Diether Ocampo has moved on after breakup with Kristine Hermosa

"Yun ang mahirap. Well, masasabi ko nakapag-move onako kahit papano. Pero hindi madali yung proseso na pinagdadaanan ko ngayon.I‘m sure si Kristine ganun din, e," says Diether Ocampo about his breakup with Kristine Hermosa.



Tinuldukan na ng aktor na si Diether Ocampo ang usapin saisyung hiwalayan nila ni Kristine Hermosa.

"We're not together anymore. Hindi rin kami nagkabalikan. Atthis point, medyo mahirap. We're moving on," malinaw na pahayag ni Diether sa first part ng month-longcelebration ng ninth anniversary celebration ng Sunday showbiz-oriented talkshow ng ABS-CBN, ang The Buzz.

TREK TO REMEMBER. Nakapagdesisyon na rin si Diether na it's about time nabigyan naman daw niya muna ng panahon ang kanyang sarili. Kasabay nito angpagiging abala niya sa kanyang Kids Foundation bago magsimula ang pasukan saeskuwela. Last week ay nanggaling si Diether sa Banaue, kung saan namigay siyang school supplies.

"Kababalik ko lang," sabi ni Diether. "Galing kami saBanaue, Ifugao, dahil may project ang Kids Foundation, ang 'Trek to Remember.' So,bago magpasukan, nagdala kami ng mga school supplies para sa mga naninirahan sabundok. Sa Benguet yung last year. ‘Tapos for this school year, sa Banaue namankami."

Tinanong ng host ng The Buzz na si Boy Abunda si Dietherkung meron siyang dadalhin na babae sa famous Rice Terraces sa Ifugao. Sino yunat bakit?

"Probably my mom. Bukod sa mom ko? Naku,mukhang marami-rami!" tawa ni Diether.

"Bukod sa nanay ko, depende 'yan kung sinong gustongsumama. Yun ang tanong, e."

HEART ON REST. Nabanggit din sa usapan ang tungkol sa cover girl ng UNO magazine nanababalitang dini-date ngayon ni Diet.

"Hindi," tanggi ni Diether. "Naging kaibigan ko ‘yan. Siya ang naging cover modelnamin for March issue. Pero ano siya, girlfriend siya ng mabuting kaibigan ko.Walang katotohanan yun."

Sa ngayon daw ay pahinga muna ang puso ni Diether.

"Alam ninyo, sa totoo lang, napansin ko, the more na naghahanapako, siguro nagbabakasakali na merong makilala, wala talaga, e. Mailap," saadni Diether.

Napagod daw kasi ang puso niya sa huling karelasyon na si Kristine.

"Medyo naka-tatlong taon din ako," sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw nangangahulugan na totally out na sapuso niya si Kristine.

"Mananatili si Kristine [sa puso ko]. Hindi siya basta-bastamawawala dahil nung panahon na pinuhunan namin pareho, hindi natin puwedengbalewalain dahi talaga namang sineryoso rin namin yung pinagsamahan namin."

GETTING BACK TOGETHER. Hindi naman niya masagot ang tanong ng possibility na magkakabalikansila ni Kristine.

"Sabihin ko man ngayon na hindi, wala nang pagkakataon. Butwhat if, di ba?"

Wala na rin daw silang komunikasyon ni Kristine ngayon.

"Katulad today, today lang kami nagkita dahil sa anniversaryng Star Magic."

Kinumusta rin ni Boy kay Diether ang muling paghaharap nilani Kristine pagkatapos ng medyo natagal na hindi nila pagkikita. Inamin niya na pareho silang naging emosyonal ni Kristine.

"Medyo emosyonal nga, e. Sa tuwing nagkikita kami, medyoemosyonal. Parang wala kaming nabanggit na kahit na ano doon sa mgapinagdaanan namin na mga issues. Pero nung nagkita kami, parang may pananabikna parang, ‘Kumusta ka na?' But we're both happy na may mga magagandangnangyayari sa amin as individuals. Siguro masasabi ko nag-mature kami pareho," lahad niya.

Mahirap naman para kay Diether na sabihin kung anong klasengbabae ang maaari niyang ipalit o isunod kay Kristine.

"Yun ang mahirap," aniya. "Well, masasabi ko nakapag-move onako kahit papaano. Pero hindi madali yung proseso na pinagdadaanan ko ngayon.I‘m sure si Kristine ganun din, e."

Sa ngayon, focused si Diether sa kanyang career. Pagkatapos ngMaligno, nagsimula na siya ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamangwith Claudine Barretto, Susan Roces, Laurice Guillen, Angelica Panganiban, atsi Gabby Concepcion sa direksiyon ni Ruel S. Bayani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN