Sam Milby and Anne Curtis are still "exclusively" dating

"We're good. We're really enjoying what we have right now anyway, so whatever. Almost six months, nag-start noong December," shared Sam Milby on the current state of his relationship with young actress Anne Curtis.


Parang nabunutan ng tinik ang pakiramdam ngayon ng heartthrob na si Sam Milby matapos tuluyang magsara ang kasong libelo na inihain niya at ng kapwa niya ABS-CBN star na si Piolo Pascual laban sa talent manager-host na si Lolit Solis.

"Very happy and [relieved]. It was nice she just said sorry and thank you, so we said thank you," sambit ni Sam sa interview sa kanya sa The Buzz kahapon, June 1.

Dagdag pa nito, "You know, I heard na even before we started the case, na like sabi nila, I don't think years it will be all over. So I'm so happy na it's finally came to an end, and both parties are happy with the outcome."

Ngayong wala nang legal concern si Sam, ay love life naman niya ngayon ang mainit na pinag-uusapan ng publiko. Kamakailan lang ay usap-usapan na hindi raw boto ang ina ni Anne Curtis sa kanya. Mas malapit daw ang loob nito kay Luis Manzano na matagal na ring nali-link sa magandang aktres.

Mariing pinabulaan ni Sam ang isyu. "She [Anne's mother] never said na she disapproves us," pagtanggi ng aktor.

Personal ding naikuwento ni Sam kay The Buzz host Ruffa Gutierrez na nagkausap sila ng mother ni Anne noong nag-concert siya sa Melbourne, Australia.

"Second time na I've met her. Medyo bitin actually, but she's so nice. The first time she actually came up sa stage and dinalhan niya [ako] ng cake... after the show she came to the dressing room."

Kaugnay ng balitang mas pabor ang ina ni Anne kay Luis, nilinaw ni Sam na mali lang raw ang dating sa mga fans ng nasabing pahayag.

"When that came out actually, nag-usap kami, right after that came out and it wasn't meant the way it came out actually. Parang mas matagal niya lang [Anne's mother] kilala si Luis," paliwanag ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY DATING. Matagal nang usap-usapan ang tunay na estado ng relasyon ni Sam at ni Anne. May mga kampong nagsasabi na mag-on na nga daw ang dalawa, samantalang marami naman ang sumasang-ayon na nasa dating stage pa rin sila.

Kung sina Anne at Sam ang siyang tatanungin, wala pa rin naman daw nagbabago sa takbo ng kanilang relationship.

Paliwanag ni Sam, "No, we're trying to get things right. We really enjoy what we have right now. We're in the courtship stage but we both like each other and everybody sees na we go out, we have dinner together."

Ganoon din ang naging pahayag ni Anne: "We're just taking our time, ayaw na naming madaliin kung ano meron kami because the courtship that we've been going through is really...has been a beautiful journey for both of us."

Tinanong ni Ruffa kung ano ang mararamdaman ni Sam kung sakaling malaman niya na may nanliligaw na iba kay Anne bukod sa kanya.

"Would it bother you?" nakangiting tanong ni Ruffa.

"Would it bother me?" pabalik na tanong ni Sam bago sumagot ng, "siguro."

Interestingly ay napag-usapan ang regalong X-Box Elite 360 ni Anne kay Sam noong nakaraang 24th birthday nito.

"Well, Sam is still a little boy at heart and I know it's something that he would enjoy playing with, and I also gave him Rock Band to go with the XBox 360," paliwanag ni Anne sa napiling regalo.

Kinumpirma ng dalawa na sabay nilang nilaro ang video game na Rock Band gamit mismo ang brand new XBox ni Sam.

Kuwento ni Sam, "I dropped by at her place actually and she gave the gift and so... Actually, dati mahilig ako sa mga videogames so I was excited, feeling ko matanda na ako but I went to 24 to..."

At gaano naman katagal naglaro ng video game ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon mismo kay Ruffa, "All night."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN