KC Concepcion starts shooting her first-ever movie, "For the First Time"

KC Concepcion finds her first shooting day for Direk Joyce Bernal's For the First Time exciting. "First shooting day ko ito ever, sa buong buhay ko!" she gushed.


Nagsimula nang mag-shooting si KC Concepcion last May 29 sa kauna-unahan niyang pelikula mula sa Star Cinema sa direksiyon ni Joyce Bernal, ang For The First Time. Dinalaw ng The Buzz si KC at masaya ang young actress sa bagong experiences sa kanyang buhay.

"First shooting day ko ito ever, sa buong buhay ko!" excited na sabi ni KC.

Katambal ni KC sa For The First Time si Richard Gutierrez, pero mauuna muna si KC na mag-shoot ng mga eksena niya sa movie bago si Richard. Kaya naman nag-iisa pa lang si KC noong first shooting day. Pero hindi naman siya nalungkot dahil marami ang nagbigay suporta sa kanya, una na ang kanyang ina, ang Megastar Sharon Cuneta.

"Yung mom ko, nag-text sa akin. Sobrang tumaas ang energy ko dahil napaka-supportive niya," lahad ni KC.

What about Richard? Hindi ba siya dinalaw sa set?

"Nagpadala po siya ng cupcakes sa amin. At least, tumaas yung sugar level naming lahat. Sweet! Literal!" tawa ni KC.

Nakatakda ring mag-shoot sa Greece sina KC at Richard. Ayon sa isang source, nagbabakasyon sa Greece ang role ni KC habang doon naman nagtatrabaho si Richard.

Two Sundays ago, May 25, sinundo ni Richard si KC nang mag-guest siya sa ASAP ‘08 para sa 30th anniversary ng Megastar sa showbiz. Pagkatapos nito ay nag-stay pa si KC sa dressing room ng kanyang ina sa The Buzz.

Bago isalang si Sharon sa The Buzz, nagpaalam na si KC sa kanyang ina na lumabas ng ABS-CBN kasama si Richard. Masayang naglalakad si KC habang nakasukbit ang mga braso kay Richard. Feeling tuloy ng mga nakakita sa kanila na more than friendship na ang pagtingin nina KC at Richard sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN