John "Sweet" Lapus's 15th anniversary show is a hit

John "Sweet" Lapus successfully staged his 15th anniversary show at Music Museum last night, May 31. In this photo, Sweet impersonates his close friend Kris Aquino.



Pasado alas-nuwebe na rin nang magsimula ang anniversaryconcert ni John "Sweet" Lapus na Sweetilicious kagabi, May 31, sa Music Museum.Nag-umpisa ito na halos three-fourths pa lamang ang tao sa ibaba, pero habangnagsu-show na si John ay may mga nagpapasukan na rin. In fairness, sa balconykung saan sinasabing ang mga taong nanonood dito ang siguradong ticket buyersang talagang puno.

Ang opening number ni Sweet ay ang "Buwis Buhay" na dancenumber niya with all-male dancers. Habang nagpapalit siya ng outfit,ipinakita naman ang audio-visual presentation (AVP) ng mga kaibigan ni Sweet,mga taong talagang close kay Sweet at nakakita sa kanya simula pa noongnagsisimula pa lang siya sa showbiz. Kapansin-pansin na karamihan sa mga bumatisa kanya ay mga taga-Kapamilya network pa rin. Aminado naman si Sweet nahanggang ngayon, majority of his friends ay mga taga-ABS-CBN pa rin.

Aliw ang AVP na ito dahil instead na papuri lang kay Sweet,more on pambubuko sa ilang ugali niya ang pinagsasabi ng mga bumati.

Tawanan ang mga tao nang pumasok si Sweet na talaga namang"sweet-sweetan" na parang si Kim Chiu sa launching movie nila ni GeraldAnderson dahil naka-bike ito sa una niyang mga monologue.

"PRANGKA KA JOHN!" May 1993 nang magsimula si Sweet sa showbiz as researcher atfresh graduate pa siya from University of Santo Tomas (UST) sa kursong Hotel& Restaurant Management. From being a researcher, naging head researcher siya kaagad ng Showbiz Lingo, hanggang maging segment producer. Feeling niSweet, inimbento na lang daw ng ABS-CBN ang job title niya nang maging creativeassociate producer dahil nagsisimula na siyang maging bisi-bisihan as"starlet."

Dito pumasok ang segment na "Prangka Ka John!" Ito angsegment ni John noon sa Cristy Per Minute, kung saan marami man ang natutuwa atnaa-amuse sa pagiging prangka niya, marami ring nagalit sa kanya. Biro or not, dialogue ni John, gabi-gabi na raw kasi siyang nakakatanggap ng deaththreat kaya itinigil na niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero that night, muling nagpaka-"Prangka Ka John" si Sweet.Although maraming natawa sa segment na ito, feeling namin, hindi na maaalis namas prangka pa rin si John noon kung iku-compare ngayon. Maybe because mas mayiniingatan na rin kasi siyang pangalan ngayon.

IMPERSONATIONS. After that, ipinakitang muli ni John ang pag-i-impersonateniya kay Sheryl Cruz. Tawanan ang mga tao rito. Pero mas nakakaaliw nangi-impersonate niya ang close friend niyang si Kris Aquino. Maging ang ilang bisita ni John from the Kapamilya Network, like hisformer boss Deo Endrinal, ay napansin naming tuwang-tuwa sa pag-i-impersonateni Sweet kay Kris.

FILM CLIPS. Ipinakita rin ni Sweet ang pagiging artista niya sa almost27 films na nagawa niya. Ang first movie niya ay Bala at Lipstick, starringRoderick Paulate, kung saan extra lang daw siya. Sa 27 films daw na yun, maymainstream, may digital, merong may bayad, merong libre at yung iba, post-datedchecks.

Isa raw siyang certified movie fan kaya nga raw nagingmadali sa kanya ang pagpasok sa showbiz. Favorite movie raw niya ang BituingWalang Ningning at bongga ang segment niya kung saan ipinakita niya ang iba'tibang acting kung instead of Cherie Gil, ibang artista ang nakaeksena ni SharonCuneta sa pelikulang ito.

Para sa amin, isa ito sa pinaka-nakakaaliw na part ng show.

Habang pina-flash sa screen ang ilang mga eksena sa mgapelikula niya, including indie film Bath House, kinanta ni John ang theme song ngmovie niya with Regine Velasquez and Robin Padilla, ang "Kailangan Ko'y Ikaw."

COMEDY-BAR SEGMENT. After this, kumuha ng isang binata sa audience si Sweet.Literal na tinotoo ni Sweet na gagawin niyang comedy bar ang Music Museum. Gamenaman ang binata na nagngangalang Randel sa lahat ng ipinagawa ni Sweet rito.

Sa puntong ito, more than one hour na rin ang lumilipas at kapansin-pansinna bagamat natatawa pa rin ang ilan, medyo napahaba na ang monologue ni John.Tingin namin, mas nakaganda siguro kung sa part na ito ay may celebrity guestna ka-interact si Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy-tuloy pa rin kasi sa pagmo-monologue si Sweet. Dito pumasokang tanong niya on who's the better station, ABS-CBN or GMA? Pero ayon sa kanya, prangkahan na raw, 13and a half years siya sa ABS-CBN at one and a half year pa lang siya sa GMA-7.Pero kung anuman daw ang meron sa isang network, meron din ang kabila.Pagkatapos nito ay ikinumpara ni John ang artists at shows ng parehongnetworks.

Pero palakpakan ang manonood sa statement ni Sweet na,"Prangkahan na, ako anytime puwede akong makabalik sa ABS-CBN. Si Angel Locsin,hindi na siya makakabalik sa GMA!"

THE GUESTS. During the videoke portion of the show, pumasok ang firstcelebrity guest ni John na si Jay-R. In fairness to Sweet, nakaka-impress siyana more than one hour na, pero hindi nagbabago ang energy level niya since hestarted his show.

Kumanta ng dalawang kanta si Jay-R, ang "So Sick" at angkinu-consider daw niyang first hit niya na "Bakit Pa Ba?"

Sunud-sunod na ang pagpasok ng tatlong male celebrity guestsni Sweet after Jay-R. Sumunod natinawag ay si Janno Gibbs na nag-impersonate naman kay Sweet sa kanyang segmentna "Don't Lie To Me" ng Showbiz Central na may birong-totoo na aniya, "Libre nanga kami, pinaghintay mo pa kami ng two hours sa likod."

In-OJ din ni Janno si Sweet.

Naka-ready rin si Janno ng "Buwis Buhay" ni John once nahindi nagtugma ang lie-detector test sa sagot ni John. Nag-lie si Sweet sa mgasumusunod na tanong ni Janno: kung sumama ba ang loob niya sa dating istasyonnang almost one year na matengga siya; kung totoo bang mas hate niya si CristyFermin kesa kay Jobert Sucaldito; at kung totoo bang hinihintay niyang matulogang nanay niya at saka siya nagdadala ng lalaki sa bahay nila. "No" ang sagot niSweet sa second and third question, pero lie ang lumabas.

Tawa nang tawa si Sweet dito at napapatili dahil nasaaudience daw ang kanyang ina at nanonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin din na sa kabuuan ng show, ilang beses halosnabanggit ang pangalan ni Jobert Sucaldito. Obviously, nawawala ang pagka-sweetniya basta si Jobert na ang topic. Hindi naman maitatanggi na lahat ng audienceay mga fans at friends ni Sweet dahil napapapalakpak ang mga ito kapag mayhirit siya sa nakaaway na manunulat.

After ng part ni Janno ay ang hottest young actor ng Kapusonetwork naman na si Dingdong Dantes ang lumabas. Nag-medley siya ng mga kantang Eraserheads. Pagpasok ni Sweet, naka-mermaid costume na siya at ang tawagniya kay Dingdong mula umpisa hanggang huli ay "Fredo" at siya naman daw si"Diosabel."

May sumigaw ng "kadiri!" sa audience nang nagpapahalik siSweet kay Dingdong at pabirong nagalit si Sweet dito. Ang huling kanta niDingdong ay ang "You'll Always Be My Baby " sa request na rin ni John dahilkapag kinantahan lang daw siya ni Fredo mawawala ang buntot niya.

True enough, tawanan ang tao paglabas ni Sweet na naka-bodystocking lang. Very Marian Rivera sa Dyesebel na kapag nawala ang buntot,nakahubad ito. Siyempre pa, sa portion ni Dingdong biglang palakpakan atpa-picture ang mga babae sa audience.

FIFTEEN HUNKS. Nakakaaloka ang part na nagpaka-hip-hop si Sweet sabay pasokng 15 lalaki na nakahubad pang-itaas. Mas lalo na nang maiwan ang 15 men sastage at maghubad na nang tuluyan ng kanilang white pants at ang maiwang suot nalang ay brief na bawat isa'y may letter na nakatatak sa brief at ‘pag binasangbuo ay lalabas na "Universal Sweet." Bumaba ang mga ito sa audience at namigayng mga lollipop.

Sa part na ito, tila biglang ginawang gay bar ni Sweet angMusic Museum, lalo na sa mga adlib niyang mamili na raw ang mga bading atmatrona sa manonood, without saying "excuse me" sa ilang bata rin na namataannamin na nanoood. Pero siyempre, hit ang number na ito lalung-lalo na sa mgabading.

FINALE NUMBER. Sa finale number niya, nagpaka-diva si Sweet na nakasuot ngyellow gown na pagkahaba-haba while singing habang may dalawang lalaki sailalim ng gown niya na nag-aangat sa kanya pataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nakalimutan ni Sweet bigyan ng special mention sapamamagitan ng isang video presentation ang sangkaterba niyang sponsors nafeeling namin, sa mga ito pa lang ay bawing-bawi na siya as producer withToblerone as his major sponsor at maging ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) as one of his sponsors, too.

Pinasalamatan din ni Sweet ang mga celebrity na nanood sakanya that night. Ilan sa mga nakita namin ay sina Raymond Gutierrez kasama siBubbles Paraiso, Tessie Tomas with her husband, DJ Durano, Eugene Domingo, ViceGanda, at si Karylle na kasama ang kapatid na babae ni Dingdong.

Nakakatuwa ring makita sa audience na bagamat nag-move siSweet ng network from Kapamilya to Kapuso, nagawa niyang pagsamahin sa audienceang mga kaibigan from both networks. Kung sabagay, Sweet naman kasi is stillbeing managed by Star Magic at co-manager naman na ngayon si Ricky Gallardo.

Ayon kay Sweet, "Hindi madali sa isang artista ang tumagalng 15 years, lalo na kung bakla ka. That's a sad truth." Kaya naman daw kahitkadalasan, kapag birthday lang niya nagso-show, ngayong 15 years na siyaay mas pinili niyang magkaroon ng ganito kabonggang show nga sa Music Museum.

Sa kabuuan, nagawa ni Sweet na patawanin ang mga nanood ngthree-hour show niya with all his monologues. Maku-consider na another success for theTV host-comedian ang katatapos na 15th year anniversary show niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN