Derek Ramsay supports Judy Ann Santos's "Ploning"

Derek Ramsay injured himself in a Frisbee tournament inKorea. He says he supports Judy Ann Santos's Ploning and still going strongwith girlfriend Angelica Panganiban, who is also into sports Frisbee.



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siDerek Ramsay sa Time Zone 5th Celebrity Open kahapon sa Trinoma Mall. Nalamannaming kararating lang nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban mula saKorea kunsaan sumali siya sa isang Frisbee competition. Dumating sila sa Pinasng 1 a.m. at halos wala pa raw silang pahinga. Commitment na nga lang daw niyaang pagsali sa Time Zone Celeb Challenge.

Napag-alaman din ng PEP mula kay Derek na naka-third placelang siya sa Frisbee competition dahil sa kanyang bagong knee injury. Dati nakasi siyang may injury sa kabilang tuhod. Sa competiton sa Korea, ang isa namanniyang tuhod ang nagka-injury. Biro tuloy ni Derek, "pareho nang maydiperensiya."

Twenty-seven teams from different countries ang naglaro saSavage-Jeju Cup. Hindi raw siya under Philippines since hindi naman dawnagpadala ng entry ang bansa. That's why when team Hongkong called up andoffered him to play with them, tinanggap niya agad ang offer being a sportsFrisbee freak. Pero humadlang nga ang injury niya sa tuhod to get thechampionship title.

"Naka-third place ako, pero hindi ko kasi natapos yungtournament. Na ano yung tuhod ko. Sobrang lamig kasi ngayon sa Korea. Napunityung ligament ko sa good side ko. Yung bad leg ko, yung right. Pero hindi yunang nagbigay ng problema sa akin sa Korea, yung good leg ko naman. So, parehona ngayon," kuwento pa niya.

Nade-depress nga raw siya ngayon dahil hindi muna siyamakakasali sa kahit na anong laro. Ipapahinga niya muna ang kanyang mga tuhod."Nakaka-depress, sobra, sobra, pero pahinga muna," aniya pa.

NEEDED SURGERY. Bago pa man maging artista, angsports talaga ang maituturing ni Derek na passion niya kaya hindinakakapagtakang nalungkot ito nang husto na pansamantalang matitigil siya sapaglalaro. This time nga raw, kailangan na niyang harapin ang pagpapa-surgeryng kanyang tuhod na noong una'y dine-delay pa niya.

"Magpapatingin ako bukas sa hospital. Hopefully, matapos na.At itong klaseng surgery naman, kaya ko namang maglakad pagkatapos. Hindi namanako maglalaro. So, kailangan kongmagpaopera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang naging reaction ni Angelica nang makita nanagkaroon na naman siya ng injury dahil sa paglalaro?

"Naiyak nga si Angelica nang makita niya ‘ko. Alam kasi niAngelica na kahit masakit, pipilitin ko. Tumingin lang ako sa kanya at sabi ko sakanya, hindi ko na talaga kaya. Pinipilit ko, e. Hindi ako makalaro. Pain-killers. Kahit anong support,pero, hindi talaga ako makalaro, so..." kibit-balikat na lang niyang sabi.

SUPPORTS PLONING. Yung paglalaro langdaw niya ang alam niyang maaapektuhan at maiisantabi pansamantala dahil sapagpapa-surgery niya. Pero yung mga trabaho naman daw niya as an actor aytuluy-tuloy pa rin.

Nakapag-taping na raw sila for his new series with Judy AnnSantos. Although, hindi pa raw niya alam kung kailan ito ipalalabas. Peroaniya, "Hula ko, siguro baka by mid-year."

Tinanong din ng PEP si Derek kung aware ba siya na dahil sapelikulang Ploning at pagkakasabay ng playdate nito sa pelikula ng Star Cinema na WhenLove Begins, medyo nagkaroon ng tampo ang leading lady niya na si Judy Annsa ABS-CBN, kung saan pareho silang nakakontrata.

Ayon kay Derek, recently lang din daw niyang nalaman angtungkol dito.

"Actually, nasabi lang sa akin yan today. Hindi ko rin alamyung details ng isyu na ‘yan. Basta ako, I'll support Judy Ann with her new movie.

"Siyempre, I have a couple of friends na kasali sa movie na‘yan, katulad ni Direk Dante Garcia. So, I'mgonna watch. I'm gonna support their movie."

Hindi naman daw siya nakakaramdam ng kaba na bakamaapektuhan pati ang seryeng ginagawa nila ngayon ni Juday.

"Hindi naman siguro. Kasi, they createdthis love team. Ginawa nila itong soap na ito dahil nag-work nga ang love team namin niJudy Ann sa Ysabella. So, siguronaman, they are all professionals.

"At the end of the day, I know they are all professionals.And for Juday, she's been in the industry for twenty years. Siyempre, maaayos din ‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL GOING STRONG. Sa huli, tinawananna lang din ni Derek ang nagsisimulang isyu sa pagitan nila ni Angelica nakesyo, nagkakalabuan na raw sila. Yung pagsama nga naman ni Angelica sa kanyasa Korea ay isang patunay na walang katotohanan ang isyu.

"Of course, that's not true. Angel supports me in everytournaments I do. At saka, mahilig na rin siyang mag-Frisbee. Ayokongang gawin niya yun ng dahil lang sa akin. Pero nalaman ko na may team na rinpala siya.

"Kaya sabi ko, ano ka ba, bakit ka lalaro sa ibang team? Saakin ka na maglaro. So, she played her first game two weeks ago. Siya pa angnaka-score ng last point ng game namin. Binilhan ko siya ng Frisbee shoes, so,todo-todo na!

"Baka makita n'yong bagong Angelica, maitim," natatawa pangkuwento niya tungkol sa girlfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN