Judy Ann Santos apologizes and explains situation that led to media walkout

IMAGE 0

"Initial reaction, I felt bad. Natakot ako baka kasi sabihin na kami ang nagmamaldita. Nahiya ako, natakot ako, nalungkot ako na umalis yung press na kaibigan ko na hindi ko man lang sila nakita," says Judy Ann Santos.


Very apologetic si Judy Ann Santos nang esklusibo siyang nakausap ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 29.

Bukod sa nais niyang ibalita na nakakuha ng rating "A" ang kanyang pelikulang Ploning, gusto rin niyang magpaliwanag tungkol sa nangyari noong Lunes ng gabi, April 28, sa "Most Beautiful" press conference ng Pantene na ginanap sa Hotel Intercon sa Makati City.

Nag-walk out kasi ang karamihan ng entertainment press dahil sa matagal silang pinaghintay para ma-interview ang Pantene endorsers na sina Judy Ann, Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, at Claudine Barretto. Sobrang higpit din daw ng security at halos hindi malapitan ang apat na endorsers.

Sa kuwento ni Juday, tila nagkaroon daw ng misunderstanding nang hindi na-inform ang media tungkol sa kanilang pansamantalang pag-alis sa venue. Sa dami raw kasi ng tao sa press conference, naging mainit at pinawisan daw sila kaya sila pumasok sa restroom matapos ma-interview ni Ricky Lo para sa The Ricky Lo Exclusives ng QTV-11.

Wala rin daw control sina Judy Ann at ang kanyang mga kasama noon kung saan sila dadalhin ng mga staff for an interview. Ang alam lang daw niya ay papanhik sila sa entablado at pupunta ng photo wall for an interview.

"Just so maklaro lang, we just went to the washroom just to change, retouch, and freshen up. Para paglabas namin, maayos pa rin since ‘most beautiful' nga ang nire-represent namin. Ayaw naman naming lalampot-lampot pa kami 'pag lumabas kami. Gusto naming iklaro na hindi kami ikinulong sa kuwarto at hindi rin kami pinigilang magpa-interview sa media," paliwanag ni Juday.

Laking lungkot ni Judy Ann nang sa paglabas daw nila ng restroom ay hindi na niya nakita ang mga taga-media, na karamihan sa mga ito ay personal niyang kaibigan. Dagdag pa ng aktres-endorser, gustung-gusto raw niyang makausap ang mga ito dahil kabado na siya sa umpisa pa lang ng launching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Initial reaction, I felt bad. Natakot ako baka kasi sabihin na kami ang nagmamaldita. Nahiya ako, natakot ako, nalungkot ako na umalis yung press na kaibigan ko na hindi ko man lang sila nakita," malungkot na pahayag ni Judy Ann.

Pero ang gusto na lang daw niya ngayon ay mag-sorry sa mga taong maaaring sumama ang loob dahil sa mga nangyari. Ni sa hinagap daw ay hindi niya gugustuhing makapambastos ng isang kaibigan.

"Gusto ko lang mag-apologize in behalf of Gretchen, Ruffa, and Claudine, and of course, the Pantene executives, sa mga taong nainis, sa mga nakaramdam na hindi sila naalagaan. First time na may nangyaring ganito sa amin na may nag-walk out na press sa amin and we really felt bad.

"We're really sorry kung may pagkukulang kami na nagawa. Sorry po talaga, hindi man lahat ng tao mapag-explain-nan namin tungkol sa nangyari, I hope through this interview mapaabot namin sa kanila na nagso-sorry kami sa nangyari," pahayag ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN