Regine Velasquez falls in love with "Kim Sam Soon"

"First of all, the character is so lovable. I mean, ako mismo, nai-in love ako dun sa character," says Regine Velasquez about her title character in My Name is Kim Sam Soon.



Naging malaking issue noon ang paghahayag ng interes ni Regine Velasquez sa lead role ng Pinoy version ng Colombian telenovela na Betty La Fea. Ito ang dahilan kung bakit muntik nang lumipat ang Asia's Songbird sa ABS-CBN.

Pero hindi nga natuloy si Regine nang magkaroon ng aberya ang pakikipag-negotiate niya sa Kapamilya network. Pagkatapos nito ay nagdesisyon ang singer-actress na manatili sa GMA-7 at pumirma ng two-year exclusive contract.

In-announce na rin ng ABS-CBN this week na ang napili nilang gumanap bilang Betty La Fea ay si Bea Alonzo. Ano ang reaksiyon ni Regine sa pagkakapili kay Bea sa role na gustung-gusto rin niyang gampanan?

"Actually, before they offered that to me, ang alam ko talaga, it was really gonna be for her," umpisa ni Regine. "Kasi sinabi naman nila yun sa akin, e. In-explain nila sa akin na Bea was really going to do it, kaya lang they had... I don't know what happened, hindi ako alam yung story na hindi muna nila ginawa.

"And then, nung nag-uusap lang kami, kuwento-kuwento lang, I kinda mentioned it na gusto kong gumawa ng gano'n, tapos hindi naman niya sinasabi na nasa kanila [yung rights ng Betty La Fea]," kuwento ng Asia's Songbird sa presscon ng kanyang bagong show sa GMA-7, ang Songbird, last May 9.

KIM SAM SOON VS. BETTY LA FEA. Kung si Bea ay si Betty La Fea, ginagawa naman ngayon ni Regine ang My Name is Kim Sam Soon, ang Pinoy version ng sikat na Koreanovela na may ganun ding pamagat. May balitang posibleng magkatapat ang My Name Is Kim Sam Soon at Betty La Fea, ano ang masasabi ni Regine dito?

"Ganun talaga yun, e. It's business, wala naman tayong magagawa dun," maikli niyang tugon.

Dahil nakapagsimula na ng taping si Regine para sa Kim Sam Soon, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang experience niya while doing the role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, I'm having such a great time!" bulalas niya. "Alam mo, they gave me the best staff and crew. The same group who did Marimar is now handling Kim Sam Soon... Si Dom [Dominic Zapata], na parang male version ni Joyce Bernal ang direktor namin, so krung-krung din.

"I'm having such a great time. Sobrang nakakatuwa! First of all, the character is so lovable. I mean, ako mismo, nai-in love ako dun sa character."

So, nakalimutan niya si Betty?

"Nakalimutan ko si Betty!" tawa niya. "Pero in fairness, lovable din si Betty. Kaya lang, ito [Kim Sam Soon] kasi, since it's Korean, mas Asian, tapos mas malapit sa kultura natin. Tapos inindyeksyunan pa natin na mas gawing Pilipino pa, nakakatawa siya at ang cute, cute, cute ng character.

"Mommy ko si Tessie Tomas. It's such a big honor for me to work with Tessie. Si Ms. Teysi, hindi na siya masyadong active. At my God, dekalibreng mga artista, actors talaga ang mga kasama ko dito. We have Vangie Labalan, si Eugene [Domingo], my God! Naluka-luka nga ako... Alam mo, nakakatawa... Of course, we have Sweet [John Lapus], Carmi Martin, we have Mark [Anthony Fernandez]. Siyempre, si Wendell [Ramos], si Hayden [Kho]..." very excited na saad ni Regine.

Dito sa Kim Sam Soon ay si Mark Anthony ang pinaka-leading man ni Regine. Marami ang nagsasabi na tila hindi bagay sina Regine at ang young actor. So, tinanong namin si Regine kung kumusta naman ang chemistry nila ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Kasi the story of Kim Sam Soon, wala sila talaga dapat chemistry," pahayag ni Regine. "Kasi the guy is really supposed to be younger than her. Kasi part of her insecurity really is her age and her body... The thread is still the same, pero binigyan tayo ng right na mas gawing Pilipino, yung kultura natin. Kasi siyempre, iba pa rin naman yung kultura nila kahit Koreano, di ba? It's a romantic comedy, but it also tackles yung kahirapan, in a different way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN