PEP EXCLUSIVE: Rica Peralejo talks about special moments with the Megastar in London

"Para ko talaga siyang ate. At saka yung nag-grow ang love na hindi ko pinipilit. Hindi dahil Sharon Cuneta siya, hindi ganoon. Talagang nagsama kami, ganun," says Rica Peralejo about Megastar Sharon Cuneta (inset).



Isa si Rica Peralejo sa naglaro, kasama ng iba pang celebrities kahapon, April 29, sa Trinoma Mall sa Quezon City para sa Time Zone 5th Celebrity Open. Kuwento ng aktres sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kakauwi lang niya last week from London kung saan nag-shooting siya kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta ng pelikula nila under Star Cinema, ang Caregiver.

Siyempre pa, maraming kuwento si Rica sa naging experiences niya shooting in London although second time na rin niyang makarating doon.

"Masaya...masaya na mahirap," simula niya. "Siyempre, nasa ano yun, e, mahal na city. Number two siya sa pinakamahal na city sa mundo. So, isipin n'yo, doon pa kami nag-shooting!"

Patuloy niya, "Pero alam n'yo, kapag nasa Europe ako, hindi talaga ako nagsa-shopping. Ano yun, e, sight talaga. At saka ako, more on the experience... subway, ang dami kong time na mag-isa ako doon. Ikot ako nang ikot. Nakakarating ako kung saan-saan."

Hindi raw niya kasama ang kanyang mommy o kahit na PA (personal assistant) kaya all alone daw ang drama niya sa London.

"I was alone. And it was very very good for me. Kasi sobrang hectic ng school year ko. As in the very same day na sumakay ako ng eroplano, nagpapasa pa ako ng project," lahad niya.

BONDING WITH THE MEGASTAR. Two weeks and three days daw siya sa London, while Sharon stayed there around three weeks. Kuwento ni Rica, bagama't dati na raw silang textmates ng Megastar, it was only now na nagkaroon siya ng chance na makatrabaho si Sharon.

"First time, although even way before this, textmates na kami. Sabi niya lang na, 'It's funny that you don't know why for some reason, you've grown a certain fondness for some people.' Napili niya kami ni Nikki Valdez. E, di ba, friend ko yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, wala sa bokabularyo ko yung sana magustuhan ako ng big star. Wala naman akong ganoon. Tama na sa akin yung humahanga-hanga akong ganyan."

Tinanong ng PEP si Rica kung ano ang hindi niya makakalimutang experience while working with the Megastar.

"Ang hindi ko makakalimutan, yung mga times na nagtatawanan kami. Kasi ang hilig niyang tumawa, e. Alam mo, sa sobang tawa namin, nakakagalitan kami ni Direk [Chito Roño]. Pero hindi ko makalimutan talaga sa kanya yung nag-text siya sa akin, sa London yun, ha. Sabi niya, ‘Baby Girl, nasaan ka na? You're not texting me. I want to know if you're safe.'

"Talagang ako, parang ‘Ate, ang sweet mo naman! Safe naman ako. Okey naman ako.' E, kasi, ang gawain ko ro'n, after shooting, babu! Lakad! Pero yung ka-text ko, yung isang kasama ni Ate [Sharon] at saka si John Estrada.

"Ako naman kasi, ang thinking ko, busy talaga siya. Puro siya yung eksena. Hindi ko makalimutan talaga na tinext niya ako. Para naman kayong may club! Kayo-kayo lang magka-text!

"Kaya sabi ko, ‘You missed me daw?' Tapos niloloko na ako ng mga kasama niya, ‘Hala ka, nagtampo sa ‘yo!' Kaya sabi ko, ‘Grabe, Ate, ang sweet mo naman. Hinanap mo pa ako.' At saka hinahanap niya ako every night kung nakauwi na ako. Para ko talaga siyang ate. At saka yung nag-grow ang love na hindi ko pinipilit. Hindi dahil Sharon Cuneta siya, hindi ganoon. Talagang nagsama kami, ganun," mahabang kuwento ni Rica.

Kung first time niyang makasama si Sharon sa pelikula, hindi naman ito ang una nilang pagsasama ni Direk Chito Roño.

"No, it's our second time," sambit ni Rica. "Nagkasama na kami noon sa Maalaala Mo Kaya. At saka si Direk Chito naman kasi, para ko na rin kasing ano ‘yan... Streetboys. So, alam ko na siya. Kaya na niya kong balahurain at alam na niya yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND CHOICE. Tulad ni Sharon, Rica also plays a caregiver in the movie.

"Kasama ako ni Ate Sharon sa work. I'm her friend at parang ako yung head caregiver na nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya," saad niya.

Aware daw si Rica na hindi siya ang first choice for her role sa Caregiver.

"Alam ko hindi ako, hindi ko na lang sasabihin kung sino yung first choice. I think it was Direk Chito Roño... Tinanong yata nila si Direk kung sino, tapos ako yung lumabas sa bibig niya.

"So, parang doon ko na-realize na grabe naman, ang bait naman ng Diyos sa akin. Tinalikuran ko na nga yun, e. Alam n'yo yung para sa akin, okey lang kahit mawala na sa akin yung mga projects kasi naman, priority ko na talaga ang pag-aaral ko. So, kahit na hindi ako kunin, maiintindihan ko talaga, kasi nagkaroon ako ng priority, e. Tapos noong makuha ako, parang sobrang... alam mo yun? Grabe, ang galing mo, God! London pa! Megastar pa!" masayang pagtatapos ni Rica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN