Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo plan to study in San Francisco for a year

"After we have settled down, may planona kami for the future. Iyon, ipagpapatuloy niya [Juday] ang studies niya ng CulinaryArts sa abroad. Sasama ako, hindi para bantayan siya. Baka mag-work din ako doonat mag-aaral naman ako ng photography," says Ryan Agoncillo about his plan with girlfriend Judy Ann Santos to stay in San Francisco for a year.



Hinihingal pa nang bumalik sa Imperial Palace Suitessi Judy Ann Santos kagabi, April 27, past 6:00 p.m. Sumaglit kasi siya sa TheBuzz para sa live guesting niya with her fellow Pantene image models na sinaGretchen Barretto, Claudine Barretto, and Ruffa Gutierrez na co-host din ngnaturang showbiz talk show ng ABS-CBN.

Naghintay kasi sa kanya ang boyfriend na si Ryan Agoncillo,si Mother Lily Monteverde at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo, angmanager ni Juday na si Alfie Lorenzo, at ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer.

Sabi ni Juday ay 30 minutes lang daw siyang mawawala dahilpromo lang ang gagawin nila, pero hinuli pala ang segment nila kaya natagalan bagosiya bumalik. Kaya todo sorry si Judy Ann sa mga naghintay sa kanya at may"peace offering" siyang kiss kay Ryan.

Nag-sign kasi ulit ng one-year contract sina Juday at Ryansa Regal Entertainment. Last year, bagorin nag-birthday si Juday, nag-sign sila ng two-picture contract each.

NEW CONTRACT WITH REGAl. Natapos na ni Ryan ang My Kuya's Wedding at si Juday aynatapos na rin ang shooting ng Kulam with Dennis Trillo. Ngayon, two-picturecontract pa rin ang pinirmahan nila.

Si Ryan ay may isa pang solo movie and a movie na katambalsi Juday. Si Juday naman ay one movie na pagtatambalan nila ni Ryan and anothermovie na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

Ang naiwan nilang contractlast year na sila ang magkatambal ay magsisimula na rin ang shooting sa August.This will be directed by Jose Javier Reyes, na direktor din nila sa Kasal,Kasali, Kasalo at sa sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo.

After the contract signing, magka-holding hands na sumagotsina Juday at Ryan sa mga tanong ng entertainment press.

PINOY DREAM ACADEMY. Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayJudy Ann ang pakiramdam niya nang malaman niyang hindi na si Ryan angmagho-host ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN kundi si Billy Crawford na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong mag-isip ng hindi maganda," pauna ni Juday. "Perosiguro may nangyayari talagang ganoon. Siguro ang feeling, yung nagulat langkami dahil sa diyaryo na lang namin nabasa. Okey lang siguro kung kami angunang nakaalam, hindi na kami magugulat."

PANGKABUHAYAN SHOWCASE. Nilinaw na rin ng PEP kina Juday at Ryan ang balitang aalissila at mag-i-stay sa abroad for one year.

"Yes, nakaplano na yun kapag natapos na namin ang mgacommitments namin," pagkumpirma ni Ryan. "After we have settled down, may planona kami for the future. Iyon, ipagpapatuloy niya [Juday] ang studies niya ng CulinaryArts sa abroad. Sasama ako, hindi para bantayan siya. Baka mag-work din ako doonat mag-aaral naman ako ng photography.

"We have our individual dreams, pero lahat ng mga nangyayaringayon, para sa pangkabuhayan showcase namin!" nagbibirong wika ni Ryan.

Inulit namin ang paglilinaw kay Ryan sa pagsasabi niyang"after we have settled down." Ibig bang sabihin ay mangyayari itokapag kasal na sila?

Natawa muna si Ryan bago sumagot.

"Actually, maaaring kasama na nga ‘yon," sabi niya. "Bastalahat ng plano namin, hindi mangyayari hanggang hindi namin natatapos ang mgacommitments dito. Wala kaming iiwanang trabaho na nakabitin."

Sabi naman ni Juday, "Yes, ang plano ko kasi, ituloyang studies ko sa Culinary Institute of America (CIA) dahil marami pa akonggustong matutunan para makapagpatayo ako ng business pagbalik namin dito. Naghanapkami ng branch ng CIA, although ang main school nila ay nasa New York, eithersa Los Angeles or San Francisco, pero napili ko na kung saan, sa SanFrancisco.

"Si Ryan, ang main school din ng photography ay nasa NewYork. Pero napili na rin niya na sa West Coast, sa San Francisco siya mag-aaralpara magkasama na rin kami.

"Pagdating sa kasal, wala pa kaming exact time frame. Bastaaayusin muna namin lahat, mga papers... Lalo na ang papers ng anak kong si Yohan,at wala kaming iiwanang hindi tapos na trabaho," saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Ryan, "Marami na rin kaming pinasok natrabahong bago ngayon ni Judy Ann. Siguro sabihin na nating ito ‘yong lifenamin before and after Ploning dahil talagang inayos namin lahat ito.

"Siguro, tama na rin na hindi natuloy ang Pinoy DreamAcademy sa first quarter of this year dahil nasamahan ko si Judy Ann sashooting sa Cuyo, Palawan, at nagawa ko nga itong coffeetable book ng Ploning.

"May mga bumili nang mga friends namin ng book noong premiere night ng Ploningsa SM Megamall. Inaayos na namin kung saan ito puwedeng mabili kasi limited langang copies nito, 2,000 copies lang ang ipina-print namin. Ia-announce din naminkung kailan at saan ang book signing para sabay-sabay na."

BIRTHDAY PLANS. Malapit na rin ang 30th birthday ni Juday sa May 11. Ano angplano ng aktres sa birthday niya?

"Usually naman, hindi talaga ako nagpapa-party sabirthday ko," sabi niya. "Basta may dinner lang ako with my family and safamily ni Ryan. Sa araw ng birthday ko, basta mawawala na lang kaming parangbula, sina Ryan at ang anak ko. Kung saan, hindi ko sasabihin dahil gusto kosarili ko ang araw na ‘yon."

Last week of May ang schedule nila for their European tripwith some friends. Pero hindi raw ‘yon bakasyon lamang dahil may shows din silasa London, Milan, at Rome. ‘Tapos ay maypictorial din si Juday sa Ireland para sa TFC card. Last week of June na rinang balik nila sa bansa.

So, ano ang unang trabaho ni Juday pagbalik nila?

"Baka mag-resume na ako ng taping ng Nars with DerekRamsey dahil last year pa namin ito sinimulan. Sa movie, kung meron nang ready,puwede ko na ring simulan," sabi niya.

Ano na ang nangyari sa sitcom na pagsasamahan nila ni Ryansa ABS-CBN?

"Wala pa po silang sinasabi sa amin," sagot ni Juday. "Hindinamin alam kung kailan ba sisimulan ‘yon. Noon, sabi nila magte-taping na rawkami, pero as of now, hindi pa nila kami ulit kinakausap," nakangiting pagtataposni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN