Heart Evangelista confirms breakup with Jericho; excited to work with Richard

New Kapuso star Heart Evangelista has finally admitted breakup with boyfriend Jericho Rosales (inset, top). She is now focused on her showbiz career and will, in fact, start taping her first soap with Richard Gutierrez (inset, bottom).



Sa ginanap na story conference para sa bagong action-dramaseries ng GMA-7 na Codename: Asero kahapon, May 1, inamin na sa wakas ng youngactress na si Heart Evangelista na break na talaga sila ng boyfriend niyang siJericho Rosales.

Matagal na kasing usap-usapan na break na o cool-off na sinaHeart at Jericho, pero noong una ay itinatanggi pa ito ng young actress. Sapanayam nga sa kanya ni Nora Calderon ng PEP (Philippine Entertainment Portal)during her contract signing sa GMA Network last April 23, sinabi niya, "No, it's not true, kami pa rin ni Echo. Ako pa nga naghatid sa kanya saairport when he left for Malaysia. Yun, hiwalay talaga kami kasi nasa Malaysiasi Echo at nandito naman ako sa Pilipinas."

Pero biglang nag-iba ng tono si Heart sa panayam sa kanya niRaymond Gutierrez sa Showbiz Central last Sunday, April 27. Nang tanungin siyani Raymond tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jericho, ito na ang sagotniya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, si Jericho nasa Malaysia, I'm here in thePhilippines, busy din ako. I'm going to do a soap with Richard [Gutierrez].Right now, we're just doing our own thing. Yung career namin, inaasikaso namin.Kung magkita kami, magkikita kami. Pero I think matagal pa siya doon... Morethan two months yata siyang nandoon. Pagbalik niya, busy din siya, busy dinako. So, aayusin na lang namin, bahala na... Kung magkita kami, magkita kami.Kung hindi, then we'll just miss each other. But it's career first now."

Kahapon, sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel ng GMA News,inamin na nga nang tuluyan ni Heart na wala na sila ni Jericho.

Bagama't tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sakanilang breakup, sinabi ng young actress, "There's a lot of things that wedidn't get along with, a lot of things so..."

WORKING WITH RICHARD. Sa ngayon ay naka-focus sa kanyang career si Heartpagkatapos niyang pumirma ng two-year exclusive contract sa GMA-7. Ang una nganiyang proyekto ay ang Codename: Asero kung saan makakatambal niya for thefirst time si Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong ibang masabi kundi excited na ako talaga, e.So it's my first time to work with him and from the looks of it,mukhang okey naman siya," saad ni Heart sa panayam sa kanya ng GMA News.

Bago sila magsimula ng taping next week ay magkakaroon munang bonding time sina Heart at Richard para makilala nila nang husto ang isa'tisa.

"Magkikita kami sa Batangas this Saturday [May 3]. There isa small event there. So we'll get to know each other before work," sabi niHeart.

Sa susunod naman na linggo ay pupunta sila ng Dubai para sailang eksenang kukunan para sa Asero.

Ngayong parehong single and available sina Heart at Richard,malaki ang posibilidad na mahulog ang loob nila sa isa't isa, lalo pa't matagalsilang magkakasama. Ano ang masasabi nila rito?

"I just wanna have fun, have a good time," nakangiting sagotni Heart.

Sagot naman ni Richard, siya raw ang bahala kay Heart atnasa mabuting kamay raw ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We'll make sure na sa set, masaya siya. Ang importante,makakalimutan niya lahat ng problema niya pagdating sa trabaho. Mag-e-enjoykami, we'll be working hard," sabi ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN