Gabby Concepcion faces three lawsuits

Aside from a handful of projects he's about to do, former matinee idol Gabby Concepcion will also have his hands full attending court hearings and answering various legal questions.


Naghain ng "Not guilty" plea ang former matinee idol na si Gabby Concepcion sa kasong falsification of public documents na nakasampa laban sa kanya sa Manila Metropolitan Trial Court.

Ayon sa ulat ng QTV News, dumating si Gabby pasado alas-otso ng umaga kanina, April 30, sa Manila Municipal Trial Court (MTC) kasama ang abogadong si Ed Flaminiano. Humarap si Gabby sa sala ni Judge Marlo Malagar ng MTC Branch 5.

Nag-ugat diumano ang kaso matapos magpakasal si Gabby noong 1984 sa aktres na si Sharon Cuneta bagama't kasal na ito diumano sa isang nagngangalang Jennifer Martin.

Sa isang statement na ipinalabas ng branch of clerk court na si Florentino Mercado Jr., nagkaroon daw ng discrepancy ang mga petsang nakasaad sa dokumentong nilagdaan ng mestizong aktor nang mag-file ito ng application para makakuha ng marriage license sa Manila Civil Registry.

Bagama't noong una ay ayaw maglabas ng detalye ang panig ni Gabby ay nalaman din kinalaunan ng publiko ang kasong kinasasangkutan ng aktor matapos itong magpiyansa ng P6,000 noong March 31, 2008, isang araw matapos mag-issue ng warrant of arrest ang korte.

BIGAMY CASE. Bukod sa falsification of public documents ay nahaharap din sa kasong bigamy si Gabby. Nauna ang paglatag ng P24,000 na piyansa si Gabby para sa nasabing kaso noong April 21. Katulad sa kasong falsification of public documents ay not guilty rin ang inihaing plea ng aktor.

Nakatakdang humarap si Gabby para sa pre-trial sa darating na May 8.

Ayon sa impormasyong nakarating sa media, ang bigamy case ay nag-ugat sa pormal na reklamong isinampa kay Gabby ng isang Mamerto dela Cruz, residente ng E. Rodriguez, Libis, Quezon City.

"...that on July 23, 1984, Concepcion, being then legally married to Jennifer Martin, and without such marriage, having been legally dissolved, did then and there willfully unlawfully and feloniously contract a second or subsequent marriage with one Sharon Cuneta," anunsiyo ni Assistant City Prosecutor Manuel B. Sta. Cruz Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOBERT FIRES BACK. Hindi rito nagtatapos ang legal woes ni Gabby. Bukod sa dalawang naunang kasong nabanggit ay nahaharap din ngayon ang aktor sa isang P2.8 million lawsuit na isinampa ng entertainment columnist at radio personality na si Jobert Sucaldito.

Nagsampa ng pormal na demanda si Jobert kaninang umaga sa Quezon City Prosecutors Office matapos diumanong hindi tuparin ni Gabby at ng manager nito na si Mrs. Rose Flaminiano ang nauna na nilang usapan na ie-endorse ni Gabby ang isang whitening product.

Ayon kay Jobert, may verbal agreement na daw sila ng aktor at ni Mrs Flaminiano kung saan makakatanggap ang aktor ng P2.5 million. Naka-set na rin daw ang petsa ng contract signing. Subalit laking gulat daw ni Jobert nang biglang mag-backout ang kampo ni Gabby dahil meron diumanong P5-million offer ang kalaban nitong whitening product.

Hinaing ni Jobert sa kasamang si Ogie Diaz: "Magkausap pa kami ni Gabby nung umaga. Aba, hapon nung i-meet ako ni Mrs. Flaminiano, ipinakita sa akin ang kontrata na pirmado na nila ni Gabby. Na-hurt ako masyado. Ano bang klaseng mga tao ito kausap? E, di sana, diniretso na lang nila ako na, ‘O, Jobert, may nag-aalok ng P5 million kay Gabby, kaya n'yo bang tapatan?'



"Eh, hindi namin kaya, di ba? E, 'di baka sabihin ko pang, ‘Sige na, Mommy, pumirma na kayo riyan, hindi namin kayang tapatan ang offer nila!'"

Bagama't wala pang kontratang pinirmahan ang magkabilang kampo ay pinanghahawakan daw ni Jobert ang binitawang commitment ng mga kausap kaugnay sa napurnadang endorsement deal.



"Nakapirma na sila bago sabihin sa akin. I know wala pa kaming pinipirmahang kahit ano, pero ang mga text message ang magpapatunay na nagkasundo na kami ni Mrs. Flaminiano at may date na rin kami ng contract signing," pagtatapos nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN