John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo test their new love team in "A Very Special Love"

"In fairness sa batang ito, nakaka-deliver," says John Lloyd Cruz of his new leading lady Sarah Geronimo.



Pagkatapos ng very successful movie ng Star Cinema, ang Caregiver, they are coming out again with a new one. Bahagi pa rin ng ika-15th anniversary offering ng Star Cinema ang pelikulang A Very Special Love under the direction of Cathy Garcia-Molina.

Sa movie na ito unang mapapanood sa big screen ang tambalang John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. This also serves as Sarah's biggest movie break, and at the same time, parang launching niya rin para maging romantic leading lady. Sarah did a movie before, ang Lastikman, which is an action-fantasy movie.

Ang premise ng A Very Special Love ay kung sapat ba ang pagmamahal nang sobra-sobra ng isang babae para mahalin din in return ng lalaking mahal niya.

John Lloyd plays the serious magazine publisher, while Sarah plays a fresh graduate na ang naging motivation sa pagpasok sa work ay dahil in love siya sa kanyang boss (John Lloyd).

FUNNY SARAH. Ayon sa mga nakapanood na ng rushes ng movie, nakakaaliw ang pagka-funny ni Sarah. May timing sa comedy at magaling magbitiw ng mga linya.

In fact, maging si John Lloyd who first worked with Sarah sa isang Maalaala Mo Kaya episode before ay hindi raw maiwasang matuwa kay Sarah sa kanilang mga scenes together. Exact comment nga raw ni John Lloyd about his new leading lady, "In-fairness sa batang ito, nakaka-deliver!"

Three-fourths na ng movie ang ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng taga-Star Cinema na natatapos i-shoot, so, anytime soon ay maaari na raw itong mapanood sa mga sinehan.

As mentioned, part ng 15th anniversary offering ng Star Cinema ang A Very Special Love. Nauna na nga rito ang Caregiver at ilan pa sa mga susunod na puwedeng abangan ay ang movie naman nina Richard Gutierrez at KC Concepcion, Piolo Pascual at Angel Locsin.

CHEMISTRY. Sa mga nagtatanong kung may chemistry sa pagitan ng dalawa, definitely ay meron daw. Una na nga raw nakita at nasubukan iton via their first MMK episode. Hindi man sila natuloy sa pagre-remake sana ng first movie together noon nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na Dear Heart, naging possible pa rin ito through A Very Special Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong din ng PEP sa taga-Star Cinema kung aware ba sila sa isyung plano raw i-boycott ng fans ng love team nina John Lloyd at Bea Alonzo ang movie at, ayon sa kanila, mismong si Bea na ang nakausap at nahingan nila ng reaction dito.

Kay Bea raw mismo galing na siguradong susuportahan niya ang ka-love team na si John Lloyd sa bagong pelikula nito with Sarah. Katuwiran ni Bea, nakagawa na rin siya ng ibang projects before na hindi rin naman si John Lloyd ang kapareha niya, kung kaya't happy siya for John Lloyd sa bago nitong movie.

Dugtong pa raw ni Bea, alam naman daw niya in the long run, siguradong gagawa at magkakasama pa rin silang dalawa.

KING MEETS PRINCESS. Sa part naman daw ng Star Cinema as producer, what they want din ay ang makapagbigay ng something new sa mga manonood kaya pumasok ang bagong tambalan nina John Lloyd at Sarah na puwede raw sabihing, "The Box-Office King meets the Popstar Princess." Hindi nga lang biritan ang gagawin ni Sarah dito kundi acting.

In the tradition din ng mga successful romantic movie ni Direk Cathy Garcia-Molina ang A Very Special Love, tulad ng Close to You, You Are the One, You Got Me at One More Chance.

Bukod sa dalawang bida, kasama rin sa A Very Special Love sina Joross Gamboa, Irma Adlawan, Al Tantay, Gio Alvarez, Matet de Leon, at Marianna del Rio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN