Gabby Concepcion settles problem with GMA Films; will star in movie opposite Iza Calzado

Gabby Concepcion has settled his issue with GMA Films and is slated to do a movie that will star him opposite Iza Calzado.



Isang masayang balita ang itinawag sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng Officer-In-Charge ng GMA Films na si Noel Ferrer. Itoay ang pagkakaayos nina Gabby Concepcion at ng GMA Films bosses.

Matutuloy na ang paggawa ng aktor ng pelikula sa filmcompany ng GMA-7. Si Iza Calzado ang makakapareha ni Gabby at si Joey Reyes angnakatakdang magdirek ng still-untitled film.

Kahit noong nasa Amerika pa si Gabby ay nabanggit na niya siIza sa mga GMA-7 talents na gusto niyang makasama sa pelikula.

Matatandaang nagkaroon ng isyu tungkol sa paggawa ngpelikula ni Gabby sa GMA Films. Ilang linggo kasi bago magsimula ang shooting ngI.T.A.L.Y. ay nag-back out ang comebacking actor dahil hindi niya nagustuhan angscript ng pelikula na pagbibidahan sana nila ni Jolina Magdangal. Ito ay sakabila ng naibigay na kay Gabby ang downpayment sa magiging partisipasyon niyasana sa pelikula.

Nagulat ang lahat nang biglang umuwi si Gabby sa Pilipinasnoong March 30 pagkatapos ng 13 years na paninirahan sa Amerika. Ang lalo pangnakakagulat ay nang pumirma siya at ang kanyang bagong manager na si Mrs. RoseFlaminiano ng kontrata sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cinema, kahit namay kontrata pa siya sa GMA Films.

Pero pagkatapos ng sigalot tungkol dito ay naging maayosnaman ang pakikipag-usap ng GMA Films at ni Gabby kaya tuloy na ang paggawa ngaktor ng pelikula sa kanila.

Inaayos na lang ang schedule ng mga artista at pati ni DirekJoey, na mas busy pa sa mga artista sa dami ng ginagawa. Uunahin lang ngdirektor ang Civil Status: Single ng Viva Films na pagbibidahan ni RufaMae Quinto. Si Direk Joey rin ang magiging in-charge sa production at lineproducer ng Gabby-Iza movie.

Hindi lang namin alam kung involved pa rin si Mr. JunMagdangal sa movie ni Gabby, dahil ang original na pinirmahang kontrata ng aktoray kasama ang ama ni Jolina bilang isa sa producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN