Rhian Ramos prays for success in supermodel competition in China

"Nakakakaba because lots ofpeople daw will be watching, and we're competing with groups from differentAsian countries. Kaya please pray for us na sana we will be successful inrepresenting our country," says Rhian Ramos.


Umalis ngayong araw,May 16, ang grupo nina Rhian Ramos papuntang Guangxi, China, para sa 3rd AsianSupermodel Contest. Kasama ni Rhian na umalis ang pinsan niya at VJ sa QTV 11na si Steph Henares, ang StarStruck graduates na sina Arci Muñoz at RheaNakpil, at ang beauty queen na si Abigail Cruz.

Silang lima, napawang contract artists ng Artist Center ng GMA-7, ang napili ng Chinse FashionAssociation to represent the Philippines sa naturang model search nagaganapin from May 16 to 25.

Sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Rhian sa GMA Network Center bago sila umalis, sinabi ngyoung actress na nagulat siya na silang lima ang ipadadala sa naturang contestsa China. Ilang weeks lang daw ang naging preparation nila para sa contest.

Kuwento ni Rhian,"Pinadala lang ang mga pictures namin sa organizers in China. Kinunan kami ng mgaclose-ups, full body shot. Nakasuot kami ng mga gowns and all that. Tapos maynapili na nga para sa group na pupunta, and it just so happened na napasama ako.I'm happy kasi it's my first time to join something like this. I hope na maymagandang mangyayari sa amin."

Pagdating daw nila saChina ay itu-tour sila sa iba't ibang magagandang lugar ng China. Hindi pa rawalam ni Rhian ang mga categories na paglalabanan nila ng mga kasama niya sagroup.

"Iba-iba kasi angmga categories doon," sabi niya. "Ang alam ko lang, I will walk on the rampna suot ang national dress natin na Maria Clara. May gano'n silang category, e.Hindi ko rin alam ang mga categories nila Steph, Arci, and the rest. Doon langnamin malalaman when we arrive sa China."

Nilinaw ni Rhian nahindi ito ang same competition kung saan nakakuha ng recognition si Iza Calzadolast year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Yung kay Iza, that was in Korea. Iba naman ‘yonfrom this one that we are competing. May kinalaman din sa modeling. Pero kami, rarampatalaga kami wearing different clothes yata. Kaya nakakakaba because lots ofpeople daw will be watching, and we're competing with groups from differentAsian countries. Kaya please pray for us na sana we will be successful inrepresenting our country," pahayag ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN