Gabby Concepcion returns to acting as a taxi driver in "Maalaala Mo Kaya"

"Ang hahanapin kasi ng tao sa akin, 'What'snew with Gabby Concepcion?' Yung mga roles na ginagawa ko noon ay iniiwasan kodahil nagawa ko na ito," says Gabby Concepcion about his role in a special episode of Maalaala Mo Kaya.



Mag-iisang buwan na mula nang bumalik sa Pilipinas ang '80s matinee idol na si Gabby Concepcion. At sa Friday, May 2, ay mapapanoodna ang first acting job niya after 13 years sa isang special episode ng dramaanthology ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya.

Gaganap si Gabby rito bilang taxi driver at makakasama niyasina Tirso Cruz III, Rio Locsin, at Ana Capri.

"Binigyan nila ako ng tatlong script, pero ito ang napiliko. Well, meron kasing lesson ito. Ang hahanapin kasi ng tao sa akin, 'What'snew with Gabby Concepcion?' Yung mga roles na ginagawa ko noon ay iniiwasan kodahil nagawa ko na ito. Itong sa MMK, hindi ko pa nagagawa. Ito ang mgahinahanap ko, mga sympathetic role," lahad ni Gabby nang dalawin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Maalaala Mo Kaya sa Antipolo.

Napapansin ng ilan, parang ang guwapo naman yatang taxi driverni Gabby. Ano ang reaksiyon ng aktor dito?

"Iba naman kasi itodahil kung paano ka tinatrato. Yung usual role kasi, yung may asawa ka, maykabit ka, away na kayo. Ganoon ang mga tipikal, e. Kakaiba ito," paliwanag niya.

Nag-e-expect ba si Gabby na magka-award sa episode na ito ng Maalaala Mo Kaya, lalo na't ang award-winning director na si Jeffrey Jeturian ang direktor niya?

"Ah, hindi ko na pinangarap ‘yan. Ang gusto ko lang aymagkatrabaho na lang. May trauma na ako diyan!" natatawa niyang sabi, na angtinutukoy ay ang Manila Film Festival scam noong 1994 na naging mitsa ngpagtalikod niya sa showbiz noon.

Dagdag niya, "Bonus na lang. Talagang pasasalamatan ko angmaglagay sa akin niyan, pero ngayon hindi ko na iniisip ‘yan."

Pero okay lang ba sa kanyang dumalo sa isang awards night?

"Ewan ko lang," matipid niyang sagot.

Pero paano kung kunin siyang host, gaya ng plano ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa StarAwards for Movies sa June?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede... Pero tanungin si Mommy Rose [Flamianiano, hismanager]," ani Gabby.

Bukod sa Maalaala Mo Kaya, excited din si Gabby sa teleseryena gagawin niya sa ABS-CBN titled Iisa Pa Lamang, kung saan makakasama niyasina Claudine Barretto, Angelica Panganiban, at Diether Ocampo. Inaasahang next week ay magsisimula na ang taping nila para sa teleserye.

Natatawa si Gabby dahil noong araw raw ay si GretchenBarretto ang ka-partner niya, pero ngayon ay ang bunso nitong kapatid na siClaudine na ang katambal niya.

"Kaya nga, e!" bulalas niya. "Nakikita ko pa noon, bata pasi Claudine, tapos ngayon kasama nanatin siya."

Nagkita na ba sila ulit ni Claudine?

"Ay, kakikilala ko lang sa kanya after many years. Saworkshop, dun pa lang namin nabi-break ang ice. Okay naman si Claudine. She'svery transparent," sabi ni Gabby.

Ano naman ang reaksiyon ni Gabby sa mga lumalabas na balitana tinuldukan na ng dati niyang asawa na si Sharon Cuneta ang posibilidad na magsama sila sa isangpelikula, kahit P100 million pa raw ang offer?

"Kawawa naman ang fans, sana pagbigyan natin sila. Yun langyun. Kung ano ang gusto ng fans, dapat siyempre ibigay natin sa kanila. Kayanaman tayo nandito dahil sa kanila," pahayag ni Gabby.

Pinalinaw rin namin kay Gabby ang balitang may humaharang sakanya noon sa Star Cinema na isang malaking tao.

"Hindi ko alam. Kasi marami naman talagang obstacle, di ba?Pero ang paniniwala ko, kahit sa anong negosyo, hanapbuhay, grupuhan, ay merongkampi-kampihan. Kahit kayo ay grupo ng mga director, artista... Kahit naman sa eskuwelahan,merong mga grupo-grupo, di ba?

"So, ako naniniwala ako dito sa ABS, meron din. Pero hindimawawala yun, di ba? Kahit na anongbagay, basta't dumarami ang tao, nagkakaroon ng grupo-grupo. Pupuwesto na langako dun sa gustong makipag-grupo sa akin at kung sino ang may gusto sa akin,"pagwawakas ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN