Jericho Rosales and Kristine Hermosa, back again as love team says ABS-CBN insider

When asked in the show Wowowee! what the audienceshould expect from her, Kristine Hermosa answered she and Jericho Rosales aregoing to do a project for ABS-CBN.



Kumpirmado na raw ang pagbabalik-tambalan nina Jericho Rosales at KristineHermosa!

Galing ang balitang ito from an ABS-CBN insider na source ngPEP (Philippine Entertainment Source). Although, wala pa raw definitedate kung kailan magte-taping ang dalawa for MMK, pero, sigurado raw namay gagawing episode sina Jericho at Kristine.

Kung matatandaan, isa ang love team nila sa naging popularlove team na nabuo ng ABS-CBN when they were first paired in Pangako Sa ‘Yona naging hit din sa ibang bansa, like Malaysia, Cambodia, Indonesia, Namibia, Singapore, at iba pa.

Aware ang ABS-CBN na up to now, kahit parehong nagkaroon nang kanya-kanyang karelasyon sina Kristine at Echo, (Kristine to Diether Ocampo and Jerichowith Heart Evangelista), napakarami pa rin ngclamor at e-mail request na natatanggap ang network na muling pagsamahin angdalawa.

As we all know, for a time ay tila pawang hindi pa nga opensina Jericho at Kristine on working togetheragain. Pero simula nga nang mapabalita na parehong free na sa kani-kanilangnaging karelasyon, pumasok muli ang ideya na pagtambalin silang muli.

Two Saturdays ago naman, nang maging guest si Kristine saprogramang Wowowee! at tanungin ng host ng show na si Willie Revillamekung ano ang next project na puwedeng abangan sa kanya, walang-gatol nitongsinagot na abangan daw ang next project niya with JerichoRosales.

Obviously, may excitement na sa boses ni Kristine in workingagain with her original ka-love team, and of course, ex-boyfriend na rin.

And as of today nga raw, ayon na rin sa source ng PEP, kungkumpirmado na ang pagsasamang muli ng dalawa sa MMK, under negotiationpa naman daw pagdating sa movie at teleserye na posibleng niluluto na for thetwo Kapamilya stars.

Basta ang sure daw ngayon, ang maganda ay open na pareho angdalawa to work together again.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN