Latest batch of PBB evictees pick Ejay and Robi as the Big Winner

by Nora Calderon
May 27, 2008
(From left) Jolas Paguia, Priscilla Natividad, Rona Libby, and Marc Josef Elizalde are the latest batch of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus evictees.

Ipinakilala ng ABS-CBN sa entertainment press sa pamamagitan ng isang press conference ang apat na bagong evictees ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at ang kanilang guardians kahapon, May 26, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ang apat na evictees ay sina Elyzar "Jolas" Paguia, kasama ang kanyang Daddy Ike; Marc Josef Elizalde at ang kanyang Auntie Annie; Priscilla Natividad at ang kanyang Mommy Jinkee; at Rona Marie Libby, kasama ang kanyang Mommy Rose.

Sa naturang presscon ay pinatunyan ng apat na teen housemates na may ibubuga rin sila sa kantahan at sayawan. Nag-duet sina Priscilla at Rona at sumayaw naman sina Jolas at Josef.

JOLAS. Bago na-evict si Jolas, 19, ay nakipaglaro siya ng basketball sa idolo niyang si James Yap ng Purefoods. Nakita ng University of the Philippines (UP) ang paglalaro ng 6'4" evictee from Bulacan kaya nag-offer ang UP ng basketball scholarship, sakaling mag-decide siyang pumasok sa naturang unibersidad.

Continue reading below ↓

Ayos na ba ang paglipat niya sa UP?

"Hindi pa po kami nakapagdidesisyon ng daddy ko," sagot ni Jolas sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakausap na po namin sa UP at sabi nila, sila na raw ang kukuha ng records ko sa Far Eastern University [FEU], kasi nga po nag-enrol na ako dun last year pero hindi po naman ako nakapasok.

"Pero nang pumunta kami sa FEU para magpasalamat, hindi pa po pala nila [UP] nakukuha ang records ko. Nag-offer po ang FEU na doon na ako, one year residence. Tapos next year, puwede na akong maglaro sa UAAP [University Athletic Association of the Philippines] for five years.

"Ganoon din po ang offer ng UP sa akin, one year residence. Tapos next year, maglalaro na ako sa UAAP for five years. Pinag-iisipan pa po naming mabuti kung saan ako papasok. Kung sa FEU po ako papasok, Management ang gusto kong kunin. Pero kung sa UP po, Sports Science."

Continue reading below ↓

Pinayuhan si Jolas na siyempre ay mas maganda kung sa UP siya papasok.

Tinanong ng PEP si Jolas kung kanino siya na-link sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Noong una po kaming...gusto ko po si Valerie kasi sexy at matangkad siya, bagay sa 6'4" height ko. Pero gusto ko rin po si Priscilla kasi ang bait-bait niya sa akin. Pero hindi ko na po itinuloy ‘yon dahil parang naging ‘kuya' na nila ako, kasi ako ang pinakamatanda sa kanila. Isa pa, may girlfriend po ako of seven months na sa amin sa Guiguinto, Bulacan."

Sinu-sino ba sa mga natitirang housemates ang gusto niyang mapasali sa Big Four at sino ang gusto niyang manalo?

"Sina Ejay, Alex, Val, at Beauty. Pero ang gusto ko pong manalo, si Ejay, kasi po siya talaga ang higit na nangangailangan sa kanila," sagot ni Jolas.

JOSEF. Incoming fourth year na sa La Salle si Josef, 16, at nakapag-enrol na raw siya.

Continue reading below ↓

"Tapos na po ako mag-enrol. Pero para po akong natatakot pumasok, baka po kasi naiba na ang pagtingin sa akin ng mga classmates ko," nakangiting wika ni Josef.

Dagdag niya, "Pero ‘yon naman pong ibang friends ko, lagi nila akong tinatawagan at kinukumusta. Kasi hindi pa naman po ako nakikipagkita sa kanila since lumabas ako ng Bahay ni Kuya."

Naging issue noong lumabas si Josef na nagalit ang girlfriend niya nang mapanood nito ang pagiging close nila ni Nicole sa loob ng Bahay ni Kuya. Nagkaayos na ba sila ng girlfriend niya?

"Nag-usap na po kami, naayos na po at wala na kami," sabi ni Josef. "Gusto ko lang pong ituwid ‘yong lumabas sa Internet na matagal ko na siyang girlfriend. Pumasok po ako sa Bahay ni Kuya noong March 23 at noong April 16 lang po kami naging mag-one month. Kaya kung tutuusin po, halos wala naman kaming naging relasyon."

Continue reading below ↓

Paglabas ba ni Nicole ay itutuloy ni Josef ang panliligaw niya sa dalaga? Paano kung tutulan pa rin ito ng Mommy Sandy ni Nicole? Nagalit kasi ang ina ng dalaga nang mahalata nitong iba na ang pagtitinginan nila ni Josef.

"Kung mabibigyan po ako ng chance, gusto ko pong ituloy ang panliligaw sa kanya," saad ni Josef. " Kakausapin ko po si Tita Sandy, magso-sorry po ako sa kanya kung mali ang ginawa namin para maayos. Hindi po naman namin ‘yon sinadya. Yun po kasi ang surrounding namin doon, day in and day out, kami-kami lang ang nagkikita-kita. Hindi po siguro talaga maiiwasan, nadala na po kami ng pagkakataon."

Totoo bang may rivalry sa pagitan nila ni Robi na taga-Ateneo?

"Wala pong rivalry," tanggi ni Josef. "Saka hindi po totoo ‘yon na magkakaaway ang mga taga-La Salle at taga-Ateneo. Nagsimula lang po ‘yon dahil sa basketball. Tulad ko po, marami po akong Atenistang friends."

Continue reading below ↓

Ang gustong maging Big Four ni Josef ay sina Nicole, Valerie, Beauty, at Ejay. Pero gusto niyang si Ejay ang manalo dahil ito raw ang higit na nangangailangan sa kanila.

PRISCILLA. Tinagurian siyang "Deaf Dreamer of Davao" dahil kahit hindi siya nakakarinig simula pa noong 12 years old siya, nagagawa pa rin niyang makipag-communicate dahil mahusay siyang mag-lip read.

Patuloy rin siyang nangangarap na matupad ang kanyang pangarap. Ilang beauty contests na rin ang nasalihan ni Priscilla at nananalo naman siya. Kaya nang mag-join siya ng PBB, kahit daw ang Mommy Jinkee niya ay nagulat dahil tahimik at mabait si Priscilla.

Kung mayroon silang hindi pagkakasundo ng anak, nagkukulong lang daw sa loob ng kuwarto ang dalaga. Pero paglabas nito ay agad naman silang nagkakabati. Kaya naman todo ang suporta ni Mommy Jinkee sa anak.

Pero totoo ba na nagtaray si Priscilla sa loob ng Bahay ni Kuya at mukhang na-bore na siya?

Continue reading below ↓

"Hindi naman po. Nasabi ko lang na napapagod na rin ako, saka nami-miss ko na po ang family ko. Pero hindi naman po ako nagsisi na nakalabas na ako ng Bahay ni Kuya, kasi nag-e-enjoy din ako sa mga shows na sinasalihan ko ngayon, like ang Coke caravan namin," nakangiting lahad niya.

Gusto raw ipagpatuloy ni Priscilla ang studies niya at baka raw lumipat siya ng school dito sa Manila. Gusto rin niyang mag-model, na hindi naman kataka-taka dahil maganda ang katawan niya at mataas siya.

May naging crush ba siya among the male housemates?

"Si Jolas po ang naging friend ko kasi he's good-looking, tall, mabait, at pareho kami ng interest—basketball. Mahilig kaming kumain ng chicken feet. Pero may girlfriend na po si Jolas, and I have my own love life. Seven months na rin kami ng boyfriend ko sa Davao," kuwento niya.

Kung bibigyan daw siya ng chance na mag-artista, gustong makasama ni Priscilla sina Piolo Pascual at Sam Milby na bukod sa guwapo ay macho raw. Gusto rin niyang makasama si Luis Manzano na na-meet na niya sa PBB.

Continue reading below ↓

Ang gustong maging Big Four ni Priscilla ay sina Robi, Val, Alex, at Ejay.

"Gusto ko pong manalo si Robi kasi po mabait siya, guwapo... Hindi po tama na dahil mayaman siya, hindi siya karapat-dapat manalo, Kasi he's very humble and a very nice person," sabi ni Priscilla.

RONA. Tinawag siyang "The Prisoner's Daughter" dahil nakakulong pa rin hanggang ngayon ang kanyang ama because of drugs.

"But I love my father, marami po siyang values na ibinigay sa akin. He is a loving father and I am proud of him," sabi ni Rona.

Gustong ituloy ni Rona ang pag-aaral niya sa University of Santo Tomas (UST) and take up Medical Technology. Pero mukhang hindi na siya makakapasok this semester dahil hindi siya nakakuha ng entrance examination at magsisimula na ang classes pagkatapos ng PBB.

"But I'm open po for opportunities. Puwede ko naman pong pagsabayin ang studies ko at career," saad niya.

Continue reading below ↓

Walang gustong maging ka-partner si Rona if given the opportunity na maging artista. Kahit sa love life, wala pa rin siyang maikuwento.

Among the housemates, wala ba siyang naging crush? How about si Robi?

"Wala po, although good-looking po naman silang lahat. Robi is like an elder brother to me," sagot ni Rona.

Sina Robi, Valerie, Alex, at Nan or Ejay ang gusto niyang makabilang sa Big Four.

"Gusto ko pong si Robi ang manalo kasi he's very disciplined, very humble. It's not the money—kung mayaman si Robi—but it's his personality, he's very open-minded," pahayag niya.

Tomorrow, May 28, ay nomination night na naman inside the PBB house. Sino sa palagay nina Jolas, Josef, Priscilla, at Rona ang mae-evict sa mga nominee na sina Robi, Nicole, at Valerie?

Sa palagay ng apat, si Valerie ang mae-evict dahil proven na raw na ilang beses nang na-nominate sina Robi at Nicole, pero nase-save sila ng mga text voters. Hindi pa raw nila alam kung magiging malakas si Valerie sa mga text voters.

Continue reading below ↓

Last Monday evening, May 26, nakipag-usap si Robi kay Big Brother na siya na lang ang lalabas para mabigyan ng chance ang iba niyang kasama. Pero hindi pumayag si Kuya. Hayaan daw ni Robi na ang mga text voters ang mag-decide para sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jolas Paguia, Priscilla Natividad, Rona Libby, and Marc Josef Elizalde are the latest batch of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus evictees.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results