Roselle Monteverde-Teo on upcoming Angel-Piolo Star Cinema movie: "Commit the crime first, bago ang reaction."

"Gawin na muna nila at tingnan natin. You have to commit thecrime first, before you can do anything. Gawin na lang muna nila, bago angreaction," comments Regal Entertainment producer Roselle Monteverde about AngelLocsin's announcement that she will be doing a movie with Piolo Pascual forStar Cinema.



In-announce ni Angel Locsin sa kanyang birthday presscon naginawa sa 9501 Restaurant ng ELJ Bldg., ng ABS-CBN, na tuloy na ang pelikulanila ni Piolo Pascual sa Star Cinema.

"Before the year ends" ang narinig ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na shooting ng pelikula na wala pang title.

Nabanggit din ni Angel na nakaka-challenge ang movie atacting talaga ang kailangan. Mabigat daw ang story nito at si Rory Quintos angdirector. Ipinaalam din nitong nag-o-occular inspection na para sa ibanglocation, pero magsu-shoot sila for two weeks sa isang probinsya at two weekssa ibang bansa at hindi na binanggit kung saan.

Sa ibang source nalaman ng PEP na sa bansang Israeltina-target ng Star Cinema na kunan ang ibang eksena ng Angel-Piolo movie, atkung matutuloy ito at kundi kami nagkakamali, ang pelikula ng dalawa ang firstmovie na kukunan sa Holy Land.

REGAL REACTION. Timing naman na pagkatapos ngbirthday presscon ni Angel, nakita ng PEP ang mag-inang Mother Lily Monteverdeat Roselle Monteverde-Teo. Naalaala ng PEP na may isyu kay Angel at sa RegalEntertainment at kaya hindi siya makagawa ng pelikula sa Star Cinema, dahil mayexisting contract pa siya sa Regal.

Kaya, pinag-react ng PEP sina Mother Lily at Roselle sa napipintongpaggawa ng pelikula ni Angel sa Star Cinema with Piolo Pascual.

Disappointing for a reporter ang "good" na sagot ni MotherLily at hindi na talaga nag-elaborate. Kahit may mga follow-up questions pa sakanya, gaya ng, may gagawin ba siyang hakbang ‘pag natuloy na ang pelikula?

Mas may anghang ang sagot ni Roselle, kahit maiksi lang athindi na rin nag-elaborate. Sabi nito: "Gawin na muna nila at tingnan natin.You have to commit the crime first, before you can do anything. Gawin na langmuna nila, bago ang reaction."

Hindi na dinugtungan ni Roselle ang pahayag. Feeling nito,nasabi na niya ang gusto niyang iparating sa kinauukulan. Ano nga kaya angmangyayari ‘pag itinuloy ng Star Cinema ang Angel-Piolo movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magandang abangan ito!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN