Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez celebrate 10th wedding anniversary


Anglarawang ito ay kinuha matapos ihatid ng mag-asawa sa pinto ang mganagpapaalam nilang bisita. Bago pa man nag-pose ng ganito ang mag-asawa para saPEP ay nag-lips-to-lips muna sila. Halatang-halata na masayang-masaya—lalo nasi Goma—sa masayang gabing nagdaan.

Click here


Kagabi,May 1, ay masayang idinaos ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres angkanilang ika-sampung anibersaryo bilang mag-asawa. Ang tunay na date ngkanilang kasal ay April 28, pero itinaon na nila sa holiday na May 1 (LaborDay) ang kanilang party.

Matatandaang ikinasal sila sa St. Peterand Paul Parish Church sa Ormoc City (bayan ni Lucy) noong April 28, 1998,isang taon matapos makamit ni Richard ang matamis na "oo" ni Lucy, na aminadong long-time crush niya ang matniee idol ng dekada otsenta.

Nagkakilala ang dalawa noong gawin nilaang isang TV commercial para sa Lux shampoo noong 1993, na nasundan ng isa panoong 1997.

Samantala, isang formal sit-down dinner ang inihanda ng mag-asawa para sakanilang malalapit na mga kaibigan, na karamihan ay masasabing non-showbiz.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Felix restaurant sa Greenbelt 5 sa Makati City na sosyong pag-aari ng magkakaibigang BenChan (na siyang ring may-ari ng Bench chain of stores), ang pamosong chef na siFlorabel Kho (na siya ring may-ari ng Florabel sa Podium sa Ortigas, kung saankasosyo rin niya si Ben Chan), at si Lucy Torres, na first time mag-venture safood business.

"Naku, maliit na maliit lang naman angamin dito," natatawang sabi ni Lucy nang batiin namin ang pagsabak niya sabusiness.

May dalawang linggo ring pinaghandaan ngmag-asawa ang anniversary party nilang ito. Sa paunang text invitation ni Goma(palayaw ni Richard) sa YES! magazine at PEP (Philippine Entertainment Portal) ay pabirong sinabi ng aktor, "Kailangan nating mag-celebrate dahil konti na lang kami [sa showbiz] nanagtatagal ang pagsasama."

At dahil espesyal ang pagtitipon, nais na ring ipagmalaki ni Lucy—pati na rin nina Ben at Florabel na kapwa naroonat nakiki-istima—ang masasarap na putahe ng Felix restaurant, na ipinatikim nilasa kanilang mga bisita.

Bukod sa nonstop na paghahain ng mgaappetizers at wine (both red and white), binusog ang lahat ng mga bisita saespesyal na menu na binubuo ng: Crispy Prawns Salad with Tropical Fruits andAssorted Greens in Sesame Oil, Essenceof Malunggay Soup with Tofu, and a choice of US Beef Top Blade in Truffle SauceServed with Twice bake Potato & Broccoli Flowers or Grilled Lapu-lapuwrapped with Bacon in Lemon Buttersauce Served with Vegetable Risotto & Fresh Green Asparagus bilang maincourse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa celebrities na nagsidatingan kagabiupang bumati at makisaya sa mag-asawa—pati na rin sa kanilang magandang unicahija na si Juliana—ay sina Armida "Tita Mydz" Siguion-Reyna, kasama angasawang si Atty. Leonardo at ang kanilang manunulat na manugang na si BibethOrteza (sumunod lamang ang asawa nitong director na si Carlitos Siguion-Reyna);ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na sinundan ng kanilang anakna si Raymond Gutierrez, host ng PhilippineIdol, na kasama naman sina Ehra Madrigal at Bubbles Paraiso (mga kliyentengtalent ni Annabelle).

Pasado alas-diyes na ng gabi naman nangpatakbong dumating ang kakambal ni Raymond na si Richard Gutierrez. Inabutankasi ito ng biglaang pagbuhos ng summer rain habang binabaybay ang boardwalkGreenbelt 5. Si Richard ay very open sa pagsasabing idol niya ang kapangalan atka-initial niya, si RG o Richard Gomez.

Samantala, nagsidatingan din ang ilanpang kaibigan ng mag-asawa, katulad na lamang ng Regal Films producer na siMother Lily Monteverde; ang kanilang "Ma'am Wilma" sa GMA-7 na si WilmaGalvante; si Ms. Susan Roces, kasama ang manager at kaibigang si DolorGuevarra at ang asawa nitong director na si Boots Plata; at ang co-manager niKC Concepcion na si Shirley Kuan.

Naroon din si "Bespren" John Estrada niGoma, gayundin ang malapit ding kaibigan ng aktor na si Jayvee Gayoso, na player ng Ginebra dati.

Namataan din namin sa isang sulok angaktor na si Dino Guevarra, kasama ang kanyang non-showbiz lady love.

Present din siyempre ang mga magulang ni Lucy, kasama ang kanyang kapatid na si Mat; ang managerng Gomez family na si Douglas Quijano; ang Bench at HerBench family nina Lucy,Goma, at Juliana; ang mga taga-L.E.N. Plus, Inc. (isang eventorganizing-venture) sa pangunguna ni Marilen Nuñez; mga kaibigang makeupartists, gaya nina Juan Sarte at Chechel Joson; ang paboritong fashion designerni Lucy na si Randy Ortiz; at ilang mga katropa ni Goma sa kanyang mga hilig,gaya ng baseball, fishing, golf, at kung anu-ano pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa maikling pakikipagtsikahan sa mag-asawa, nalamanng PEP na ang kanilang anniversary wish ay ang mabigyan na ng kalaro siJuliana.

"We've been trying," nakangiting sabi ni Lucy.

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN