Inah Revilla and Vince del Rosario recount their "controversial" wedding

Although Vince and Inah del Rosario already gotmarried and will have a baby soon, they still plan to finish theirstudies. Vince says, "Our main goal isto both finish our studies. We're gonnatake a year off and then go back to school."


Sa kabila ng mga intrigang lumabas bago ang araw na kanilangpinakaaabangan, natuloy pa rin ang kasalang Vince del Rosario at Inah Revillanoong nakaraang Miyerkules, May 28, sa Manila Cathedral.

Isang emosyonal na kasalan ang naganap, ayon sa mga taongdumalo. Bukod sa di mapigilang pag-iyakng ama ni Inah na si Sen. Bong Revilla, aminado din ang bagong kasal nakahit sila ay napaluha sa oras ng kanilang kasal.

Sa exclusive interview ng Showbiz Central naipinalabas kahapon, June 1, naikuwento ni Inah, "I didn't expect to cry. While walking down the aisle I was sobbing."

Sa kabilang banda, todo naman daw ang pagpipigil ni Vince sapagluha. Aniya, "I was about to cry,too, but I tried to keep myself together so I could, you know, calm her down."

PROMISE TO THEIR PARENTS. Matatandaan na ikinagulat ng lahat, lalo na ng kani-kanilangmagulang, ang kanilang biglaang desisyon na magpakasal. Sa katunayan, si Bong pa nga ay sobraang pag-iyak nang malamang buntis ang kanyang anak at magpapakasal na ito sakanyang 24-year-old na boyfriend.

Gayunman, nakuha pa rin ng magkasintahan ang suporta ngkanilang mga magulang. Ano naman kayaang kanilang maipapangako sa kanila?

Ayon kay Vince, "This is what I really wanted and that Iwanna love Inah. And I will always puther and my baby before myself and that I will always love her, I will alwaysthink of her needs before mine."

Samantala, siniguro naman ni Inah na halos sapat na angkanyang natutunan mula sa kanyang ina na si Lani Mercado upang mapangalagaanang kanyang magiging unang anak.

Para kay Inah, isa sa mga natutunan niya mula kay Lani,"Yung pagiging hands-on niya, di ba, very multi-tasker yung nanay ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa'yan. Like, she may not be organized butshe knows where everything is."

ISSUES BETWEEN THEIR PARENTS. Malakas din ang naging usapin sa diumano'yhindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Bong at ng ama ni Vince na si G. Jorge delRosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit iniwasan na itong pag-usapan pa ng bagong mag-asawasa panayam sa kanila ng Showbiz Central. Ang tanging naging pahayag lamang ni Inah ukol dito ay, "Well,bago naman yung wedding naplantsa na 'yan, e."

Matapos nito ay nagbigay siya ng pasasalamat sa kanilang mgamagulang para sa lahat ng suportang ipinagkaloob nila sa kanilang pagsisimulasa buhay mag-asawa. "Well, honestly,kung wala sila dito, this will never happen. Like, kung wala yung support nila, kung wala yung blessing nila, hindiito mangyayari," pahayag ni Inah.

Si Vince naman ay nagpasalamat sa kanyang father-in-lawsa mainit na pagtanggap sa kanya na maging parte ng kanilang pamilya. Aniya, "Thank you so much for making such awonderful daughter and showing me your support and accepting me as a part ofyour family, that really means a lot. Ilove you."

EXCHANGING VOWS. Sabandang huli, muling nagbigayan ng kanilang mga pangako sa isa't isa sina Vinceat Inah.

Unang nagpahayag si Vince para sa kanyang asawa, "Inah,baby, I love you and this is the happiest day of my life, that you said, ‘Yes,'to become my wife. I will always behere for you and it will be nothing that could ever come between us."

Sinagot naman ito ni Inah ng, "Vince, I love you somuch and that I'm always here for you. And I'm just here, isang kalabit lang. You know, whatever comes I will always support."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN