KC Concepcion wants to know leading man Richard Gutierrez "even more"

"Kami ni Chard, ‘Talaga bang wala nanghope ito?' We're really wondering if this will really gonna push through, andparang sayang naman kung hindi mangyayari. We both looked for the last step,yung pinaka-last resort. Fortunately, natuloy naman," narrates KC Concepcion about her movie with Richard Gutierrez.



When KC Concepcion inked a three-picture deal with StarCinema almost a month ago, naging palaisipan sa marami ang binitawang pahayagniya na susundin lang niya ang hiling ng mga tao para sa mga pelikulang gagawinniya sa film arm ng home network niyang ABS-CBN.

Malakas ang bulung-bulungan na noong araw na pumirma ngkontrata si KC sa Star Cinema ay ang araw rin na nakita na nakipag-meeting angina at talent manager ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa ilang topexecutives ng Star Cinema. Marami ang humula na si Richard ang magiging leadingman ni KC sa una niyang pelikula, lalo pa't nagbigay ng pahiwatig ang dalaga na"ipinaglaban" nila ng kanyang makakapareha ang pagsasama nila.

Sa kabila nito ay nar'on pa rin ang agam-agam ng karamihandahil sina KC at Richard ay parehong itinuturing na prized possessions ngkanilang respective home networks—si KC sa ABS-CBN at si Richard sa GMA-7. Parang malabongmagkaroon ng katuparan ang pagsasama nila sa isang pelikula.

Pero ang imposible noon ay naging posible na ngayon.

Kahapon, May 20, sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS CBN ayginanap ang story conference ang pelikula nina KC at Richard para sa StarCinema na ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KCay inihayag niya ang kanyang kasiyahan at pagpapasalamat sa pagkakatuloy ngpelikula nila ni Richard, na kahit daw silang dalawa ay hindi inasahangmagkakaroon ng katuparan.

"Yun nga, pinagbigyan kami ng dalawang networks. Theyreally went beyond themselves to make this happen. And of course, we've triedthe best that we could to the very end. Kami ni Chard, ‘Talaga bang wala nghope ito?' We're really wondering if this will really gonna push through, andparang sayang naman kung hindi mangyayari. We both looked for the last step,yung pinaka-last resort. Fortunately, natuloy naman.

"Saka pinagbigyan ang mga tao, kasi hiningi nila ito. Gustolang naming malaman ng mga tao na pinapakinggan namin sila," lahad ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ring ikinuwento ni KC na one-fourth ng pelikula aykukunan sa Greece.

"We're very excited!" sambit niya. "We just heard everythingabout the story and our characters. We'll get to see some parts of Greece alsobecause we'll be shooting one-fourth of the movie there, and we're veryexcited.

"It will be directed by Direk Joyce Bernal who have beenworking for GMA series [Marimar, Dyesebel], and who had worked on Star Cienmafilms. So it's a good balance between the two networks. We have Direk Joyce totake care of our first movie."

Gaya ni Richard, ina-absorb pa lang din ni KC angkatotohanan na nagkaroon na ng katuparan ang pelikulang matagal na nilanghinihintay.

"Ngayon, kadarating pa lang ni Chard from Dubai. We'resitting down, getting down in the zone of the movie, na ina-absorb pa lang nanamin na nangyari na," saad ni KC.

May kissing scene ba sa pelikula nila ni Richard?

"Hindi namin alam. Panoorin ninyo na lang. It's a suprise," bitin na sagot ni KC.

Ano ang mga traits ni Richard na nagustuhan niya?

"He's a very honest person. Madali siyang pakisamahan.In a short span of time that we know each other... Yes, we met a long time ago pabut it was off and on, so now it's like I'm looking forward to work with him,to get to know him even more. I wanna thank him for being a friend," pahayag niKC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN