Heart Evangelista clarifies issue with Genesis about her transfer to GMA-7

"Wala pa naman akong naririnig na negative comments, puromagaganda. Maraming taong nagsasabi na ‘I'm very happyfor you. This is good for you. Good career move.' So, maayos naman ang lahat.And I think it's meant to be," says Heart Evangelista about her transfer to GMA-7.



A few days after signing a two-year exclusive contract withGMA Network, Heart Evangelista made her first live appearance as a Kapuso onShowbiz Central yesterday, April 27.

Pag-upo ni Heart ay tinanong na agad siya ng Showbiz Centralco-host na si Raymond Gutierrez kung ano ang nararamdaman niya ngayong Kapuso nasiya.

"Sobrang excited, sobrang... I'm so excited to work! There'sso many good projects that GMA is gonna give me. And I'm just so grateful yungwelcome ng lahat, it's so nice," masayang sabi ni Heart.

Pagkatapos nito ay in-explain ni Heart kung bakit nagdesisyon siyang lumipat saGMA-7 after being absent from the scene for quite some time—"three years on andoff."

"I want to clear this out, I'm very grateful to ABS," simula niya. "I've been with them all my life, but it's just, you know, there's a timein your life where it's time for you to move on, work with new people... Ofcourse, the offers [of GMA-7] were really like ‘Wow!' Sobrang gaganda ng mgaoffers. Sobra, sobra!"

Anu-ano naman ang mga reaksiyon na natanggap ni Heart sakanyang paglipat ng TV network?

"Wala pa naman akong naririnig na negative comments, puromagaganda," sabi ng young actress. "Maraming taong nagsasabi na ‘I'm very happyfor you. This is good for you. Good career move.' So, maayos naman ang lahat.And I think it's meant to be."

ISSUE WITH GENESIS. Sa kabila ng pahayag na ito ni Heart ay may lumabas nareport na hindi nagustuhan ng dati niyang manager na si AngeliPangilinan-Valenciano ng Genesis Entertainment ang paglipat ng young actress saKapuso network, pati na sa bagong management team niya.

Matatandaang siAngeli ang naging manager ni Heart nang lisanin niya ang Star Magic ng ABS-CBN. Ngayon, ang ama ni Heart na si Mr. Reynaldo Ongpauco at si Annabelle Rama ang magkatulong na namamahala ng career ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tita Angeli is very close to my heart," sabi ni Heart."Tinulungan niya ako nung mga times na wala dun yung parents ko, wala yung mgakaibigan ko. Talagang tinulungan niya ako diyan. I'm very, very grateful thatshe was there.

"We knew na darating yung araw na babalik din ako sa parentsko, so kinausap din naman siya ng mom ko. Pumunta dun yung mommy ko sa officeng Genesis at plantsado ang lahat. I'm sure she's very happy. This is what shewanted."

Ayon sa isang report, hindi nasabihan si Angeli tungkol saplanong paglipat ni Heart sa GMA-7 at pakiramdam ng misis ni Gary Valenciano aynabastos siya sa nangyari. Nagkapalitan din daw ng masasakit na text messagessa pagitan ni Angeli at ng kampo ni Heart. Isa raw sa mga text messages naipinadala ni Angeli kay Heart ay ito: "What your parents did to Genesis andABS-CBN will go down as the lowest of ethics in order to strike a good deal."

Ano ang reaksiyon dito ni Heart?

"You know, with Tita Angeli, we're close friends. We talkabout certain things, pero I'm not gonna say anything about that because that'sbetween the two of us. Nakalabas siya [text messages], pero, you know... Parakong mom si Tita Angeli. So it's very constructive, hindi siya masama. Paralang sa ikabubuti ng lahat... It's not hard to let go kasi handa namansiya, pero siyempre napamahal na rin ako sa kanya...."

BACK TO HER PARENTS. Marami ang nagsasabi na ang boyfriend ni Heart na si JerichoRosales ang dahilan ng tatlong taong alitan sa pagitan ng young actress at ngkanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco. Peronilinaw ni Heart ang bagay na ito.

"You know, noong time na ‘yon, sinasabi ko sa inyong lahat,e, medyo nagrerebelde lang ako. Kasi, you know, it's a transition, nagdadalagaako and stuff. E, nagkataon lang talaga na si Jericho yung boyfriend ko ng timena ‘yon. So parang it was hard for them [her parents] to accept na mayboyfriend ako and stuff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi talaga siya [Jericho] ang dahilan kung bakit kaminag-away," giit ni Heart. "It's more na hindi nila ma-accept na gusto ko nangmaging independent. Talagang grabe yung away namin. Three years kong hindinakita yung daddy ko. That's why ngayon, ginagawa ko lahat para sa parents kopara maging masaya sila, para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa ko. You know,if my family is happy, I am happy. That's what I think now."

Gaano kahirap para kay Heart ang tatlong taong alitan nilang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama?

"Sobrang hirap!" sambit niya. "Tinatawagan ko sila, tapos‘pag Christmas, hindi nila sinasagot, binababaan nila ako ng telepono. Lahat!Pero isang araw, dumating na lang, I just woke and I said I have to go to mydad. So nandun ako ng lunch time hanggang mga 10 pm, walang ginawa ang daddy ko kundi [sermunan ako]. Pero okeylang ‘yon, I deserved it."

Ano ang nag-udyok sa kanya na makipag-ayos sa parents niya?

"Because, you know, with teenagers, sometimes you feel nakalaban n'yo yung parents n'yo. But, you know, they only want what's best foryou. I mean, with my dad, so much time was wasted... Nung nakita ko siya ulit,you know, wow, parang nagsisi ako na hindi ko siya nakasama nung mga birthdaysko, ganyan. So I'm just happy that we're okay now. Even if there are somethings I don't understand, pikit-mata na lang, I know my parents want the bestfor me."

Ano naman ang maipapangako niya sa kanyang mga magulangngayong nagkaayos na sila?

"Bago ako mag-react sa isang bagay, iintindihin ko muna yungsinasabi nila. Siguro naman I learned my lesson. I want through a lot, nag-ageako ng 10 years dun sa mga pinagdaanan ko... I know they want the best for me. Iwill understand even if it's hard, I will understand," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay nagbigay si Heart ng mensahe para sa kanyang mgamagulang.

"Thank you so much for forgiving me. Thank you so much forputting good things in my head, bringing me up well. I owe everything to you,the way I speak, the way I dress up, the way I think, the way I choose thingsin my life, it's all because you guys brought me up well. Maraming-maramingsalamat na nandiyan kayo. Sana ngayon magiging masaya na talaga tayo. I loveyou very much."

RELATIONSHIP WITH ECHO. Pinalinaw rin ni Raymond kay Heart ang totoong estado ngrelasyon nila ni Jericho. May balita kasing break na sila at meron dingnagsasabi na cool off na sila. Ano ba ang totoo rito?

Natawa muna si Heart bago sumagot. "You know, si Jerichonasa Malaysia, I'm here in the Philippines, busy din ako. I'm going to do asoap with Richard [Gutierrez]. Right now, we're just doing our own thing. Yungcareer namin, inaasikaso namin."

Patuloy ni Heart, "Kung magkita kami, magkikita kami. Pero Ithink matagal pa siya doon... More than two months yata siyang nandoon. Pagbalikniya, busy din siya, busy din ako. So, aayusin na lang namin, bahala na... Kungmagkita kami, magkita kami. Kung hindi, then we'll just miss each other. Butit's career first now. And I'm very excited to work with Richard and I'mexcited to work on that soap."

Speaking of Richard, personal na winelcome ng young actor si Heart sa Kapuso Network nang sinorpresa niya ang young actress sa Showbiz Central kahapon withhis live appearance pagkatapos ng kanyang VTR message para sa dalaga.Ipinangako ni Richard na mag-e-enjoy si Heart sa GMA-7 at siguradong aalagaanniya ang kanyang bagong leading lady.

Next week ay lilipad sina Heart at Richard patungong Dubai para sa ilang mahahalagang eksena ng kanilang pagsasamang teleserye, ang Asero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN