Kim Chiu gives justice to her role as Pinay "My Girl"

"Basta ako po, ibinuhos ko na po ang lahat ng maibubuhos korito sa show na ito. So sana po talaga magustuhan ng mga tao," says Kim Chiu about her role in the Pinoy version of the hit Koreanovela My Girl.


Maraming showbiz reporters ang napahanga sa young actress na si Kim Chiu dahil sa kanyang pagganap sa first episode ng My Girl, na nagkaroon ng press preview kagabi, May 22, sa Studio 1 ng ABS-CBN. Sina Kim at Gerald Anderson ang bida sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Girl.

Malaking transformation ang nangyari kay Kim dito sa My Girl from herprevious roles. In fairness sa young actress, nagampanan namanniya nang maayos ang kanyang role base sa first episode na napanood ngentertainment press.

Ayon kay Kim, malaking tulong daw ang pag-workshop niyakahit wala pa siyang idea na may gagawin pala siyang ganitong primetime series.

"Binigyan po kami ng workshop noong January pa po yun, everySunday po yun. Marami po kami ro'n na Star Magic artists. Three months din poyun and that time po, hindi ko pa po alam na meron pong My Girl. Tapos nangin-announce na nga po na ako po ang gaganap, another workshop na naman po yun,kay Direk Rahyan Carlos po," lahad ni Kim.

Ayon kay Kim, dapat maging proud angmga kababayan sa Pinoy version ng My Girl dahil ipinapakita rito ang ilang Pinoyvalues. Idagdag pa rito ang ilang Pinoy na Pinoy na locations, gaya ng Luneta naipinakita sa opening scene.

Kung inaakala naman daw ng ilan na naging madali para kayKim ang pagganap ng character niya sa My Girl, na marunong magsalita ng Mandarindahil may Chinese blood siya, nagkakamali raw tayo.

Aniya, "Hindi po kasi ako marunong mag-Mandarin. Ang alam kopo talaga Fookien, yun po ang sinasalita namin sa bahay. Pero Mandarin po,hindi po talaga. Kaya double effort pa po talaga. Bale may teacher po kamingnagtuturo sa amin ng pagsasalita ng Mandarin. Ako po, si Alex Gonzaga at sakapo si David Chua."

Dahil sa My Girl ay first time din na nagkaroon ng bangs si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPPOSITES ATTRACT. Very opposite daw ang character nila ng ka-partner niyangsi Gerald Anderson sa My Girl. Si Gerald daw kasi ang seryoso samantalang siKim naman yung masayahin talaga.

"Kaya po very physical po yung mga acting ko para magkaroonpo talaga ng difference with Gerald. Sobra po akong energetic, high energypalagi. Palaging naghahanap ng magagawa. Okay naman po, kasi yung pagiging masayahin ko, nandoon pa rin po."

Marami ang nakapansin na ang acting ni Kim sa My Girl ay maypagka-Maricel Soriano. May nagtanongtuloy kay Kim kung ang Diamond Star ba ang gusto niyang sundan ng yapak.

"Ay, ganoon po ba? Wow, idol ko po siya! Actually, lahatnaman po ng magagaling, idol ko pong talaga. Pero kailangan lang po kasingtalaga na yung acting ko, maiba po with Gerald. Kaya po ganoon, sobrangmagalaw, bubbly po," paliwanag ng young actress.

Pero ayon Kim, ang comedienne na si Pokwang talaga angnasa isip niya kapag kinakailangan na niyang magpatawa.

"Si Nanay Pokwang po... Kasi nakatrabaho ko po kasi siya saAalog-Alog. Tapos po, noong una ko po siyang makatrabaho, tawa po ako nang tawatalaga. Tapos, ‘ayun, ginagaya ko na lang siya kung anu-ano ang mga galaw niya.

"Basta ako po, ibinuhos ko na po ang lahat ng maibubuhos korito sa show na ito. So sana po talaga magustuhan ng mga tao," asam ni Kim.

KIMERALD. Minsan na rin napatunayan ang lakas ng tandem nina Kim at Gerald safirst primetime series na pinagbidahan nila, ang Sana Maulit Muli. Ayon kayKim, mas kabado talaga sila noon dahil first pa lang nila na magkaroon ngprimetime series na sila ang mga bida. Ngayon, ibang kaba naman ang naramdamanng dalaga.

"Mas kabado yungSana Maulit kasi nagsisimula pa lang," aniya. "Ngayon, hindi sa mas confidentako ngayon, pero eto, kabado ako kasi may sariling fan base ang Korean My Girl.Siyempre, baka sabihin na parang ang pangit naman, ang OA naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, kinakabahan ako dahil baka hindi ko ma-please anglahat ng tao. Baka may magsabi na hindi mo nagaya yung Korean My Girl, na masmaganda pa rin yun. Dun, natatakot ako. Pero sana, suportahan nila. Sanasubaybayan nila gabi-gabi at saka sana, hindi po talaga sila magsawa."

Bagama't aware si Kim na noong una'y may petisyon pa angilang fans na sana'y hindi na si Gerald ang maging kapareha niya sa My Girl kundimas matured ng konti, like Sam Milby, mas happy pa rin ang young actress nasi Gerald ang naging partner niya.

"Opo naman, happy po ako na si Gerald pa rin," sambit niKim. "At saka kami po kasi ni Gerald, nagkakatulungan na po kami. Kapag may mgascenes po ako na nahihirapan ako, hindi ko po alam kung paano ang gagawin, siGerald po ang nagsasabi sa akin na 'ganito lang ‘yan'.

"Yung sa petition nga po, nakarating din po sa akin yun,pero hindi naman po yun mga Kimeralds [fans of Kim and Gerald]. Kasi sila po,kami po talaga ni Gerald ang gusto nila na magka-partner pa rin. At saka,padami na nga po sila nang padami ngayon, kaya sobrang nagpapasalamat po kami sakanila. Siguro po, natural lang naman po na hindi naman po natin mapi-pleaseang lahat."

Mapapanood ang My Girl sa ABS-CBN simula sa Lunes,May 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN