What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?

Meron nga ba sa dalawang noontime shows ang dapat patawan ng violation?
by Khryzztine Joy Baylon
Aug 7, 2023
Ion Perez, Vice Ganda, MTRCB, Tito Sotto, Helen Gamboa
The PEP squad has something to say about the recent case between "It's Showtime" and MTRCB. The issue trended online until E.A.T. was dragged into the conversation, with netizens saying E.A.T. should also be called out because of the "malicious" kiss of Tito Sotto and Helen Gamboa in its program.

Mainit pa rin ang isyu sa pagitan ng MTRCB at noontime show rivals na It’s Showtime at E.A.T..

Halu-halo tuloy ang saloobin ng netizens tungkol sa pagpataw, sa isang banda, ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ng violation sa It’s Showtime ng GTV; at sa pag-absuwelto nito, sa kabilang banda, sa inuungkat na violation din ng katapat na programang E.A.T. sa TV5.

FOR SOME CONTEXT

Nagsimula ang isyu noong July 31, 2023, nang padalhan ng MTRCB ng Notice to Appear and Testify ang producer ng It’s Showtime. Nakatanggap daw ang MTRCB ng maraming reklamo mula sa "concerned citizens."

Base ito sa alegasyon na malisyoso, o hindi disente, ang episode ng pagtikim ng cake ng hosts at real-life partners na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Nangyari ito noong July 25, 2023. Sa segment ng It's Showtime na "Isip Bata," may general-information questions na sasagutin ng players. Ang mga sagot ay galing mula sa survey sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tanong noong araw na iyon ay: "Anong pagkain ang masarap simutin gamit ang daliri?" Ang ilan sa choices ay tsokolate, chichirya, cake. Sa bawat choice ay may isang It's Showtime host na magde-demo kung paano simutin ang bawat dessert gamit ng daliri. Napunta ang pagsimut ng cake kay Ion.

Ito ang sumunod na eksena— Vice: "One more time please. Yung kailangan parang commercial na nagso-slow mo. Ayan, Direk, mayroon ba tayong slow mo effect?"

Nang ide-demo na uli ni Ion, muling nag-request si Vice: "Ay, wait, parang mas maganda na may background [music]."

Pinagbigyan naman ang request na ito ni Vice nang patugtugin ang unang verse ng kantang "Uhaw" ng Filipino rock band na Dilaw.

"Ang sarap," maririnig na sambit ni Vice nang isubo ni Ion ang icing ng cake.

Hirit ng kanilang mga co-hosts, "Parang gusto rin ni Ate. Parang gusto mong tikman."

Dito na lumapit si Ion sa kanya at iniabot ang kanyang daliri na may icing ng cake.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agad naman itong kinuha ni Vice sa kanyang daliri para simutin. Bago tuluyang isubo, sabi niya kay Ion, "Happy Monthsary."

Read: MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision imposing violations against 'It's Showtime': "Magalit na kung sino man ang magagalit."

Ayon sa MTRCB, ang inasal ng dalawang It’s Showtime hosts ay naglalabag sa Section 3 ng Presidential Decree No.1986. Nakasaad sa Section 3 ang “general viewing” o ang paggawa ng mga programang angkop sa general public.

Malinaw raw na may paglabag dahil may mga batang naroon mismo sa show at may mga batang walang bantay na mga magulang sa bahay nang maganap ang umano’y “indecent act/s” nina Vice at Ion.

PEP SQUAD WEIGHS IN

May kanya-kanyang say naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial staff—o tawagin nating PEP Squad—sa isyung ito.

Sa Summit Media office, sa aming paboritong long table, nagtipon-tipon kami noong umaga ng August 1, 2023. Hindi buo ang squad nang umagang iyon. Pati ang Editor in Chief naming si Jo-Ann Maglipon ay wala roon, pero nakatakda talaga kaming magdiskusyon, kaya lumarga na rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang core question: Masasabi bang "indecent" ang ginawa nina Vice at Ion, at deserve ba ng It’s Showtime ma-call out for that scene?

Sabi agad ng aming Executive Editor Ms. Karen Pagsolingan na kung wala sanang mga involved na bata sa eksenang iyon, makakalampas pa ito sa MTRCB.

"Well, mayroon kasing bata, di ba? When I watched it, not knowing na may kids around, it was cute actually. Di ba, parang katuwaan siya e. Okay siya.

"The mere fact lang kasi na mayroon lang kasing bata, it deserved to be summoned. I think, ha.

"But, in reality, para sa akin naman, I don’t know, the kid may not know the underlying tones when it was being done."

Na ibig sabihin, maaring ang adults na lang ang nagbibigay dito ng malisya.

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis itong sinang-ayunan ng aming Deputy Editor for Non-celebrity News Bernie Franco.

Para sa kanya, walang mali sa ginawa nina Vice at Ion.

Pansin nga niya, bilang madalas siyang manood ng noontime shows, hindi ito ang unang pagkakataong may ganitong eksena o biruan sa iba't ibang TV daytime shows, at kung tutuusin daw ay mayroon pang mas malalang mga nakakaligtas sa mata ng netizens.

"Agree din ako kay Miss K, kasi honestly kung kunwari nanonood ka ng It’s Showtime or ibang noontime show, may mga jokes pa na mas green. This time nga nung pinanood ko sabi ko, ‘Hindi naman siya gano'n kabastos.’

"Kung tinapos mo pa yung video, makikita mo na pagdating kay Vice, he was even careful na hindi siya lagyan ng malisya, in a sense na yung icing... nisip ko nga na baka from Ion’s finger ili-lick niya yung icing—pero hindi. Kaya sa akin, that was careful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP OUTTAKES

Para naman kay Rachelle "Pink" Siazon, Deputy Managing Editor, dalawang bagay ang nakikita niyang "off" sa isyung ito. Una, ang tanong mismo para sa isang segment na pinamagatang "Isip Bata"; pangalawa, ang agarang pagpataw ng MTRCB ng violation sa It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, sa akin yung mismong tanong na yon, sana hindi na lang yon yung ginawang question. Kasi nga kung alam mo na usually very normal kasi sa It’s Showtime hosts yung nagkukulitan e, and very adult yung usapang gano'n, so, yun lang.

"Nabasa ko rin yung letter na galing doon sa MTRCB, and ang hindi ko lang naman gusto doon is, mayroon na kaagad violation bago pa nagkaroon ng usapan.

"Kung mababasa niyo yung letter, indecent act/s concerning sa scene, tapos mayroong violation. Wala man lang alleged violation.

"So, ayun yung para sa akin, na sana mas naging careful yung MTRCB kasi self-regulation naman yan e, hindi naman natin parang…kumbaga knowing the history din ng MTRCB, even yung previous chairman, mas more on self-regulation yung pinu-promote natin kaysa yung agad na ‘Mag-delete ka or huwag mong ipalabas yan!’"

Sa ibang salita, nakakalimutan ata ng MTRCB na siya ay binuo hindi para maging censor czar kundi para maging review and classification board. Nasa mismong pangalan ng ahensiya yang distinction.

Kapag chief censors sila, ang gobyerno ang tagapagdikta sa artists. Kapag sila ay review at classification board, ang binibigyan ng ultimong respeto ay ang artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama lang ang ganitong paglilinaw sa isang malayang bansa. Magbasa nga lang ng history at evolution ng MTRCB para makita ang ganyang distinction.

PEP OUTTAKES

DISCRIMINATION AGAINST SEXUAL ORIENTATION OF VICE-ION

Sa tingin pa ng PEP Squad, may diskriminasyong nangyayari.

Pinag-initan sina Vice at Ion, hindi dahil tanging sa eksenang naganap kundi mas dahil pa sa kanilang sexual orientation.

May netizens na gumamit pa ng mga salitang "kahayupan," "kabaklaan," "immoral," at "lason" patukoy sa eksena nina Vice at Ion. Ito rin ang tinatayang mga netizens na nagreklamo sa MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di lingid sa kaalaman ng marami na parehong miyembro ng LGBTQIA+ sina Vice at Ion.

Kaya't ganoon na lang ang hugot ng aming team—mamiyembro man o hindi ng LGBTQIA+ community—na gustong itama ang nangyaring diskriminasyon.

Si Chino, na aming Social Media Manager, ay aminadong disappointed sa nabasa niyang komento ng isang social media influencer mismo.

"Hindi ko na papangalanan, but there was someone kasi who made the comment, parang this person put sexual orientation into the matter, when in fact hindi naman siya part of the issue. It's more of the sexual cue.

"Parang the way this person framed it—it's only immoral if it were to be done by gay people, but if straight people did it, okay lang siya."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang napansin ng aming YouTube Manager na si Khym Manalo. Aniya, dahil sa insidente ay mas nakita niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin patas ang pagtrato sa mga miyembro ng kanilang komunidad.

"Kung magko-call out tayo, huwag tayo maging selective. Ang isang bagay na mali ay mali para sa lahat.

"Hindi dahil LGBT sila, mas mabigat yung timbang ng kasalanan na yun kasi nga LGBT member sila.
So, kapag ginawa ito ng straight na mga tao, okay lang palulusutin natin?

"So, mali naman talaga [ang eksena] and tama naman na ipinatawag sila para mapag-usapan, pero huwag din sana agad-agad tayo dumidiretso sa judgment and ika-cancel agad."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MTRCB Chair Lala Sotto on IT'S SHOWTIME and E.A.T.

Natural na napunta rin ang diskusyon sa tila hindi pagiging patas ni MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio.

Giit ng mga tagasuporta ng It's Showtime, bakit hindi pinatawan ng kaukulang parusa ng MTRCB ang karibal na programang E.A.T.?

Nangyari kasi sa E.A.T., sa National Dabarkads Day celebration noong July 29, 2023, nagkatuwaan at masiglang naghalikan ang mag-asawang Tito Sotto at Helen Gamboa.

Read: Pagpupog ng halik ni Tito Sotto kay Helen Gamboa, pinaiimbestigahan ng It's Showtime supporters sa MTRCB

Kay Ms. Karen, hindi na siya nagtaka sa ganitong komento dahil daw alam ng lahat na magkatunggali sa noontime slot ang It's Showtime at E.A.T..

"It's really a product of the rivalry. Kasi unang-una, mag-asawa naman sila. Pangalawa, yung angle naman ng camera is nakatalikod hindi rin naman siya gaanong kita. Pangatlo, it's not the first time na nakita natin silang mag-ganon.

"So, my point is, if they were to assert na meron din ganitong nangyaring violation sa ibang show, they could have picked other segments or incidents that happened previously. Pero that one, the kissing, to me, it's totally harmless."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP OUTTAKES

Nodding in agreement, our Senior Lifestyle & Social Media Editor Nikko Tuazon said: "Rated PG naman po yung show so, dapat yung mga magulang din, kung na-feel nilang hindi dapat gayahin, sila na yung mag-explain, di ba? So, kung magulang ka, trabaho mo yun. Kung hindi mo ginawa, kakulangan mo yun bilang magulang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP OUTTAKES

It was our Associate Editor for Content Erwin Santiago who pointed out one undeniable fact: "Kasi, remember, Tito Soto's daughter is Lala Sotto. Siya yung chairman ng MTRCB. So, parang gusto lang [ng supporters ng It's Showtime]...na maging patas lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP OUTTAKES

CHAIR LALA SOTTO INSISTS...

Nauna nang iginiit ni MTRCB Chair Lala Sotto na ang halikan ng kanyang mga magulang ay walang paglabag sa MTRCB rules and guidelines.

Diin niya, wala silang nakitang problema sa inasal ng mga ito. Natural din daw sa kanya ang ginawang halikan ng mga magulang dahil mag-asawa naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Lala, “Lumaki po kasi akong ganon na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid, ganoon po talaga ang aming mga magulang—mapa-telebisyon, maski saan, mula pa noong bata kami.

“They have been married for 45 years now.”

Hindi rin daw iyon ang unang beses na ginawa ito ng kanyang mga magulang sa national TV.

“Yung mga lambingan nilang ganyan, simula pa nung may show sila kapag naggi-guest ang mommy sa Iskul Bukol at yung dating Eat Bulaga!, all through the years, ginagawa po talaga nila yan.”

Read: MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”

Bagay na hindi naman sinang-ayunan ni Ate Pink.

"Yung MTRCB, ang pinaka-role—I think ito din kaya naging controversial, tama si Sir [Erwin]—na dahil siyempre may katungkulan yung anak ni Tito Sotto, and mas meron sanang higher call sa kanya na maging consistent and patas sa lahat, na hindi lang yung isolated case yung ika-call out mo but actually yung magkaroon ka ng consistent na, from the start, i-check niyo kung ano ba yung mga pinapalabas... Hindi ka lang mag-ano na, ‘Ah, ito kasing scene na 'to, or dahil lang nag-trending, kaya mo ipapatawag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEP OUTTAKES

Ganito rin ang napansin ni Kuya Bernie. Kundi ba nag viral, mapapansin ba ito ng MTRCB?

"I may be wrong, pero yung naisip ko kasi, ginawa ba 'to ng MTRCB dahil nag-viral siya, dahil pinag-usapan siya, dahil maraming netizens yung nag-call out? Pero kung hindi ba sila nag-call out, papalampasin ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana... maging fair, na huwag selective. Kung gagawin man nila [ang callout]—I mean, hindi lang dahil because this is an era where social media is really very rampant kaya na-caught lang yung attention nila because pinag-usapan nang husto; 'tapos yung isa, hindi naman, kaya nakalusot sa kanila. So, dapat may objectivity nga kung gagawin yung trabaho."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INTERference OF SOCIAL MEDIA

Tuloy, dumako ang usapan sa social media.

Para sa aming resident Gen Z na si Sir Erwin, pansin niyang sa panahon ngayon ay mahirap nang magbiro. Maging ang mga pinapalabas sa telebisyon ay nalilimitahan na rin daw dahil sa rami ng restrictions.

"Parang nakikita ko, parang nali-limit na yung mga palabas ngayon because ang dami nang restrictions, ang dami nang guardians of morals. Yung parang...kasi ako, lumaki kami doon sa time na very free lahat, yung pwede mong gawin lahat, lalo na sa comedy. Kasi dati, parang free for all.

"Kahit yung hitsura ng tao, sexual orientation ng tao, pwede mong gawing joke. Yung even politicians dati pwede mong pagtawanan sa television—yung sa Sic O Clock News, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, pwede mong tirahin, pwede mong gawing katatawan yung mga situation.

"Pero ngayon, ang dami-dami talagang considerations. Ang dami-daming kailangang isipin bago ka makapag-deliver ng isang joke lang, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ang dami nang sensitive na mga tao ngayon, na parang pag pinagtawanan mo ito, ginawa mong butt of jokes, pupunahin ka, iba-bash ka. Parang yun nga, parang hindi na masyadong fun magpatawa ngayon.

"Ang dami nang woke. So, yun lang siguro yung generation ngayon.

Pabiro pang hirit ni Sir Erwin, "Parang sa akin, ano, hindi na sila masarap ka-bonding."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agree naman dito ang millenial na si Khym. Para sa kanya, minsan ginagamit na lang ang social media para sa paghahanap ng mali o kasalanan.

"Agree po ako doon sa sinabi ni Sir na masyadong sensitive na nga yung mga tao na sobra na and nawawala na yung fun... So, yung motivation nung iba, kaya nangyayari ito, is for the clout, na hinahanap nila yung recognition na, 'Ako yung nag-call out nito, ako yung nakakita nito, ako yung pumulis nito bago ito mag viral. Meron akong clout, sikat ako.'

"So, yun yung nangyayari sa social media... Parang lahat na lang gusto nating pulisin, kahit maliliit na bagay gusto nating pulisin, para magkaroon ka ng clout, kasi gusto mo sikat ka."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Following Khym's statement, Chino reiterated his experience bilang fan ng Bubble Gang. Inalala niya kung gaano ka-funny ang jokes ng nasabing gag show.

"Ako... laking Bubble Gang naman ako and yung mga jokes nila doon, I remember correctly before, medyo now I don't think [they] would pass. Especially before, nung mga panahon nila Diego [Llorico], ganyan. Pero funny siya—I enjoyed it. But siyempre, times are changing, a lot of people have access to the internet, so a lot of opinions are floating. Ngayon magkakaalamanan kung ano ba talaga yung okay and hindi."

Natatawa pang disclaimer ni Chino, "Hindi naman ako director, ah, pero this is just what I think since may challenge eh, na parang this kind of humor doesn't really suit everyone, kasi it has a tendency to alienate or even hurt. To me kasi entertainment should not hurt— entertainment should be able to make you laugh, make you cry or whatever, in a good way. But I guess it's a challenge lang now sa comedy natin na: How do we keep up with the righteousness of people now but at the same time becoming entertaining?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang to me, is it really because people now are masyadong high on moral[s] or is it because our comedians aren't innovating enough, or improving? Parang na-stuck lang tayo sa usual.

"Like, parang right now, masasabi ko, yung comedy na nire-release natin, naiwan pa rin siya in the '90s as opposed to… parang bihira tayong mag-dark comedy, laging slapstick. Kailangan nangbabastos or nag-impersonate... pwede naman yung smart na humorous. So, I think, yun, that's gonna be the challenge."

PEP OUTTAKES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The PEP squad has something to say about the recent case between "It's Showtime" and MTRCB. The issue trended online until E.A.T. was dragged into the conversation, with netizens saying E.A.T. should also be called out because of the "malicious" kiss of Tito Sotto and Helen Gamboa in its program.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results