Richard Gutierrez steps on ABS-CBN's turf for story conference on movie with KC Concepcion

"Well, I consider it a sign of unity for both networks, andthis is the first time this has happened. I think it's a big step on bothnetworks and we're very, very happy to be part of it. Napagbigyankami at hindi namin ini-expect na talagang matutuloy siya. This movie is forall the people who requested for it, this is for them," says Richard Gutierrez about his movie with KC Concepcion for Star Cinema.



All things are possible in show business. Ito angnapatunayan nang pumirma ng one-picture contract ang exclusiveKapuso star ni Richard Gutierrez sa Star Cinema para maging katambal sa unangpelikula ni KC Concepcion.

Dahil sa kaganapang ito, marami ang naniniwalang hudyat naito ng unti-unting paghupa ng halos walang katapusang network wars sa pagitan ngABS-CBN at GMA-7. Kasunod kasi ng pagtatambal nina Richard at KC sa Star Cinema ay balita ring gagawa pa sila ng pelikula para naman sa GMA Films next year.

Tumapak sa kauna-unahang pagkakataon si Richard sa bakuranng ABS-CBN kahapon, May 20, para sa story conference ng pelikula ni KC.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRichard Gutierrez sa room 1308 ng ELJ Building ng ABS CBN, sinabi ng youngactor na ang pagtatambal nila ni KC ay maaaring isang malaking palatandaan ngpagkakaisa between the two leading networks in the country.

"Well, I consider it a sign of unity for both networks, andthis is the first time this has happened. I think it's a big step on bothnetworks and we're very, very happy to be part of it. Napagbigyankami at hindi namin ini-expect na talagang matutuloy siya. This movie is forall the people who requested for it, this is for them," pahayag ni Richard.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Richard kay KC dahil sapagpayag nito na makapareha siya at maging posible ang lahat.

"I wanna thank KC for sticking with this project, making it happen, and believing in me as her leading man," sambit ng young actor.

Hindi rin itinago ni Richard ang kasiyahan na sa kauna-unahangpagkakataon ay nakatapak siya sa bakuran ng ABS CBN para sa storycon ng pelikula ni KC na partly ay kukunan sa Greece.

"I'm very privileged to be here today. I consider this as anhonor for me. Not everyone in GMA is given the opportunity to be here in ABSlegally. It's my first time to be in ABS kaya kagabi, tinawagan ko si KC. Sabiko medyo excited ako na makapunta dito. I'm very happy and I'm still absorbingthe experience now," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung ano ang preparations na ginagawa niya para sapelikula nila ni KC, aminado si Richard na sa sobrang bilis ng mga pangayayariay ninanamnam pa niya ang lahat.

"It all came so fast, we're still in the process ofabsorbing the experience. Kasi ang nangyari nga, ang bilis. So ngayon pa langkami nagsisimulang mag-prepare. We got the scripts, storycon, and now we'repreparing to go to Greece. So I'm really excited. It [was] months of months ofmeetings, chaos... And thank God, finally ngayon natuloy na."

From the very start, Richard was very vocal about his admiration for KC. When asked sa estado ng relasyon nila ng commercial model turned actress, Richard was consistent in sayingna nasa getting-to-know stage pa lang talaga sila ng anak nina Sharon Cuneta atGabby Concepcion.

"We're still in the process of knowing each other, and Ithink this movie will be a great step for us to know each other more. We'll bespending time in Greece and that's exciting. I'm looking forward to that. We'retaking it step by step. We're not rushing into things. KC is someone special,she is a great person and she knows that, I told her that before," pagtataposni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN