Remembering Babette Villaruel

“I always remember Babette Villaruel with fondness.”
by KC Cordero
Aug 19, 2023
Babette Villaruel in different movie scenes
Sa mga hindi pamilyar sa kanyang pangalan, popular si Babette Villaruel noong dekada 70 at 80. Isa siyang publicist. Nakasama rin siya sa halos 13 pelikula, na madalas ay gay o reporter ang kanyang role. (Photos courtesy of Nostalgia Manila)

Bagong employed pa lang ako bilang komiks editor noong 1990 sa now defunct Atlas Publishing Inc. na may opisina sa Roces Avenue, Quezon City, nang isang araw ay lapitan ako ng editor ng Movie Star Magazine na si Lourdes Fabian, o Tita Des. May ipakikilala raw siya sa akin.

Nagpunta ako sa kanyang cubicle at nakita kong nakaupo roon ang isang pamilyar na mukha na napapanood ko sa pelikula at TV at nababasa sa mga pahayagan at magazine.

Si Babette Villaruel.

Ngumiti ako at bumati kay Babette, at nagbalik na sa aking mesa. Nang matapos naman ang pakikipag-usap niya sa showbiz editor na kaopisina ko, lumapit siya sa puwesto ko at nagpaalam na aalis na.

“Ingat po,” sabi ko.

Screenshot of Babette Villaruel scene

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hindi pamilyar sa kanyang pangalan, popular si Babette noong dekada 70 at 80. Isa siyang publicist. Nakasama rin siya sa halos 13 pelikula, na madalas ay gay o reporter ang kanyang role.

Isa siya sa may malaking pangalan noon sa showbiz industry.

Sa totoong buhay, hindi ka magkakamaling isiping hindi siya gay. Yung pilantik ng mata, yung ismid, yung pagbaling ng mukha sa kaliwa o kanan, sadyang ipinapakita niyang gay siya kahit di pa man uso noon ang gay pride.

Kalaunan, mapag-aalaman kong tuwang-tuwa at tawang-tawa pala sa kaniya pati kapwa publicists at showbiz reporters. Kuwento pa, kapag naisipan niyang mag-entertain, halimbawa sa biyahe galing ng set visit sa labas ng Maynila, tatayo ito sa estribo at magda-dialogue ng kung anong narinig nila mula sa pelikulang binisita. Bentang-benta raw ito sa mga nasa bus.

Read: Who succeeds faster in showbiz: the pretty face or the one with connections?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“CRUSH KA NI BABETTE”

Akala ko ay simpleng introduction lang ang nangyari at ino-orient lang ako ni Tita Des sa mga bumibisita sa editorial. Pero minsang nagmemeryenda kami, sabi niya sa akin, “Crush ka ni Babette.”

Ang lakas ng tawa ko.

Hindi kasi ako guwapo. Noong college ay marami akong niligawan pero lagi akong basted. Hindi rin ako gay magnet.

Marami akong male officemates na good-looking, pero sabi sa akin ni Tita Des, “Ikaw lang yung talagang kinulit ako ni Babette na ipakilala sa kanya.”

Para sa isang 20-year-old na inosenteng probinsyano, hindi ko malaman ang mararamdaman noon. Awkward, pero dahil hindi naman nagpapakita ng motibo o gumagawa ng advances sa akin si Babette sa mga sumunod na pagkakataon, nawala ang pagkailang ko sa kanya.

At naging karaniwang sitwasyon na tuwing bibisita siya kay Tita Des para mag-submit ng kanyang materials, bago siya umuwi ay dumadaan sa table ko at nangungumusta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung minsan, may dala pa siyang tinapay—na mga kaopisina ko ang kumakain dahil iniisip kong may gayuma, kahit hindi ako kagayu-gayuma.

Read: What PEP thinks of MTRCB slapping It's Showtime with a violation and sparing E.A.T.

“GUSTO MONG SA BAHAY KO TUMIRA?”

Isang problema ko noong bagong luwas ako ay kung saan titira. Ang kamag-anak ko na tinutuluyan ko ay sa Marikina City pa kaya mahaba ang biyahe ko papasok at pauwi at naghahanap sana ako ng mauupahan na medyo malapit.

Minsang nasa publication si Babette ay naupo siya sa silya na nasa harapan ng table ko.

Sabi niya, “Problema mo raw ang tutuluyan?”

“Opo,” sabi ko.

“Gusto mong sa bahay ko tumira? Malapit lang yun dito,” alok niya.

Nakalimutan ko na ang address na binanggit niya, pero sabi niya ay dalawang sakay lang ng dyipni dahil sa Quezon City rin.

Ngumiti lang ako, at sabi ko, “Nakakahiya po.”

Tumayo na siya at nagpaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP TEAM ON MTRCB-IT'S SHOWTIME-E.A.T. ISSUE

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa kanyang staff. Ipinatatanong daw ni Babette kung gusto kong sa bahay muna nito pansamantalang tumuloy.

Sinabi kong pinag-iisipan ko pa, pero sabi ko lang iyon.

Maya-maya ay si Babette na ang kumausap sa akin, may kausap lang daw siya kanina sa kabilang linya.

Aniya, “Mga pamangkin ko ang ibang kasama ko rito sa bahay, kaedad mo, kaya di ka maiilang.

“Saka sa gabi ka lang naman halos dahil may trabaho ka.

“Hindi ka na rin magbabayad ng upa para hindi na mabawasan yung ipinadadala mo sa parents mo sa probinsiya.”

Hindi ako makasagot. Sa tono ng pagsasalita niya ay naroon ang katapatan na gusto lang niya akong matulungan sa kasalukuyan kong predikamento.

Sabi ko na lang uli, “Pag-iisipan ko po.”

“Sige...” sagot niya. “Kung sakali ba, okey lang sa iyo na folding bed ang higaan at may mga kasama sa kuwarto? Mga pamangkin ko na lalaki.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sanay naman po ako sa banig,” sabi ko na lang.

Read: How cheating partners in showbiz redeem themselves—or not

THE OTHER SIDE OF BABETTE, AND HIS “COLLECTION”

Isang kaopisina ko, si Vic na anak ni Ross Celino na publicist noon ni late action king Fernando Poe Jr., ang napagkuwentuhan ko ng tungkol sa alok ni Babette.

Magkakilala ito at ang kanyang ama dahil parehong publicist. Personal ding kakilala ni Vic si Babette.

Sabi niya sa akin, “Mapag-ampon talaga si Babette ng mga galing probinsya. Mabait na tao iyan.

“Dati rin daw kasing galing probinsya iyan kaya alam ang hirap na dinaranas ng mga bagong salta.

“Yung sinasabi niya na mga pamangkin na makakasama mo, ang iba roon mga ampon niya.”

Sa sinabi niya, parang gusto kong pag-isipan ang offer ni Babette.

Read: What the PEP people think of Lea Salonga's viral dressing room encounter

Si Vic din ang nagkuwento sa akin na may koleksyon si Babette ng “pubes” ng mga artista—kabilang ang kay Da King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababasa ko rin nga noon sa ilang showbiz column ang tungkol sa kakaibang mga koleksyon na ito ni Babette.

Screenshot of Babette Villaruel writeup

Anyway, bago ako nakapagdesisyon ay nakakita ako ng murang bedspace sa tapat lang ng aming opisina.

Pagbisitang muli ni Babette sa publication, sinabi ko sa kanyang solved na ang aking problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Ay, sayang. Nabilhan na kita ng Bon-Bon [brand ng folding bed]. Gusto mong dalhin ko sa tinutuluyan mo?”

Na-touch naman ako sa sinabi niya. Sabi ko ay may higaan na sa inuupahan ko, pero salamat ng marami at pasensya sa naging abala.

“Hus, wala yun,” sabi lang niya.

Read: Each of us writes our own success story!

THE DAY HE SAID GOODBYE

May panahon na nawala sa sirkulasyon si Babette. Hindi rin siya nagpupunta sa publication.

Sabi ni Tita Des ay nagkasakit at naospital. Hindi pa makapagtrabaho.

Sometime in December 1991 ay muli siyang sumulpot sa opisina. Tandang-tanda ko pa ang suot niya na red na pang-itaas at black na pang-ibaba.

Halatang mahinang-mahina siya at hindi pa fully recovered. Pagkaupo niya sa may cubicle ni Tita Des ay kumaway sa akin.

Dahil busy ako noon dahil rush ang deadlines ng Christmas issues, kumaway rin lang ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Showbiz Personality and the many stories about him: tsismis or truth?

Sandali lang siya kay Tita Des at bago umalis, gaya ng dati ay lumapit siya sa table ko at bumati ng advance Merry Christmas.

Kinumusta ko siya, at sabi niya sa malungkot na boses, “Heto, maysakit.”

“Pagaling ka,” sabi ko.

Ngumiti siya at mas lumapit sa akin. At yumakap. Mahigpit.

Wala siyang sinabi, basta mahigpit na yakap lang—na para sa akin ay weird dahil kahit minsan, ni hindi niya ako tinapik man lang.

Kinabukasan, laman ng mga pahayagan ang pagpanaw ni Babette.

Sabi ng mga kaopisina ko, kaya raw pala ako niyakap nang mahigpit, nagpapaalam na.

Nalungkot ako. O, mas tamang sabihin, nalungkot ako nang todo.

Read: In defense of Angelica Lopez & Pauline Amelinckx who break beauty contest templates

I always remember Babette with fondness.

Hanggang ngayon, pag naaalala ko ang nangyari mahigit 30 years ago, nagpapasalamat ako sa isang Babette na nagturo sa akin ng isang mahalagang lesson sa buhay—hindi lahat ng gay na nag-aalok ng tulong ay naghihintay ng kapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na sa showbiz industry, despite the scandals and controversies, marami ang tulad ni Babette na may ginintuang puso at mapagmalasakit.

Na kahit na ang panlabas na anyo ay panay katuwaan at pagpapatawa, may lalim ang pagkatao ng mga katulad ng isang Babette Villaruel.

Read: In social media, why is kindness so hard to come by?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mga hindi pamilyar sa kanyang pangalan, popular si Babette Villaruel noong dekada 70 at 80. Isa siyang publicist. Nakasama rin siya sa halos 13 pelikula, na madalas ay gay o reporter ang kanyang role. (Photos courtesy of Nostalgia Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results