Yasmien Kurdi unsure about love team with JC de Vera


"Ako naman e sumusunod lang sa network. So, sayangdin. Pero minsan, dumarating talaga tayo sa ganyang sitwasyon. It'sbeyond my control... Ako'y artista lang na sumusunod lang sa mga utos at sa mgaibinibigay sa aking project," says Yasmien Kurdi.



Nabanggit ni Yasmien Kurdi na sobra siyang enjoy sa fantasyseries niyang Tasya Fantasya. Breaker daw ito para sa kanya, lalo'tsunud-sunod ang ginawa niyang drama series sa GMA-7.

Kuwento pa ni Yasmien, nalaman niya sa naturang show natalagang mas mahirap ang magpatawa kaysa magdrama.

TASYA IS A BREAK. "Super enjoy ako sa Tasya,"kuwento ng young actress sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) kagabi. "Akung-ako iyon kasi, e. ‘Tsaka for achange at parang colorful ang dating, e. Lagi na lang kasing heavy yungmga ginagawa ko, sobrang heavy drama [sa Babangon]. Iyong tipong angsakit sa dibdib lagi. Kasi every time I act, ayoko iyong iiyak mo lang at walasa puso yung acting.

"Kaya every time na matatapos iyong mga mabibigat na eksena,halos mahimatay o bumagsak ako dahil ang sakit sa puso, e. Kasi dapattalaga, kapag iiyak ka, yung nasa puso mo. I mean, kunwari ang internalizationmo, namatay ang nanay mo, pero ang iniisip mo para maiyak e nawalan ka ngboyfriend. Magkaiba iyon, e. Iba ang intensity.

"Kaya kapag drama, lalo na yung galit na galit ka sa eksenao matinding iyakan, ang sakit talaga sa dibdib. Unlike in Tasya,parang wala lang. Parang paglalaro lang, kaya masaya," mahabang esplika pa niYas.

Sinabi pa ng young actress na ang isa pang ikinatutuwa niyaay ang pagdami ng kanyang batang fans.

"Kasi yung mga bata, ang tawag sa akin kapag nakikita ako,‘Tasya.' Samantalang iyong mga matatanda, ang tawag sa akin, ‘Salve' [karakterniya sa Babangon].

"Kapag alam mo kasing ang mga bata e nasisiyahan sa pinanoodsa iyo, iba ang pakiramdam. Parang ang feeling mo, naging clown ka kahitminsan, o nakapagpasaya ka ng mga batang puso. Nakaka-flatter iyon. Kasi,ang hirap talagang mag-comedy, e. Dito ko nalaman na talagang mas mahirapmagpatawa kaysa magpaiyak."

DEPRESSED AT LOW RATINGS. Sa kabilang banda,naikuwento niyang nade-depress siya kapag bumababa ang kanilang ratings sa TasyaFantasya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last two weeks nga po, natalo kami sa rating. Pero yung ibanaman, hindi. Kasi ang nangyayari, paiba-iba kami ng timeslot. Kasi hindi ba,pumasok yung Pinoy Idol? So, yung mga tao hindi na nila alam kungkailan kami papasok dahil nga paiba-iba. Pero hindi naman kami downtalaga. Hindi naman yung lampaso. Ilang points lang ang diperensya, kumbaga.

"Sa totoo lang po, nade-depress ako kapag nauungusan yung Tasyasa ratings. Hindi naman po sa pagyayabang, it's my first time na parang ganito.Kasi dati, laging panalo sa ratings. So, ngayon na two weeks na ganoon,parang... Oh, my God! Ganito pala ang feeling, nakaka-depress.

"Pero ako, I'll just do my best. Ie-enjoy ko na lang yungshow at trabaho ko. God knows naman na ibinibigay ko ang lahat, pati siyempresa Babangon. Kahit pagod na pagod na ako sa taping. Iyong kahitparang bumabagsak na ang mata ko, ‘tapos ay didiretso pa ako ng SOP ‘pagSunday. Kasi every Saturday ang taping namin at Friday, meron akong Babangon.

"So, dire-diretso talaga ako, hanggang Sunday sa SOP. Minsan nga e paus-paos pa ako kapag kumakanta. Pero...basta bahala na siGod."

YAS AND JC...NO MORE? Nang kumustahin naman ng PEP angtambalan nila ni JC de Vera, nabanggit ni Yas na may narinig siyang balita na balak buwagin ang kanilang love team.

"Parang hindi na yata kami, si Tita Annabelle [Rama] yatamay something na parang...ewan ko. Hindi ko alam, ewan ko sa kanila. Akowala akong ano, kung ano ang ibigay ng network na tambalan, okey lang sa akin,"bitin na sagot pa niya.

Nang usisain pa ng PEP, tila hindi pa rin klaro angeksplanasyon ni Yasmien.

"Hindi ko alam kung ito na yung last tandem namin ni JC,pero may movie kami, yung Loving You. Pero sa TV, I don't know.Siyempre naggo-grow naman kami. We're being paired sa iba-iba, hindi langnaman same love team iyan lagi, e. Pero sa akin, dedma lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano na ang kanilang fans? Hindi ba siyamanghihinayang sakaling buwagin na nga ang kanilang tambalan ni JC?

"Bahala na lang yung fans mag-comment kung ano yung gustonilang mangyari. Ako, dedma na lang po kung ano ang ibigay sa akin ngnetwork. Basta if they give me this project at maganda naman iyong role,I'll just portray it sa abot ng makakaya ko.

"Ako naman e sumusunod lang sa network. So, sayang din.Pero minsan, dumarating talaga tayo sa ganyang sitwasyon. It's beyond mycontrol, iyang mga ganyang bagay e hindi ko na kontrolado. Ako'y artistalang na sumusunod lang sa mga utos at sa mga ibinibigay sa aking project.

"Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari. I'm not suresa mga balitang iyan. May narinig ako na si Rhian [Ramos] daw yata ang ipe-pairkay JC, pero hangga't hindi sinasabi ng management na mag-iiba ako ng ka-loveteam, wala pa rin naman yun. Pero kung ipaplano nilang magsolo ako o ibahin angka-love team ko, okey lang naman sa akin ‘yon."

YAS WANTS DENNIS. Sakaling ibahin nga ang ka-loveteam niya, sino kaya ang gusto niyang makatrabahong aktor?

"Mayroon pa kasi akong hindi nakakatrabaho, e. Si DennisTrillo. Okey siya sa akin, magaling siyang umarte at gusto ko siyangmakatrabaho," sambit ng young actress.

"Hindi ba award-winning siyang aktor? Iba pa rin kasikapag nakakuha ka na ng award, e. Ako, wala pang acting award. I mean, hindi paako nagkakaroon ng ganoong chance, kaya it's an honor talaga na makatrabahoyung mga award winners. Iba kasi yung nakakuha ka na ng award, may napatunayanka na bale. Like si Dennis nga na talagang magaling na aktor, kaya gustoko siyang makatrabaho.

"Si Marky [Cielo], magaling din. Hindi pa lang siya talaganabibigyan ng network ng tsansa talaga sa drama, e. So okey rin kungmakakatrabaho ko siya," pagtatapos ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN