Claudine Barretto: "Hindi ko po ginagamit si Judy Ann."

"Masakit yung sinasabi niya na ginagamit kosi Judy Ann because pinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron ako ngayon,bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao," reacts Claudine Barretto about Alfie Lorenzo's (inset, left) claim that Star Magic is using Judy Ann Santos (inset, right) to create buzz for Claudine's television comeback.



Nagsalita na ang tinaguriang "Optimum Teleserye Queen" na siClaudine Barretto sa isyung ibinabato ng manager ni Judy Ann Santos na si AlfieLorenzo kahapon, June 1, sa The Buzz. Kasabay ng selebrasyon ng ninthanniversary ng The Buzz at 16th anniversary ng ABS-CBN Star Magic,finally ay sinagot na ni Claudine ang akusayon ni Alfie sa panggagamit niyadiumano kay Judy Ann sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

"Actually, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Kasi kapag nagkikita kami ni Tito Alfie, okey kami, e. Parang walang problema.I don't know kung saan galing ito. Masakit yung sinasabi niya na ginagamit kosi Judy Ann because pinaghirapan ko naman kung ano meron ako. Kung anumang talento meron ako ngayon,bigay ng Diyos yun. Pinagbubuti ko. Wala akong tinatapakan na tao," pahayag niClaudine.

Mismong si Claudine ay nabasa raw ang mga artikulongisinulat ni Alfie tungkol sa kanya.

"Dati hindi ko ginagawa 'yon, pero ngayon ginagawa kobecause kailangan para maging stronger ako. Para alam ko kung paano kodedepensahan ang sarili ko kapag inaatake ako and I... Hindi ko every daynababasa, pero may mga time na pakonti-konti nakikita ko yung mga isinusulat.

"Hindi ko po ginagamit si Judy Ann," patuloy ni Claudine. "She'salready a star. She's an actress. Iba siya, iba ako. Ang maganda sarelationship namin ni Judy Ann, ni minsan kahit na nagtatrabaho kami here saABS-CBN at Star Cinema, wala siyang kinuhang project that belonged to me. At walarin akong ginagawang proyekto para sa kanya."

Pinaghihiwalay raw ni Claudine ang propesyonal at personalna pakikitungo niya kay Judy Ann. Sa huling pagkikita nila ni Judy Ann aynagpalitan pa nga raw sila ng cell phone numbers.

Ano kaya ang dahilan at pilit silang pinagtatapat ni JudyAnn?

"Yes, siguro.... I don't know kung bakit ganito? To spice itup? Para maging maingay? Pero maraming paraan para maging maingay na hindikailangan na may tinatapakan kang tao," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Before Claudine's interview sa The Buzz ay nauna nang nagbigayng official statement ang Star Magic sa publiko tungkol sa mga sinulat ni Alfiesa paggamit diumano ni Claudine sa tinagurian Young Superstar kahit hindi namandaw niya ito hinihingi.

"Because talagang nandiyan sila," giit niya. "Yungrelationship namin is that kahit... Alam ninyo, ang tagal kong walang kontrata.Wala akong kontarta sa Star Magic. Wala pang Star Magic, wala pang Talent Center, Ang TV palang, si Mr. M [Johnny Manahan] na. Pero andito pa rin ako sa kanila."

BUSY CLAUDINE. Abala ngayon si Claudine sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN,ang teleserye na Iisa Pa Lamang kung saan kasama niya sina Susan Roces, DietherOcampo, Laurice Guillen, Angelica Panganiban, at Gabby Concepcion.

"Hanggang ngayon, actually, five days na akong walang tulog na diretso mula nungnagsimula kaming mag-taping dahil unang-una, parang iba yung oras ko. Natataposako ng umaga na. Mga 24 hours, 26 hours kaming nagte-taping kasi pilot," lahadniya.

Sa unang pagkakataon ay nakatrabaho naman ni Claudine siGabby.

"Masarap ang feeling kasi sobrang motivated din siya," sabing aktres. "We're all eager to learn more. ‘Tapos si Gabby, napaka-ano naman,gentleman. Napakabait at focused talaga siya sa career niya. Masaya ako kasisobra akong grateful because napunta sa akin yung proyekto na comeback ni Gabby."

Kamakailan ay may ginawa rin ng campaign ad si Claudine parasa tinutulungan nila ng asawang si Raymart Santiago na institusyon, angCaritas. Hindi raw tumanggap ng anumang kabayaran dito si Claudine at Raymart.

"Ay, oo naman," sambit niya. "That's something toreally help people. Inspiration talaga namin ni Raymart yun, si Sabina and siSantino. But most especially to Sabina kasi we want to instill values. Gusto namingmag-leave ng legacy na hindi ka lang artista, hindi lang star. You can help.Binigyan ka ng power ng Diyos to touch people lives," pahayag ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN