Toni Gonzaga overwhelmed by fans' support in "Catch Me If You Can, The Repeat"


"Na-touch talaga ako, kasi feeling ko lahat ng pumunta dun,close ko silang lahat. Ang babait nila at saka ang sarap ng feeling na ganunka-warm yung pagsuporta nila sa akin," says Toni Gonzaga in gratitude for the support of her fans during her recent, second concert.



Sa tagumpay na tinamo ng CatchMe If You Can, Toni Gonzaga, kumpirmadong naging successful dinang pangalawang solo concert ng TV host-actress, ang Catch Me If You Can,The Repeat.

Tinangkilik at sinuportahan ng mga taong nagmamahal atmalalapit kay Toni, pinagtatakhan lang ng karamihan kung bakit nang gabing 'yonay wala raw ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Tonilast Sunday, May 4, sa dressing room ng ASAP ‘08, klinaro niya na present palanang gabing iyon si Direk Paul pero hindi lang humarap sa tao para na rinmakaiwas sa mga intrigang maaaring ibato na naman dito.

"Nandun siya, sa gilid lang. ‘Di siya pumapel kasi bakasabihin na naman ng iba na nanghakot siya, hayun natakot.

"Nung unang concert ko kasi, naging isyu na naghakot dawsiya ng nanood. Nanood siya with his family. So, para wala na ring issue, pumuwesto siya sa ‘disiya talaga makikita ng tao."

ONE YEAR AND GETTING BETTER. Mag-iisang taon na sina Toni and Direk Paul this coming June and Toni assured usthat everything is going well. PEP askedabout their plans to celebrate their anniversary.

Sabi ni Toni, "Actually, marami na ang nagtatanong sa akin niyan, but sofar wala pa kaming binabalak. Sa sked ko kasi, ang hirap magplano. Paalis-alisako o kaya minsan bigla na lang may papasok na work.

"I can say our relationship is getting better. Every day isa learning experience for [both of] us. Masaya naman kami sa tinatakbo nglahat."

OVERWHELMED BY SUPPORT.Going back to the repeat concert, Toni admitted na kabado siya noong una.Baka raw kasi hindi ito suportahan ng tao. Baka hindi kagaya ng pagtanggap nanakuha ng una niyang major concert.

"Nung una akala ko nagdyo-joke lang yung producer na maypart two. Pero nung itinuloy nila, dun na ako nakaramdam ng nerbiyos. In-expectko lang nung una na sana kahit makalahati ko lang yung Aliw [Theater], masayana ako. But sobrang happy ako, coz kung gaano sinuportahan yung unang concertko, ganun din ang suporta nila sa The Repeat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-touch talaga ako, kasi feeling ko lahat ng pumunta dun,close ko silang lahat. Ang babait nila at saka ang sarap ng feeling na ganunka-warm yung pagsuporta nila sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN