KC Concepcion signs exclusive deal with Star Cinema: "I feel like a star!"

KC Concepcion will start shooting her debut movie on the third week of May, after her Paris trip. Richard Gutierrez (inset) is a strong candidate as her leading man in the film but KC keeps confirmation about this in suspense.



Pumirma na ngexclusive three-picture contract si KC Concepcion sa Star Cinema kaninangumaga, April 30, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN.

"I feel like a star!" sabi ni KC sa PEP(Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya over lunch.

Magsisimula ngshooting si KC for her first movie sa third week of May pagbalik niya from France. Bukas,May 1, ay aalis si KC papuntang Paris, kung saan siya nag-aral. One week lang daw siya doon at titirasiya sa bahay ng kanyang kaibigan.

Bakit siya pupuntang Paris?

"Ay, vacation,"sagot ni KC. "Kasi this is the longest I've been away since four years ago.Paris is my second home. Yung the moment na nag-debut ako, umalis na ako paratumira mag-isa doon."

Hindi kaya sumunodsa kanya sa Paris ang nababalitang leading man niya for her first film na siRichard Gutierrez?

"Pero, di ba, mayDubai siya for ano [Asero]? Di ba, nasa TV? Nasa PEP? I do my research,"natatawang sabi ni KC.

RICHARD AS KC'S LEADING MAN? Sa Augustnakatakdang ipalabas ang first movie ni KC. Ayaw pang kumpirmahin, pero malaki angposibilidad na si Richard na nga ang leading man ni KC. In fact, nakita naminang ina at manager ni Richard na si Anabelle Rama na nakipag-meeting sa opisinani Malou Santos sa StarCinema last Friday, April 25.

"Tita Malou,naka-meeting ninyo si Tita Annabelle? Ano yung meeting na yun, Tita?" birong sabini KC sa head ng Star Cinema.

Bukod kay Richard,si Piolo Pascual ang naka-line up na maging leading man ni KC for her thirdfilm sa Star Cinema.

Ano ang tingin ni KC kay Richard bilang leading man?

"Ay, nirerespeto konaman ang leading men ng ABS-CBN at GMA kasi yung trabahong yun, hindi madali.Puyatan, ‘pag tao pagod, pagod. Sila yung nagli-lead ng mga shows nila, ng mgaleading lady nila, ng buong cast... Kumbaga, sila ang tinitingala ng mga tao. Sokahit sino'ng leading man, kung sino ang mapili ng Star for me, sobrangmagiging appreciative ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about herpersonal feelings for Richard?

"Hindi, friend langkami ni Chard. Parang ang showbiz ng dating? Friends lang!" tawa ulit ni KC.

May constantcommunication ba sila?

"Oo," sagot ngdalaga. "Ano naman kami, e, we're getting to know each other. Friend ko siya.Walang pressure, wala kaming ibinibigay na pressure sa isa't isa. Kung ano angmangyayari, yun ang mangyayari. Masaya siyang kasama. Masaya siyang kausap.Hindi naman siya mahirap mapalapit sa akin. Hindi naman siya mahirap lapitan."

Nanliligaw na ba sakanya si Richard?

"Ayokong sabihin naligaw yun. I'm sure siya rin ayaw niyang sabihn na panliligaw ang nagaganap.Pero friends kami. I mean, talagang we're getting to know each other. Kunganuman ang mangyari in the future, basta kami, we're young, we're free, we'reboth single, we're happy, and marami kaming gustong gawin sa buhay. Doon,pareho kami," pahayag ni KC.

Sabi ng ate niRichard na si Ruffa Gutierrez sa The Buzz, ang bagal-bagal daw ng kapatid niyasa panliligaw kay KC. Ano ang masasabi niya rito?

"Talaga? Yun din angnaririnig ko. Mabagal siya...daw!" tawa niya.

Nababagalan ba siya kayRichard?

"Wala naman hongnangyayari, e," ngiti ni KC.

SHARON-GABBY MOVIE. Naitanong din naminkay KC kung ano ang mga paborito niyang pelikula ng ina niyang si SharonCuneta. Favorite daw niya ang Friends In Love, Madrasta, at Maging Sino KaMan. Sana nga raw ay makagawa ulit ng movie ang Mommy Sharon at Papa Gabby niya.

"Kasi nga, di ba, doonnaman nangyari ang pamilya namin? Doon naganap ang mga pangyayari. Doon ako nabuo,di po ba?" sabay tawa ni KC.

Alam ba niya kung anongpelikula noon ng kanyang mga magulang siya nabuo?

"Parang ayokongma-imagine. Mixed emotions ako diyan sa scenario na ‘yan," sagot niya.

Ipinaalala namin kayKC ang ilang memorable lines sa past movies ng kanyang mga magulang, gaya sa My Only Love, kungsaan sinabi ni Sharon kay Gabby nang binigyan siya ng bracelet na ayaw niya ngdedication dito na ‘My No. 1.': "Kasi ‘pag number one, may number two, maynumber three... Gusto ko my only love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, kailangan kongmag-research para may ibabato rin ako na linya sa movie nila!" natatawangreaksiyon ni KC. "Sana yung mga linya ko sa pelikula, one day ganyan din. Di ba, nakakatuwa?"

Ano ba ang favoriteline niya sa isang pelikula?

"I'm just a girl... Standingin front of a guy. Asking him to love me," kinikilig na pag-e-emote ni KC saeksena ni Julia Roberts kay Hugh Grant sa pelikulang Notting Hill.

"Julia Roberts, ikawba ‘yan?" biro namin kay KC.

"Hindi pa.Pang-teatro pa rin daw ang acting ko, e. May nagsasabing ganun," sabi naman niKC.

NEGATIVE COMMENTS. Hindi ba siya napipikonsa gano'ng comments?

"I love it!" bulalasniya. "Ibig sabihin, puwedeng stage, puwedeng TV, puwedeng pelikula. Kapagnag-imporve ako, siyempre, nako-conscious pa rin ako. Pero maganda yun, e. Kasiat least nalalaman mo. Kasi pag lahat ng tao nag-a-agree lang, tapos puro nalang positive, ay, ano na ang mangyayari sa ‘yo? Hindi ka na mag-i-improve. E,di magtago ka na lang sa bahay."

Ano ang birthdaygift sa kanya ng Mommy Sharon at Papa Gabby niya?

"Ay, magkikita kamiafter here. Baka doon niya [her father] ibigay. Si Mommy, well, kasi umalis dinsiya papuntang London. Yung mga ibinigay niya for now, mga popcorn dates. Nananonood kami ng mga episodes ng I Am KC na alam niyangspecial sa akin, na sabay kaming manood habang kumakain ng tsitsirya. Tapostumatawa siya at nagbibigay siya ng comment," lahad ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN