wala ba siyang planongbumalik ng Pilipinas or kahit bumisita man lang.

"As of now, wala pa po akong plan to come back to Manila,"sagot niya. "Nami-miss ko din po lahat diyan. I left with a heavy heart, butI'm okay now. I'm surviving, I'm happy, and I am determined to becomesuccessful here [Korea].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malay natin, ang Koreanovela ko na ang patok na patok diyansa Philippines, o, di ba? Mamahalin ulit ako ng mga Filipino fans ko. Walanaman po kasing nangyari after ng Crazy For You. Akala ko mase-save nun at ngSuper Noypi ang career ko, pero okay lang naman sa akin," very honest na pahayagni Sandara, na minsang nakilala sa taguring "Pambansang Krung-Krung ngPilipinas."

What if mag-offer sa kanya ang GMA-7, will she consider namagbalik-showbiz? Pumasok ang ideyang ito dahil ang kanyang dating ka-loveteam na si Hero Angeles ay isa nang Kapuso ngayon at nagsisimulang maging visible muli sa telebisyon dahil sa Dyesebel.

Ayon kay Sandara, "Sana nga dati pa nag-offer ang Kapuso. Idid guestings in GMA before, but it was just for promotion of Super Noypi. Ithought they will offer me something."

Pero updated daw siya at alam niyang ang datingkasamahan sa ABS-CBN at kaibigang si Heart Evengelista ay isa na ring Kapuso.

"I'm so happy because Heart told me that she already signedup with the Kapuso channel. I can't wait for her to become active on TV again.I read some of her articles on PEP. I'm so happy for her," saad ni Sandara.

Nang tanungin naman namin kung ano ang reaction niya sapagiging Kapuso ng dating ka-love team na si Hero, ito ang naging sagot niya: "Ihave nothing much to say about Hero. Basta good luck na lang sa kanya ngayongKapuso na din siya. For the most part, I am happy for Heart because she's mygood friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN