Philip Salvador to Rudy Fernandez: "Kayang-kaya mo iyan."

Late last year, Phillip Salvador (main photo), Rudy Fernandez (inset), Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla (not in photo) sat for dinner at Rudy's Quezon City home.

In an interview with PEP, Daboy (Rudy's nickname) wished to do a movie that would be produced by Bong and starring all of his kumpadres.


Dinagsa ng mga kaibigan ni Rudy Fernandez ang healing massna ginanap noong Sabado, ika-10 ng Mayo, sa Christ The King Church, E.Rodriguez Avenue, Quezon City. Ang misa ay handog ng mga kaibigan ni Rudy mula safilm industry na patuloy na umaasa at nagdarasal na malalampasan ng aktor angkrisis na kanyang pinagdadaanan ngayon.

Siyempre hindi mawawala ang mga matalik na kaibigan ngaction star. Naroon sina Phillip Salvador, na siyang humawak ng chalice duringthe offertory, at Senator Jinggoy Estrada.

Si Senator Bong Revilla naman ay hindi nakadalo dahil nasaHong Kong siya noong araw na iyon, kasama ang butihing maybahay na si LaniMercado, upang doon sila magselebra ng Mother's Day.

Pagkatapos na pagkatapos ng misa, napansin ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang paglabas ni Phillip, ganundin si Senador Jinggoy.

At noong namataan namin sila na magkausap sa labas ngsimbahan, kapansin-pansin na tila umiiwas ang dalawa sa anumang interbyu.

Una naming nilapitan si Kuya Ipe, na bagamat nakasuot siya ngshades ay mababakas na may malalim na iniisip. Hinawakan lang niya kami sa kamay. Nagdesisyon kami na umalis na lang habang akmang sasakay na siya sa kotse ni Sen. Jinggoy.

Pagkalayo namin ng ilang metro, nakita namin si Kuya Ipe na maykausap na TV reporter kaya lumapit na rin kami at nakinig sa kanyang sinasabi.Heto ang inabutan namin sa pahayag ng aktor.

"'Pag ipinagdarasal natin ang isang taong may sakit, gustong Panginoon iyon. If two or three people are gathered, nandiyan ang Panginoonnatin. Prayer is more powerful ‘pag nagkaisa tayo sa pagdarasal. ‘Pagnagsama-sama ang prayers natin, more powerful iyon. Ang kahilingan ko ho, maskiyung mga hindi nakakakilala kay Rudy Fernandez, ipagdasal ninyo si RudyFernandez for compassion," aniya.

Bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid, sino si RudyFernandez?

"One in a million," ang maikling tinuran ni Kuya Ipe.

Ano ang mensaheng gusto mong ibigay kay Daboy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kayang-kaya mo iyan. Mahal na mahal ka namin," ang sabi ngpremyadong aktor.

Tinanong din si Kuya Ipe kung ano na ba talaga ang kalagayanni Daboy ngayon?

"Right now he's okay, right now, he's very okay. As a matterof fact, huwag kayong mag-worry."

Pero naputol ang kanyang sagot sa tanong na ito nang may nagtanongtungkol sa kalagayan naman ni Ms. Lorna Tolentino, na noong araw na iyon aykasama ni Rudy sa Capitol Medical Center.

Ayon kay Kuya Ipe, "She's very strong, very supportive and avery loving wife."

Matapos ang interbyu na iyon ay nagpaalam na si Phillip at sumakay saputing kotse.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN