KC Concepcion encourages her dad to think positively in the midst of "crab mentality"

Asked if she can convince her mom Sharon Cuneta to do amovie with her dad Gabby Concepcion, KC Concepcion replied, "Parang isangmalaking responsibilidad po yun! Isang malaki at bonggang-bonggangresponsibilidad. Hindi ko alam kung kaya kong gawin." But she still hopes itwill happen in the future.



Hindi maikakaila na maganda ang samahan at hindi nawawalaang communication ng mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion, lalo na nangbumalik na sa bansa ang actor.

Sa naganap na contract signing kasi ni KC kaninang umaga, April 30, para sa paggawaniya ng three pictures sa Star Cinema, hindi maiwasang hindi maitanong kay KC ang mga bagaytungkol sa kanyang papa. Lalo pa nga't ngayong araw na ito, April 30, angarraignment ng kaso ni Gabby.

Ayon kay KC, aware nga raw siya rito. "Actually, alam konaman po nang bumalik siya rito with strength. Pinaghandaan niya rin. I'm sure,hindi naman siya maghihintay ng 13 years para lang, you know...alam niya rin naman ang mgamangyayari.

"Nag-usap kami kanina, actually. Sana lang, you know, kaminglahat nagdadasal for him. Kung ano ang magiging pangyayari ng comeback niya.Kasi, ang ganda-ganda po ng welcome sa kanya.

"So, aware kami na yung crab mentality na kung sino yungnasa tuktok, yun ang gustong hilahin pababa. So, isa na lang pong example yun.Siyempre, sa akin...pamilya ko rin po ang papa ko. And I only want to see na yungkapamilya ko, masaya. So, parang... prepared naman siya. Napaka-strong niyangtao."

Naniniwala rin si KC na mareresolba rin ang lahat ng kaso ngkanyang ama kalaunan. "The truth will set him free," aniya pa.

PAPS, THINK POSITIVE. Nagpahayag pa si KC tungkol sa kalagayan ng ama niya.

"I love him and I'm praying for him. Kahit anong mangyari.Ako positive thinking talaga palagi ang key. Kasi, naniniwala ako na kapagpositive ang pag-iisip, yun ang maa-attract mo sa buhay mo.

"Lahat kasi sa akin yung TV, pelikula, Paris, lahat ‘yannaiisip ko noong bata pa ako. Lahat ‘yan alam ko na mangyayari although hindiko alam kung paano.

Gusto nga raw niyang i-impart sa kanyang ama ang pagigingpositive thinker para sa ikagaganda pa ng career nito.

"Kung maiisip niya rin yung comeback niya magiging positive,yung positive ang magiging impact, yun ang mangyayari, kahit anong hadlang paang dumating."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH MOM AND DAD. Three-picture contract angpinirmahan ni KC sa Star Cinema. Bukod sa tanong na kung sa three picturecontract na yun ay isa ba roon ang pelikulang magkakasama sila ng Megastarmommy niyang si Sharon Cuneta, may mga nagtanong din kung isa rin ba roon angmovie na makakasama naman niya ang kanyang Papa Gabby.

"Siguro po, siguro po. Pero sana kung anuman yung ihandognamin sa inyo, magustuhan nyo. Pero sigurado po kaming magugustuhan nyo dahilbase po siya sa naririnig namin at nakikita namin na gusto ng tao, at gustonaming ibigay yun sa inyo."

Kung ang pag-uusapan ay ang gusto ng tao, marami angnagwi-wish na magkasama sa isang pelikula silang tatlo. Pero nakapagbitaw nanga ng statement si Sharon kahit nga raw ilang milyon pa ang talent fee, hindi siyagagawa ng pelikula with Gabby dahil na rin sa takot niyang paglalaruan lang sila at alang-alang na rin sa pamilya niya ngayon.

Anong masasabi ni KC sa pahayag na ito ng kanyang ina?

"Isa siyang fantasy para sa ating lahat [ang pagsasamanilang tatlo sa isang pelikula]. Lalo naman ako, na anak nila but, hindi posiguro magiging ganoon kadali yun dahil may mga pamilyang involved. At yun nga,like always naming sinasabi, hindi siya simpleng bagay na pelikula lang,‘tapos, tapos na. Siyempre, may mga relasyon na naganap diyan. May mga taong mai-involve diyan."

Pero kung sa kanya raw talaga, gusto niya ring mangyari namagkasama sila sa iisang pelikula.

"Of course, of course! Doon naman po nabuo ang pamilyanamin. Sa pelikula, ‘di ba?" natatawa pa niyang sabi.

"Sana, sana one day mangyari," pag-aasam pa niya.

Pero nang tanungin ng PEP kung siya kaya ang magkumbinsi saina niya na gumawa ng pelikula with her dad, hindi agadnakasagot si KC. Inisip muna ang maisasagot.

"Parang isang malaking responsibilidad po yun! Isang malakiat bonggang-bonggang responsibilidad. Hindi ko alam kung kaya kong gawin,"natatawa pa rin niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GABBY'S FIRST TV DRAMA. Sa kabilang banda, mapapanoodna si Gabby sa kauna-unahang pagganap nito sa telebisyon after 13 yearsvia Maalaala Mo Kaya. Ayon sa actor, tatlong script ang ipinabasa sakanya at ang episode nga na matutunghayan sa Biyernes ang napili nito.

Pahayag pa raw ni Gabby, magiging proud si KC kapagnapanood na nito ang ginawa niya.

Sabi naman ni KC, "Ay, naku! Since nabasa na rin namin angstoryline ng movie, hopefully rin, maging proud siya sa magiging istorya ng firstmovie namin. Kasi, sobrang ganda po talaga ng light romance na ito. At sobrangkakaiba siya. Matutuwa talaga ang mga tao. And I hope, matuwa rin ang papa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN