Daughter of William Martinez and Yayo Aguila files complaint against Baron Geisler

Young actor Baron Geisler is in trouble again. The 21-year-old daughter of celebrity couple William Martinez (inset, bottom) and Yayo Aguila (inset, top) filed a complaint against Baron for acts of lasciviousness.



Nagsampa ng reklamo ang mag-asawang William Martinez at YayoAguila at ang kanilang 21-anyos na anak na dalaga laban sa youngactor na si Baron Geisler for "acts of lasciviousness."

Ayon sa report ng GMA News, nagpunta ang pamilya Martinez sa tanggapan ni SuperintendentSotera Macatangay sa PNP Women and Children's Desk sa Camp Crame, Quezon City, upang isampa ang reklamo laban kay Baron.

Sa isang panayam ng dzBB kay William, sinabi ng aktor nahinawakan diumano ni Baron ang dibdib ng kanyang anak at niyaya itong "makipag-sex"sa kanya. Ayon kay William, nasa isang bar daw sa Quezon City ang kanyang anak,kasama ng mga kaibigan nito, nang mangyari ang insidente. Lasing daw si Baronnoong mga oras na ‘yon.

Nilinaw ni William na ang kanyang anak mismo ang gustongmagsampa ng reklamo laban kay Baron.

Ayon kay William, "Ilang araw na umiiyak ang anak ko. Na-trauma siya. Anganak ko mismo ang gustong lumaban.

"Sinabihan ko na siya [Baron]. When he is drunk, ginagawaniya lagi 'yan. Kaibigan siya ng asawa ko, kaibigan ko siya. This is the onlyway for him to learn his lesson. Not just him but the other men who do thingslike this."

Nagkasama si Baron at ang misis ni William na si Yayo Aguilanang pareho silang maging housemates sa second edition ng Pinoy Big Brother CelebrityEdition.

At press time ay wala pang pahayag ang kampo ni Barontungkol sa naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN