PEP EXCLUSIVE: Onemig Bondoc’s daughter celebrates first birthday


Former actor Onemig Bondoc with girlfriend Valerie SophieGeraldine Christine Bariou and their daughter—Armelle Janelle ChristineBariou-Bondoc—at the baby's first birthday party yesterday, June 1, attheir posh residence in Ayala Heights.



Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang piliin ngdating aktor na si Onemig Bondoc na mag-concentrate sa kanilang familybusiness, sa halip na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Katuwiran niya, masmasaya siya ngayon at mas may fulfillment siyang nararamdaman.

Kaya naman kinumbinsi pa ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Onemig kung puwedeng ilabas ang 1st birthday party ngkanyang anak na si Armelle Janelle Christine Bariou-Bondoc sa girlfriend niyang si Valerie Sophie Geraldine Christine Bariou, who is half-French andhalf-Filipino.

Ngayong araw na ito, June 2, ang birthday talaga ngbaby ni Onemig. Pero they decided to celebrate it one day ahead dahil alam dawnila na baka marami ang hindi maka-attend since Monday is a working day.

True enough, very successful naman ang first birthday partyni Armelle kung titingnan ang dami ng mga naging bisita, mostly non-showbizfriends and their relatives.

Sa mismong mala-palasyong bahay ng mga magulang ni Onemig saLa Cumbre, Ayala Heights ginanap ang first birthday celebration ng very firstapo sa both sides of the family.

Ang theme ng party ay Care Bears dahil ang first name dawkasi ng anak nila na Armelle means "princess of the bears" sa French.

Wala ring inimbita si Onemig sa ilang naging co-stars niyanoon, except for Bernadette Allyson, na nakasama niya noon sa T.G.I.S.Bernadette came with husband Gary Estrada at ang tatlong anak nilang babae.Nando'n din ang mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa with theirchildren, na kapitbahay nina Onemig. May personal reason daw si Onemig why hedecided not to invite most of his former co-stars.

FAMILY MAN ONEMIG. Ayon kay Onemig, iba raw ang naidulot sa kanya ng pagigingama. Mas naging focused at mas lalo pa raw siyang naging inspired, especially inhandling their businesses.

Though lumaki sa Paris ang ina ng kanyang anak, pagdating sa pagdidisiplina sa bata ay halos pareho lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait kasi si Valerie," pagmamalaki ni Onemig. "And parehokami na ang gusto namin, kahit na si Armelle alam namin puwedeng ma-spoilpagdating sa ilang material things. We want to discipline her na masisiguradonaming lalaki siyang mabuting tao."

Pagdating daw sa anak, pareho silang very hands-on niValerie.

Their baby was born in Paris kaya for three months hanggangsa makapanganak si Valerie ay nasa Paris sila. Bago mag-one year old,nakabalik daw muli ang mag-ina niya sa Paris, kasama ang younger sister niOnemig na si Jenny.

Nasa Paris ang buong pamilya ni Valerie, maliban sa daddy ni Valerie, kaya hindi silanakapunta for Armelle's birthday.

Napag-alaman din ng PEP kay Onemig na three years na angrelationship niya with Valerie, who is a commercial model in the Philippines.In fact, ilan sa mga television commercials na nagawa na niya ay ang MilkMagic, HSBC, Pantene, to name a few.

WEDDING PLANS. When asked about wedding plans, ani Onemig: "Gusto munanaming makapag-save bago ang church wedding. Wala na rin kaming plan namagpa-civil. If ever, church na talaga."

Patuloy niya, "Pareho naman kaming happy, secure sarelationship namin. Like sa part ko, after ng lahat ng mga naging relationshipko from the past, alam ko sa sarili ko na this time, ito na talaga. Pero gayanga ng sabi ko, darating din tayo riyan.

"At saka sa nakikita ko kasi, napakaraming kasal, pero hindimasaya, magulo, at nauuwi rin sa hiwalayan. But what we have, mas okay, masmasaya, at mas nagkakaintindihan kaming dalawa."

Onemig's eldest sister will get marriedthis year.

SHOWBIZ CAREER. When it comes to his showbiz career, ayaw naman daw niyangmagpaka-ipokrito at sabihing hindi na talaga siya artista. Bagamat matagal nanghindi active, flattered daw siya kapag may mga offers pa rin nadumarating. Pero sa ngayon, inamin niyang madalas ay tinatanggihan niyadahil iba na nga ang concentration niya.

Nakita rin daw niya na kahit paano, ang ilang taong inilaginiya sa showbiz ay may naging bunga rin. Every time daw na nasa mall siya orother public places, hindi pa rin daw nawawala ang mga nagpapa-picture sa kanya o tumitingin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aside from their Benedictine School near their house saAyala Heights, Onemig will soon open his own school, ang Maritime Institute. Ang pangangasiwa sa iba pang family business nila ay pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang sa kanya.

"So, medyo iba na talaga ang priority ngayon. Siguro if timecomes na magbalik-showbiz pa rin ako, it's no longer yung para makipag-competesa ibang artista. It's more on dahil gusto ko, dahil sa pagmamahal ko sa craftna ito," pagtatapos ni Onemig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN