Ricky Reyes operates beach resort with historical value

by Cesar Pambid
May 30, 2008
"Gusto ko naman kasing maibalik sa mga taong bumibisita rito ang kanilang mga ginastos. In our own little way, we would like also to be of service to them either historically or through education. We put up a museum here which is being supervised by the National Museum," boasts Ricky Reyes of his Golden Sunset Resort.

With fondness ang pagkukuwento ni Mother Ricky Reyes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dayuhin siya ng isang grupo ng press sa kanyang malawak na beach resort, ang Golden Sunset Resort sa Calatagan, Batangas, noong isang araw.

Aniya, aksidente lang daw ang acquisition niya ng nabanggit na resort at ni minsan, hindi niya binalak na magkaroon ng negosyong ganito. Pero ngayong sa kanya na nga ang 7.5 hectare na beach resort, hindi na siya nagpapahinga upang mas lalo pa niya itong pagandahin.

"Nagkataon lang na inalok ako ng isang kakilala, ako naman, sabi ko sige, titingnan ko. Pero sa isip ko, basta titingnan ko lang," pagkukuwento pa ni Mother.

"Pero alam n'yo, nang makita ko ang lugar, parang may kung ano sa akin na nagdesisyon ako agad. Ang ganda kasi ng lugar. Sabi ko sa sarili ko, I would like to build my paradise here, dito ko itatayo ang isang lugar na pagbubuhusan ko ng halos lahat ng aking panahon," lahad pa ni Mother Ricky.

Continue reading below ↓

That was more than five or four yeas ago. Ngayon, three years nang operational ang Golden Sunset, na pinangalanan ng ganito dahil sa beautiful sunset viewed mula sa mala-paraisong lugar.

"Sa ilang taong singkad, napakaganda ng experience ko dito. Sabihin na nating halos lahat ng atensyon ko, dito nabuhos. Sulit naman. Ang dami kong taong napasaya.

"Lahat ng mga bisitang pumunta sa lugar na ito ay laging umuuwing nakangiti na baun-baon ang mga experiences ng isang kakaibang adventure. Ganoon lang, Masaya na ako dahil nakikita ko ang bunga ng mga pagod ko," patuloy na kuwento pa ni Mother Ricky na ipinakita pa ang mga picture ng iba't ibang kuha ng magandang sunset mula sa beach na kuha sa kanyang cell phone.

GOLDEN SUNSET FEATURES. Sa ngayon, ang pamamahala sa naturang resort ay naka-link sa isang travel agency na pinamamahalaan naman ng isang taong malapit sa kanya.

"Ang dyowa ko ang bale namamahala rito dahil siya rin ang namamahala ng travel agency. Bale naka-tie ito dun, and through his effort, matagumpay naman talaga.

Continue reading below ↓

"Nagbukas kami ng website na nakatataba ng puso na mahigit na ilang milyon na ang nag-browse sa website.

"Ang mas maganda, nakakapag-create nga kami ng business dahil walang-tigil sa pagtunog ang mga telepono sa aming opisina with inquiries tungkol sa Golden Sunset," patuloy na kuwento pa ni Mother Ricky.

Totoo naman kasing matulain ang lugar na punumpuno ng mga man-made amenities. Meron silang pitong swimming pools dito. They also operate two restaurants, a spa, at marami pang ibang features gaya ng isang museum at butterfly sanctuary.

"Gusto ko naman kasing maibalik sa mga taong bumibisita rito ang kanilang mga ginastos. In our own little way, we would like also to be of service to them either historically or through education. We put up a museum here which is being supervised by the National Museum.

"We found out na ito palang lugar naming ito ay dating industrial port noong 900 AD. In connection with this, marami pala silang artifacts na nahukay dito mula sa Ming, Sung, at Wang Dynasty. Yun ang mga artifacts na nakalagay sa Museum. At least, kahit paano, yung mga nagiging bisita namin dito, merong natutunan sa history ng lugar. O kaya naman, yung mga bata na nasa elemetarya pa lang, they could learn something from us," pagmamalaki pa ng beauty impresario.

Continue reading below ↓

EXPANDING. At para nga mas magiging available sa mas marami pang tao ang Golden Sunset Resort, Mother Ricky Reyes recently acquired the adjacent lot for development. Bale 6.5 hectares ito na suma-total, ang kabubuan ay magiging 14 hectares na lahat.

"Medyo magastos but that's the way it is. Ako naman, hindi na ako nagkukuwenta. Wala na sa akin yang presyo, ang mahalaga I could do what I like to do, I could put things, alam kong makapagpapasaya sa mga tao. Tama na lang itong naisi-share ko sa buong mundo ang kagandahan ng kalikasan dito sa Golden Sunset. That alone can make me very happy."

This coming June 17 and 18 sa lugar na ito ni Mother Ricky Reyes gaganapin ang GMA Olympics. This means halos lahat ng mga artista ng GMA-7 ay magtutungo sa Calatagan para mag-participate sa mga sports at games. At siyempre, televised ito at mabi-beam sa buong mundo. At tiyak marami rin ang mamamangha sa kagandahan ng munting paraiso ni Mother Ricky Reyes.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ricky Reyes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto ko naman kasing maibalik sa mga taong bumibisita rito ang kanilang mga ginastos. In our own little way, we would like also to be of service to them either historically or through education. We put up a museum here which is being supervised by the National Museum," boasts Ricky Reyes of his Golden Sunset Resort.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results