"PBB Teen Edition Plus" evictees talk about life outside Bahay ni Kuya

(From left) Teen housemates Jieriel Papa, Kevin Garcia-Flood, and Linda Backlund share their experiences while inside the Pinoy Big Brother house and their future plans.



Iniharap na sa entertainment press ang unang tatlongevictees ng Pinoy Big Brother Teen Edition Pluskahapon, April 28, sa 9501restaurant ng ABS-CBN. Sa kanilang tatlo, tanging si Jieriel Papa—the "BubblyGirl" from Davao—ang na-evict through text votes. Ang "Bikini Babe" from Irigana si Linda Backlund at ang "Spanish Stallion" from Madrid na si Kevin BrendanGarcia-Flood ay parehong nag-voluntary exit.

BIKINI BABE. Nanlalamig ang mga kamay ni Linda nang makausapsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaya biniro namin siyang huwagnerbiyosin dahil mababait naman ang entertainment press.

Medyo nag-tan si Linda dahil kababalik lang nila ng familyniya from a four-day vacation sa isang beach sa Batangas.

Hindi ba siya nagsisi na nag-voluntary exit siya samantalangmukhang malaki ang chance niyang makasama sa Big Four ng PBB?

"Nanghihinayang din po, pero it's worth it naman na maspinili ko na makasama ko ang family ko kesa mag-stay sa bahay ni Kuya,"nakangiting wika ni Linda.

"Three years din pong hiwalay kami sa father ko, hindisila nag-uusap ng mommy ko. Kahit paano, nagkaayos na sila, although mayroon parin pong dapat ayusin. Gusto na sana naming makasama rito ang daddy ko. Kayalang, hindi pa po naaayos ang pagkuha niya ng insurance niya dahil naaksidentesiya habang nagtatrabaho as a painter. May titanium implant siya sa kanyangspinal column, kaya nahihirapan din siyang makakuha ng trabaho sa Norway,"kuwento ng half-Filipino at half-Swede na dalaga.

Ang insurance daw na makukuha ng daddy niya ang makatutulongsa kanilang pamumuhay.

Kuwento pa ni Linda, mahilig daw mag-travel ang daddy niyakaya nakarating ito ng Boracay. Doon na-meet ng daddy niya ang mommy niya nanagtatrabaho sa restaurant ng auntie niya. Sa pagmamahal ng daddy niya sa mommyniya, binili nito ang restaurant sa auntie niya at sila na ang namahala sarestaurant.

Linda was born in Boracay, pero lumaki siya sa Iriga.Napunta pa rin daw sila sa Bantayan in Cebu at nag-stay doon ng four months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig sumali sa mga beauty pageants ang 16-year-old na siLinda who stands 5'7" kaya nang malaman ng mommy niya ang audition para saPBB Teen Edition Plus, pinasali siya. Pero hindi raw niya in-expect na makuha siyangisa sa teen housemates.

Incoming fourth year student si Linda at kung magigingsuccessful siya na pasukin ang showbiz, gusto niyang tapusin na ang fourth yearsa Manila.

Last Sunday, April 27, naramdaman na ni Linda kung paanonagtilian ng mga fans pagkatapos ng dance number nila ni Jieriel sa ASAP '08 naginanap sa Stadia in Dagupan City.

Noong araw ring ‘yon ay bumalik na ng Norway ang daddy niLinda at hindi niya nakita ang pag-alis nito dahil nasa ASAP '08 nga siya, peronagkausap daw sila last Saturday evening, April 26. Kasama pa rin ni Linda sa Manila ang mommy niya.

Tinanong namin si Linda kung sino ang gusto niyang manaloamong the teen housemates at kung sino ang ayaw niya.

"Ang Top 3 ko po sina Valerie, Nan, and Robi," sagot niLinda. "Kahit sino po sa kanila ang manalo, deserving naman sila. Mababait ponaman silang lahat, siguro may nami-misunderstood lang o kung minsan, hindimaiwasang may magtaas ng boses."

THE SPANISH STALLION. Parehong English teacher angSpanish-Irish mom at Filipino-Spanish father ni Kevin. Sa Madrid, Spain, nagkitaat nagpakasal ang parents ni Kevin, at doon na rin isinilang ang 18-year-old nabinata. Umuwi sila ng Pilipinas when Kevin was three years old at ngayon nalang siya muling bumalik sa bansa nang papuntahin siya ng PBB bilang one of theTop 30 teen housemates.

Back in Madrid, horseback riding ang naging sport ni Kevin. Sumali siya ng iba't ibang equestrian competitions at ilang beses na rinsiyang nag-champion.

A friend from the Philippine Embassy in Madrid ang nagsabisa kanya tungkol sa PBB Teen Edition Plus at doon siya nag-audition. Nagulat nalamang siya nang sabihing pupunta siya ng Pilipinas at hindi rin niya in-expectna magiging isa siya sa 14 teen housemates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya nag-voluntary exit, dahil ba sa controversybetween his Daddy John and Auntie Anna, Josef's guardian?

"Maybe one of the reasons," sabi ni Kevin."Yes, I regret leaving the house, but there are more deserving to belongin the Big Four. Among them is Nan and I hope Nan will win. He really needs themoney."

Inamin ni Kevin na, most of the time, misunderstood siyalalo na kung hindi naglilinis o naghuhugas ng dishes ang mga kasama niya. Hindiraw siya makatiis magsalita dahil back in Madrid, marunong siya ng mgahousehold chores.

Ano ang balak niya ngayong nasa labas na siya ng bahay niKuya?

"I want to stay here and try my luck. I'll try how tospeak Tagalog. Konti lang ang alam ko, but I can understand. But if it will notwork, I will go back to Madrid and stay with my horses," sabi ni Kevin.

Kevin has two brothers and a stepsister. Hiwalay na angdaddy at mommy niya. May iniwanan din siyang girlfriend sa Madrid nanagngangalang Sylvia.

Sinabi ng PEP na here in the Philippines, alam na nilanghindi siya circumcised at baka lagi siyang biruin tungkol dito.

"It's okay, I don't care," sagot niya. "I won't mindsana if I was circumcised when I was young, not now that I'm already 18 yearsold."

At present, nag-i-stay pa rin sila ng Daddy John niya saisang part ng Bahay ni Kuya, pero lilipat daw sila in Manila, marami siyangaunties doon.

BUBBLY GIRL. Binansagan siyang "reklamadora at pasaway" atiyon ang nakita ng mga text voters kay Jieriel kaya siya ang unang na-evict saBahay ni Kuya.

"Ako po kasi ‘yong kapag may gustong sabihin. Hindi kopo ‘yon itinatago kaya kung ano ang nararamdaman ko, sinasabi ko. Hindi ko pomapi-please ang lahat at kung iyon po ang nakita sa akin ng mga nag-text parama-evict ako, wala po akong magagawa," pahayag 16-year-old na si Jieriel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nasa labas na siya, ano ang balak niyang gawin,itutuloy ba niya ang pagpasok sa showbiz?

"Opo, at gusto ko rin pong ituloy ang studies ko ritohabang nag-aartista ako," sagot niya. "Dentistry po ang gusto kong kuningcourse. At na-amaze nga po ako nang una akong lumabas ng Bahay ni Kuya atkinabukasan ay nag-co-host na ako kay Ate Bianca [Gonzales] sa isang Cokeevent. Napakaraming tao at nakilala na nila ako. Nagulat po ako kasi nga, ang nakikita ko lang ay yung mga housematesko at yung mga tao sa labas ng Bahay nang ma-evict na ako. Same thing noongSunday, sa ASAP '08 sa Dagupan City, ang dami-dami pong tao," kuwento niJieriel.

Sino ang top four para sa kanya at sino ang gusto niyang manalo?

"Sina Robi, Josef, Jolas, and Beauty. Sana po eitherRobi or Jolas ang manalo," sagot niya.

Nominated for eviction this week sina Robi, Jolas, Josef, atRona. Ano ang masasabi niya rito?

"Sana po si Rona na lang. Marami po akong nakausap atsabi nila, ayaw nila kay Rona at dapat daw ay lumabas na ito," walangkagatol-gatol na wika ni Jieriel.

Bubbly nga si Jieriel at hindi niya itinago ang kilig niyadahil sa Friday, May 2, one year and nine months na sila ng boyfriend niya nainiwanan niya sa Davao.

Ang high school graduation niya sa Bahay ni Kuya anghindi malilimutan ni Jieriel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN