KC Concepcion very excited about her first movie with Star Cinema

"Hindi ako makapaniwala na kailan lang, MMK [Maalaala Mo Kaya] yung ginawa ko. Dream come true po talaga yun. Tulad nga ng sinabi ko, ang tagal kong hinintay. Tapos ngayon, pelikula na. Hindi lang isa, kundi meron kaming tatlong pelikula," exclaims KC Concepcion about signing a three-picture deal with Star Cinema.


Kaninang 10:30 ng umaga sa Chronicle Lounge sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN naganap ang contract signing ni KC Concepcion para sa three-picture deal niya sa Star Cinema.

Present din sa naturang contract signing ang president ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio, ang head ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos, at ang dalawang tumatayong manager ni KC na sina Sandra Chavez at Shirley Kwan.

Hindi napigilan ni KC na maging emosyonal sa kanyang contract signing. After ng contract signing at picture taking, nakausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si KC at siya na mismo ang nagsabi kung bakit masayang-masaya siya sa pagpirma ng movie contract sa Star Cinema.

"Kasi, sobrang excited po talaga ako," sabi ni KC. "Hindi ako makapaniwala na kailan lang, MMK [Maalaala Mo Kaya] yung ginawa ko. Dream come true po talaga yun. Tulad nga ng sinabi ko, ang tagal kong hinintay. Tapos ngayon, pelikula na. Hindi lang isa, kundi meron kaming tatlong pelikula."

Hindi raw alam ni KC kung ilang taon ang contract niya, pero committed daw siya sa Star Cinema for three pictures. Ang first director niya raw for her first film ay si Joyce Bernal, samantalang sina Cathy Garcia-Molina at Chito Rono naman ang hahawak ng dalawa pa niyang pelikula.

PLENTY OF SURPRISES. Sa first movie niya, isang light romance daw ang tema nito. Pero ani KC, malayung-malayo ito sa light romance sa ginawa niyang episode for I Am KC.

"Hindi naman po kami nag-decide noon out of I Am KC. Pero naisip po namin na para sa first movie, yun po ang magugustuhan ng mga tao. At ang daming surprise! Grabe, maloloka kayo dahil sa dami ng surprises na ihahandog namin," excited na pahayag ni KC.

Siyempre pa, sinubukan naming hingan si KC ng mga clues sa sinasabi niyang surprises.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kayo na ang bahala kung ano ang maiisip n'yo. Pero sobrang gusto lang namin na meron kaming mga tanging handog na talagang hindi n'yo pa nakikita or hindi pa nangyayari ever before. Hay naku, basta talagang sobrang excited. Kasi, may isa pang presscon na mangyayari just for that," pambibitin ni KC.

Obviously, sumakay naman ang PEP at ang iba pang entertainment press na naging witness sa naturang contract signing sa tila pahulaan na mga magaganap sa first movie niya sa Star Cinema.

KC'S MYSTERY LEADING MAN. Natawa si KC nang tanungin siya ng PEP kung may leading man na ba siya sa first movie niya.

"Basta, sobra pong masaya! Masaya po itong araw na ito. Hindi ko po alam kung expected ninyo or kung masu-surprise kayo. Pero sana, sana po matuwa kayo sa mangyayari. Malalaman n'yo 'yan sa susunod na presscon," nakakaintrigang pahayag ng dalaga.

When asked kung personal choice ba niya ang magiging leading man niya, maingat pa rin si KC sa pagbibitiw ng salita. Ayaw raw niyang may masabi siyang makaka-preempt sa next presscon na sine-set for the movie.

Aniya lang, "Siguro po ang masasabi ko riyan...ipinaglaban naming dalawa."

Sunod na tanong sa kanya ng PEP ay kung Kapuso ba ang kanyang magiging leading man.

"Ay, hindi ko alam...puwede pong hindi!" natatawa pa rin niyang sabi.

Pagkatapos nito, direkta nang itinanong ng PEP kay KC kung ang napapabalitang manliligaw niya na si Richard Gutierrez ang magiging leading man niya.

"Wala pong imposible," ang nakangiti pa rin niyang pahayag.

Pero biglang hirit ito na wala siyang sinasabing si Richard na nga nang tanungin siya kung paano nangyari na magkasama na nga sila.

"Ay naku, basta wala po akong sinasabi! Malalaman n'yo for sure kung tama po ang hula n'yo," natatawa pa rin niyang pag-iwas.

Ayon pa kay KC, ngayong linggo lang din daw niya nalaman yung mga sorpresa for her first movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong linggo lang po na ito. Talagang fresh from the oven po siya. Kumbaga, para siyang kapeng mainit na bagong luto, umuusok," sambit niya.

Kung titingnan, tila ipinaglaban talaga ni KC ang first movie niya. Hindi ba't ang mga bagay na ipinaglalaban ay ang mga bagay na mahalaga sa isang tao?

Natawa si KC, pero maingat pa ring hindi madulas sa surprise na sinasabi niya.

"Hindi lang po ako!" tawa niya. "Actually, nauna po sila. Actually, mahalaga naman po talaga kasi, first movie ko po ito. Right now, when it comes to movie, I am a nobody. Kahit na po anong sabihin ninyo na nanggaling ako sa ganitong pamilya, na ito ang nanay ko...ito ang tatay ko. Ako, bilang aktres, I'm a nobody right now when it comes to movies. So my first film is very important to me...to us...there's only one first. Sana po talaga matuwa ang mga tao sa mga pangyayari."

FIRSTS WITH THE KAPAMILYA NETWORK. During the contract signing, narinig ng PEP nang sabihin ni KC sa presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio na hindi raw siya nakatulog kagabi.

"Hindi po talaga ako nakatulog sa mga projects na iprinesent ng Star Cinema," kumpirma ni KC. "Siguro po, kahit papaano, for my first movie, naramdaman ko po yung loyalty sa ABS-CBN. Na lahat ng mga first ko—sa pelikula, sa TV—gusto ko, ABS yung gumawa.

"Talaga pong noong bata ako, dito na po talaga ako. Dito ako tumambay. Nakilala ko yung mga tita... Although ngayon, very professional ang turing namin sa isa't isa. Nandoon pa rin ang loyalty ko for my first."

"Napakalaking bagay lang po talaga sa akin na parang lahat ng pangarap ko noong bata pa ako, ngayon nangyayari. Tuwang-tuwa na po ako sa MMK. Naiyak na po akong talaga sa ginawa ko for TV. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa silver screen. Parang tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari. Talagang parang hindi ako makapaniwala na ‘ayan, nakapag-contract signing na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Presentation pa lang ng mga concept, sobrang naiiyak na ako. Hindi ko ma-imagine yung sarili ko na nandoon. Ang saya-saya ko po!" bulalas ni KC.

END OF NETWORK WAR? Dahil wala pang masabing konkreto si KC tungkol sa first movie niya other than it has lots of surprises, isang hypothetical na tanong ang ibinato ng PEP sa anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Posible kayang ang first movie niya sa Star Cinema ay maging daan para matapos na ang network war?

"Hindi naman po sa ganoon!" hindi pa rin mapigil ang tawa ni KC. "Alam n'yo, yung network war naman na ‘yan, parang ang layo-layo na po ng pinanggalingan niyan. Parang sino po ba naman ako para pumigil dun sa network war?

"Well, eto na lang, sasabihin ko as individual, meron tayong puwedeng magawa in our own way kahit paano. Para mas maging positibo ang magaganap na pangyayari. Kumbaga, hindi ko rin naman masasabi na ang network war magtatapos kung posible bang magka-love team sa Kapuso. Pero hindi rin naman siguro siya masamang bagay kung magsama ang Kapuso at Kapamilya. Pero yun, napakalalim na po ng pinanggalingan ng network war at sino po ba naman kami para mag-assume na titigil na," paliwanag niya.

Sinabi naman namin kay KC na tila yung imposible sa iba, pero sa kanya ay nagiging posible.

"Basta si KC?" tawa niya ulit. "Sa management team ko po ‘yan. Nagpapasalamat din po ako sa kanila na on top of things po sila. Alam nila ang ginagawa nila. So, mas nae-engganyo pa po ako na magtrabaho rin.

"I really just want to work and ang dami po talagang sorpresa. Palagi po kaming may sorpresang inihahandog, pero ito po, kakaiba pong talaga. Hindi po namin ine-expect na posible. Pero wala po talagang imposible. So, kung meron man po kayong makukuha sa mini-presscon na ito, yun lang po yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaction ng kanyang ina na si Sharon Cuneta sa mga nagaganap sa kanyang showbiz career ngayon, especially ang pagpirma niya ng kontrata sa Star Cinema?

"Siyempre po, tuwang-tuwa siya," sagot ni KC. "Noong dumating siya galing sa London... Bago pa namin in-update ang isa't isa tungkol sa mga pangyayari sa London at pangyayari rito sa Pilipinas, ang pinaka-unang pinag-usapan po namin ay yung nakapag-usap na kami nila Tita Malou at Tita Charo.

"So yun, sobrang natutuwa siya and I think ninenerbiyos din siya. I think, alam niya ang kultura rito at napaka-supportive po niya."

Posible kayang ang mama niya ang makasama niya sa isa tatlong pelikulang gagawin niya sa Star Cinema?

"Siguro po, tingnan na lang po natin," nakangiti sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN