Kim Chiu replaced Pops Fernandez as host at 38th Box-Office Entertainment Awards

Young actress Kim Chiu gladly obliged, even on short notice, to replace Pops Fernandez as Gabby Concepcion's co-host in the 38th Box-Office Entertainment Awards held last May 13 at RCBC Plaza.

Click here for more photos.



Si Pops Fernandez dapatang kapareha ni Gabby Concepcion bilang co-hostng 39th Box-Office Entertainment Awards na ginanap last May 13 saRCBC Plaza. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nagkasakit ang Concert Queen at hindi niya nakayang mag-host noong gabing ‘yon.

Bagama't naiintindihan naman ng Guillermo Mendoza MemorialScholarship Foundation, Inc. ang kalagayan ni Pops, biglang nagkaroon ngproblema ang production team. Kailangan nilang humanap agad ng papalit sa kanya.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), tatlo ang pinagpilian bilang kapalit ni Pops. At theend, the production team decided na si Kim Chiu ang ipalit kay Pops at maging co-hostni Gabby.

Ayon sa kuwento ng taga-production, noong mismong araw ngawards night lang nila nakausap ang handler ni Kim from Star Magic kungpupuwedeng maging co-host ni Gabby ang young actress. Bagama't short noticelang ang invitation kay Kim ay pumayag pa rin siya, kaya naman napakalaki ngpasasalamat ng mga taga-production sa kanya at sa kanyang handler.

Mas humanga ang production team sa ipinakitang professionalismng Kapamilya star. Aminado raw kasi si Kim na ninenerbiyos siya at hindi masyadongconfident sa sarili dahil first time pa lang siyang maghu-host ng isang awardsnight. Idagdag pa rito na noong gabi ng awards night lang niya nakita atpinag-aralan ang binagong script.

Ayon pa sa source ng PEP, napahanga raw ni Kim ang mgataga-production dahil never nilang naringgan ng reklamo ang young actress.Kahit kinakabahan at first-timer si Kim as host, nagawa naman niya nang maayos angkanyang trabaho.

Comment pa nga ng mga taga-production, sana raw lahat ng artista—mapabaguhanman o hindi—ay katulad ni Kim na walang ere sa katawan.

Bukod sa pagiging host ng 38th Box-Office Entertainment Awards, tumanggap din ng award si Kim kasama ang ka-love team na siGerald Anderson as Most Popular Loveteam of Movies & TV.

Aside from Kim, napahanga rin daw ni Gabby Concepcion ang mgataga-Guillermo. Kahit alam nitong si Pops ang makakasama niya as co-host atnapag-aralan na niya ang script with Pops in mind na siyang kabatuhan nglinya, wala raw silang narinig na reklamo sa aktor sa pagbabago ngscript.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang 38th Box-OfficeEntertainment Awards sa Sabado, May 17, at 7 p.m. sa NBN 4 at Net 25.

To see the photos from the event, click the following: Part 1 and Part 2 .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN