Coco Martin prays for Sen. Grace Poe

Apr 24, 2016
<p style="margin-bottom: 0in;">During his latest visit to Quiapo church, Coco Martin prayed for his presidential bet, Sen. Grace Poe. In his text message to one of the lady senator's aides, he said, “Pakisabi po kay Ate Grace, pag-pray ko siya sa Quiapo p

Hindi pa rin pumapalya si Coco Martin sa kanyang panata na magsimba sa Quiapo church, dahil deboto siya ng Black Nazarene.

Muling nagpunta si Coco sa simbahan ng Quiapo kagabi, Sabado, April 23, at kasama sa mga ipinagdasal niya si Senator Grace Poe, ang presidential candidate na kanyang sinusuportahan at sasabak ngayong hapon sa presidential debates sa University of Pangasinan, Dagupan City.

Sa pamamagitan ng text message sa isang malapit kay Poe, ipinarating ng aktor ang mensahe para sa presidential candidate ng Partido Galing at Puso na sinamahan niya sa pangangampanya sa Bacolod at Palawan nitong nakaraang Biyernes.

Lahad ng text message ni Coco, “Pakisabi po kay Ate Grace, pag-pray ko siya sa Quiapo para po sa debate niya na sana maliwanagan ang isip niya at tulungan siya sa mabibigat na katanungan at maliwanagan ang mga tao kung sino talaga ang maging karapat-dapat na maging pangulo.”

WINNING TRAITS. Walang anumang kapalit ang pangangampanya ni Coco para kay Poe, at wala ring kinalaman ang closeness nila ni Susan Roces sa kanyang desisyon na suportahan ang kandidatura ng lady senator.

Continue reading below ↓

“Matagal kong pinag-aralan ito.

“Pinanood ko lahat ng mga debates, lahat ng mga interviews nila.

“Siyempre po, sa pagkakataong ito, boboto ako hindi lamang para sa aking sarili, hindi para sa aking pamilya, [pero] para sa ating lahat sa buong Pilipinas.

“Napaka-importante ng boto ko. Ito pong pagkakataon na ito ay panahon para tumulong ka sa ’yong bayan.

“Sa lahat po ng napanood ko, lahat po ng qualities na hinahanap ko sa pagiging pangulo, nakita ko po kay Grace Poe.

“Ito ay ang dunong, tapang, may paninindigan, marunong makinig, buo ang pamilya, hindi trapo at may puso,” ani Coco.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p style="margin-bottom: 0in;">During his latest visit to Quiapo church, Coco Martin prayed for his presidential bet, Sen. Grace Poe. In his text message to one of the lady senator's aides, he said, “Pakisabi po kay Ate Grace, pag-pray ko siya sa Quiapo p
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results