Angel Locsin meets the man who composed a song about her

"Hindi ko po alam kung paano ko...kasi hindi naman po akorecord producer, pero gusto ko po siyang tulungan dahil naniniwala talaga akodun sa talento niya," relates Angel Locsin on her desire to help Mark, the manwho composed "Angel," a song inspired by her.



Noong April 23 ay birthday ni Angel Locsin, pero wala siyangmalaking party. Mas pinili niyang i-celebrate ang birthday niya sa pamamagitanng gift-giving sa mga bata sa Payatas (click here to readrelated article).

"Mahilig kasi ako sa mga bata kaya pinili kong sakanila i-celebrate ang birthday ko. Ang sarap ng feeling na napasaya ko silakahit sa konting sandali," sabi ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, April 27. Ang solo presscon ayibinigay ng ABS-CBN para sa kanyang kaarawan at para na rin sa seryeng Lobona pinagbibidahan nila ni Piolo Pascual.

MEETING MARK. Isa sa maituturing ni Angel napinakamagandang regalo na natanggap niya noong kanyang kaarawan ay nang makilalaniya si Mark, member ng bandang Tres na nag-compose ng kantang "Angel."

"Na-meet ko na po siya sa Payatas. Naaliw ako hindiporke't ‘Angel' yung title ng kanta o ginawan ako ng kanta, kundi dahil verytalented yung nag-compose. Ayoko namang i-compare, pero parang suma-Side A[band]. Ganun kaganda yung level ng boses niya at nung paggawa ng kanta talaganiya.

"So, naaliw ako kasi mahirap po gumawa ng kanta, lalona't gagawa ka ng isang kanta para sa isang tao na hindi mo pa nami-meet,napapanood mo lang sa TV. So, iba yung passion niya talaga. So, sabi ko sanama-meet ko itong taong ito para makapagpasalamat ako.

"And sana, hindi ko po alam kung paano ko...kasi hindinaman po ako record producer, pero gusto ko po siyang tulungan dahil naniniwalatalaga ako dun sa talento niya.

"Nung na-meet ko siya, nahihiya-hiya pa siya kasi hindiniya alam kung ano'ng gagawin niya, ‘tapos nahihiya rin ako kasi yung soundsystem namin, hindi kagandahan. Pero kumanta pa rin po siya. Siguro kung ibayun, hindi na kakanta. Pero ginawa pa rin po niya para sa akin."

Paano niya ide-describe si Mark?

"Simple. Magiging honest ako, hindi siya kaguwapuhan.Pero alam ninyo, banda yung dating niya, may tayo po siya. Meron siyang dating‘pag kumakanta, ‘pag nasa stage siya. Hitsurang banda po. Pero may charm siyatalaga na mapapatitig ka rin sa kanya. Bukod sa magaling siya, meron po siyangangking charm."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALKING ABOUT PIOLO.Napunta naman sa kanyang leading man sa Lobo na si Piolo Pascual ang amingusapan. Nasabi noon ni Angel na fan din siya nito, ngayong magkasama na sila saisang TV show, ano ang mga bagong na-discover niya sa aktor?

"Dati kasi wala, e, nakatitig lang ako sa kanya nunghindi pa kami magkasama. So ngayon habang ginagawa na ho namin yung Loboat matagal na kaming nagkakasama, nadi-discover namin na pareho kami ngattitude sa trabaho, e. Pareho kami ng pananaw sa buhay.

"Si Piolo kasi, napakasipag na tao, napakabait atseryoso sa trabaho. Plus never pa siyang nagsungit kahit pa natatapos na siyang taping ng mga five p.m. kinabukasan. Nakangiti pa rin po siya, tahimik lang,ginagawa pa rin niya yung trabaho niya.

"Kahit antok na antok na po siya, nakikita ninyo sagilid nagmo-motivate pa rin po siya. Ganun po siya ka-professional. Ayaw poniyang magkaroon ng hassle sa ibang tao. And makulit.

"Noon kasi, akala ko dramatic actor, seryoso. Makulit dinkapag inaasar namin ni Dimples [Romana], kasi minsan mas gusto niyang kausapinyung mga kaibigan niya sa ibang bansa kesa sa amin ni Dimples. Kasi ang iingaynamin, so, parang naiingayan yata siya. Pero ngayon, nakikisama na siya saamin, nangungulit na rin at lagi po siyang may dalang prutas sa lahat."

ANGEL'S WISHES. Blessed si Angel sa kanyang career atsa personal na buhay. Halos lahat nga ay nasa kanya na. Pero may mga wish pa basiya na gustong matupad? Can she give us three of those wishes?

"Una siguro ano po, hindi ko po alam kung dapat kong sabihinito, pero sana kung ano man yung nangyayari sa network war, sana matigil na,kasi hindi po siya nakakatulong talaga. Kailangan po nating magtulungan paramas mapaganda ang industriya natin. Pangalawa, peace of mind. At pangatlo, sana makakita napo ulit ang daddy ko. 'Yun po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN