Director Lauren Dyogi explains how Billy Crawford became host of "Pinoy Dream Academy 2"

Pinoy Dream Academy business unit head Lauren Dyogi clarifies controversy about Billy Crawford's hosting stint in Pinoy Dream Academy 2.



Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Lauren Dyogi pagdating niya sa solo presscon na binigay ng ABS-CBN para sa international star na si Billy Crawford last Friday, May 30. Si Direk Lauren ang Business Unit Head ng Pinoy Dream Academy (PDA) 2.

Ipinaliwanag niya kung paano na-consider si Billy para maging host ng PDA 2 na magsisimula na sa June 14 sa ABS-CBN.

"Ang Endemol [may-ari ng franchise ng Dream Academy at Big Brother] ang nagbanggit at pumili ng pangalan ni Billy. Naging part na kasi si Billy ng Dream Academy sa France. And they know from the start that Billy is a Filipino," bungad ni Direk Lauren.


Ang Endemol na raw ang nakipag-negotiate sa management ni Billy na nakabase sa U.S., ang YPMP.


Nauna rito ay nabalita noon na ang talent manager na si Arnold Vegafria ang nag-ayos para maging host ng Pinoy Dream Academy 2 at mapasama na rin sa ASAP ‘08 si Billy. Nilinaw naman ito ni Billy na nag-offer lang ng tulong si Arnold sa kanyang management sa U.S. para sa kanyang mga gagawing shows sa ABS-CBN.

"With Arnold, I've known him from the past before and that's it. He offered to help my management actually. He offered to help them to bring me here," pahayag ni Billy.

Tinanong din namin si Direk Lauren tungkol kay Ryan Agoncillo na unang nabalita na kukuning host ng Pinoy Dream Academy 2.

"Actually, we have a list kasi ng mga names na possible host ng show," sabi niya. "Pinag-aralan din kung sino ang puwede at isa si Ryan sa mga kinu-consider. Pero yun nga, Endemol has chosen kung sino ang gusto nilang kuning host.

"And ABS-CBN naman has other plans for Ryan. Ryan will do a soap opera, hindi si Judy Ann [Santos, Ryan's girlfriend] ang kasama niya. But that's the only thing I know kasi hindi naman ako ang nagha-handle nung show. So, hindi ko na alam yung ibang detalye nung show na gagawin niya for ABS-CBN," pagwawakas ni Direk Lauren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN