Ryan Agoncillo sets his sights on hosting "Fear Factor"

"Nabalitaan kong Fear Factor is coming, I'd take theshot and take the chance to host it," announces Ryan Agoncillo. Ryan is alsoset to do the series Pieta and a sitcom with girlfriend Judy Ann Santosfor ABS-CBN.



Naimbita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sacontract signing nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Entertainment.Bagong kontrata ito at nakasaad na bukod sa pelikulang pagtatambalan nilangdalawa, may project din ang actress with different leading men at ganun din siRyan.

SCRATCHED FROM PDA WITHOUT WARNING. Nagkaroonng chance ang PEP na makausap si Ryan, dahil umalis sandali si Judy Ann paramag-guest sa The Buzz. Ang pagkaka-out niya bilang host ng PinoyDream Academy (PDA) ang agad naming itinanong. Pinag-react namin siya sa balitangang Endemol—owner ng show—mismo ang pumili kay Billy Crawford na mag-host nito.Ano ang masasabi niya?

"Paano ba sasagutin ang isyung ‘yan, kung Endemol talaga angpumili, okey lang, kanya-kanyang choice ‘yan. Hindi tamang mag-comment ako.Pero if I remember right, I met with Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN Head for TVProductions] late last year at sinabi niyang gagawin ko ang PDA at nasacalendar pa ‘yan, posted by ABS. Dapat, start ng PDA ay January andimmediately, isusunod ko ang [series na] Pieta, gusto nila, start kamiagad ng Pieta.

"Inisip ko naman, three months lang ang PDA at puwedekong gawin ang Pieta, pero naiba ang istorya. Pagbalik ko from theStates, akala ko start na ang PDA and even Direk Joey [Reyes] called meif I signed up already. Sabi ko, inaayos pa ang calendar, kaso naurong sa Juneang PDA at dun na nagkaproblema."

"Ang hirap ng schedule ng PDA. Seven days, andeveryday you are on call, physically taxing at imposibleng magawa nang maganda kungmay gagawin kang iba. Ayokong mahati ang atensyon ko sa dalawa. We asked kungpuwedeng weekend host na lang ako para hindi masira ang three times a weektaping ng Pieta.

"Naghintay kami, hanggang nalaman ko na lang at nabasanghindi na nga ako ang host ng PDA. That's weird. The whole time, kausapkami at wala silang binabanggit sa amin na hindi na ako ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm being patient with it. ‘Di panahon makipag-away, angdami ng trabahong dapat asikasuhin.

"Ganito lang yun, kung natuloy ang PDA ng January,‘di ako makakasama sa Cuyo [for Juday's Ploning] at kung ako ng hostnito at eere sa June, May kami aalis ni Juday for Europe."

GETTING READY FOR FEAR FACTOR. Ano ang kapalitsa pagkawala niya sa PDA?

"Nabalitaan kong Fear Factor is coming, I'd take theshot and take the chance to host it. Siguro, ito na ang hosting job nahinihintay ko and even better, dahil hindi ko kalaban ang Pinoy Idol. Ihave my eyes set in hosting Fear Factor, kaya ko siyang gawin atkumpiyansa akong magagawa ko nang tama."

Natatawa si Ryan, dahil ang mga kaibigan ang concerned nahindi na siya ang host ng PDA at marami ang nagsasabing dapat siya anghost nito. Ang lagi lang niyang sagot ay "let's not bicker" at ito rin angsagot niya sa mga nagtatanong kung bakit five months na siyang walang regularshow sa ABS-CBN. Maghihintay daw siya, but up to when? Hindi niya sinagot.

Ilang months na lang siguro ang ipaghihintay ni Ryan at ngkanyang fans para muli siyang mapanood sa Channel 2, dahil bukas,presentation ng sitcom na gagawin nila ni Judy Ann at may Pieta rinsiya.


"Hindi ako bitter na for five months, wala akong show. Marunong ang Diyos,binigyan niya ako ng time na makasama sa Cuyo Island, Palawan, at para magawaang coffee table book na matagal ko nang gustong gawin."

FOR THE FANS. For sale at P1,900 ang coffeetablebook na birthday gift ni Ryan kay Judy Ann. Limited copies ito, kaya bumili naat hintayin ang announcement ng book signing. Meron itong 150 black and whitephotos na kuha mismo ni Ryan at ng kanyang crew kay Judy Ann at sa pelikula.

"We really wanted to keep the cost under P2,000, pinakamababana yun. But, it's really a coffeetable book at first movie ang Ploning natie-up ng coffeetable book. Piece of history ito at natuwa kami na puwedengibenta at P1,900.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung kikita kami? Mababawi, at ang inaalala namin ay angfans. Anything for the fans to buy and something you can put sa sala,"pagtatapos ni Ryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN