Pooh impersonates Manny Pacquiao and Mike Velarde cautiously

"May mga impersonator na ginagawang talagang...dinidikdik nanila nang husto ang kanilang ini-impersonate. Ako naman, hindi. Ginagaya kotalaga kung paano siya magsalita. ‘Tapos dinadagdagan ko na lang para masnakakatawa," says comedian Pooh about his style in impersonating well-knownpeople like boxing champ Manny Pacquiao.



Mahilu-hilo ang komedyanteng si Pooh nang mapanood naminsiya sa rehearsal ng show nila ni Pokwang, na pinamagatang Poohkwang, saMusic Museum. Panay kasi ang lifting sa kanya ng dancers para sa opening number ng show. Magsisimula na ngayongJune 6, Friday, ang Poohkwang at ipalalabas sa lahat ng Friday at Saturday ng buwan na ito.

"Kaya ‘yan," paniniyak ni Pooh na mape-perfect din niya ang20-minute opening number nila ni Pokwang sa show. "At least, kahit papa'nonapatunayan ko na marunong din pala akong magsayaw."

Hindi kaya magsapawan sila ni Pokwang sa show?

"Wala, walang sapawan. Napag-usapan namin nang maaga pa. Maysuggestions siya sa akin. May suggestions din ako sa kanya, ‘O, ‘eto ang isagotmo. ‘Eto ang sasabihin ko. ‘Eto ang sasabihin mo, ‘eto ang isasagot ko.'

"Biglaan lang. Habang nagre-rehearse kami may nadadagdag.May nadadagdag na spiels na talagang nakakatawa po."

THE NEW AI-AI AND ALLAN K. Ayon sa direktor ng show,si Andrew del Real na kilalang mentor ng mga sikat na komedyante ngayon at dating comedy-bar host din, inihahalintulad niya sina Pokwang at Pooh sa tandem noonnina Popoy at Poleng.

Dagdag pa ni Andrew, sila na rin daw ang susunod na Ai-Aidelas Alas at Allan K ng showbiz.

"Hindi kaya mukhang mayabangan tayo niyan? Ambitious,ganun?" tanong ni Pooh kay Pokwang sa presscon ng Poohkwang.

"Actually, magagaling naman po talaga ang mga yun. Sobranghinahangaan namin sila kaya okey rin lang. Tanggapin na natin," sabi niya ulitkay Pokwang.

Ano kaya ang tinginni Pooh sa sarili kapag nagpe-perform siya?

"Inaano ko na sulit yung bayad nila. Kailangan ibigay koyung best at hangga't maaari ayokong sila yung magiging...kukunin ko paramapagtawanan.

"So, ang ginagawa ko, ang sarili ko talaga angpinagtatawanan ko. Ganun po. Gusto ko yung ganyan, tulad ng sinabi ni Pokwang.Nagbayad, pumasok, manonood...parang ganun po."

FROM REY TO POOH. Sino ang nagbigay sa kanya ngpangalan niya na Pooh?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, yung sa akin, yung Pooh kasi...naaalala ko sa Nota'tKwela—isang napakaliit na sing-along bar sa Caloocan na hindi talaga siyanakilala, pero wala na rin po—hinahanapan ako ng pangalan. Ang tunay ko pokasing pangalan Reynold Garcia. So, dati po, meron dating talent si Mamu[Andrew del Real] na Rey.

"So, kung magre-Rey ako, may Rey na, si Rey Kilay. So,sabi niya mag-alyas ka na lang ng kahit na ano. E, naalala ko, high school pa lang nagko-collect naako ng Winnie the Pooh. So, doon ko pa siya kinuha, yung Pooh. Ayoko namangmag-Winnie kasi hindi naman ako babae."

MEETING THE CHAMP. Pero mas nakilala si Pooh satelebisyon sa pamamagitan ng pag-impersonate niya sa boxing champ na si MannyPacquiao.

"Nung laban niya, nagpagupit na ako ng buhok niya. Ginagayako na ang salita niya. Lahat ng commercials, inobserbahan ko na talaga siya.Pinapa-record ko ang laban, kung ano ang endorsements, hanggang sa yun,hanggang sa isinama ko na sa spiels ko yun. ‘Tapos, ‘ayun doon na ako nag-concentrate."

Nagpaalam ba siya kay Pacquiao?

"Hindi ako nagpaalam sa kanya. Pero nung one time na nagkitakami, wala naman siyang sinabi na,‘Huwag mo ngang ginagamit ang ano ko,' wala namang ganun.

"Actually, nag-meetpa nga kami isang beses sa Metro Bar. Birthday ‘ata yun ni Nanay Cristy [Fermin]. Nagpakilala ako sa kanya.Sabi ko, ‘Ako si Pooh. Nagma-Manny Pacquiao po ako.' Sabi niya, ‘Ah, ganun ba?'

Napanood na rin ba siya ni Pacquiao?

"Hindi pa pero nung nag-perform ako sa Malacañang with the President, yung ano nila, ah,Christmas party nila, nandun din siya. So, napanood niya ako."

Ano ang comment ni Pacquiao sa kanya?

"Wala. Natawa pa nga ako nung nagpipiktyuran kaming tatlowith the President [Gloria Macapagal-Arroyo].

"Sabi niya kay Madam, ‘Madam, ito si ano, si Pooh. ‘Yan angnagma-Manny Pacquiao kapag wala ako dito sa Piipinas, e.' Natawa si Madam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman niya sinasabi na ina-acknowledge niya, perosinasabi naman niya. Pero sinasabi ko naman sa kanya na wala namang foul doonsa ini-impersonate ko. Siguro ayaw lang din niya sabihin na ano, kasi may mgaimpersonator na ginagawang talagang...dinidikdik na nila nang husto ang kanilangini-impersonate.

"Ako naman, hindi. Ginagaya ko talaga kung paano siyamagsalita. ‘Tapos dinadagdagan ko na lang para mas nakakatawa."

POOH OWES IT TO WOWOWEE. Napakalaki rin ngpasasalamat ni Pooh sa noontime show ng ABS-CBN, ang Wowowee.

"Malaki ang utang na loob ko dahil sa Wowowee. Ah,‘ayun na ang kuwento. E, sa Wowowee, kailangan ng mga guests namaglalaro sa Willie of Fortune na mga impersonators. So, ang impersonatorskailangan, anim. Si Anton Diva bilang si Regine Velasquez, Lani Misalucha si[Le] Chazz...iba-iba na. ‘Tapos ako naman dahil nagma-Manny Pacquiao na ako naginawa ko na sa isang concert. So, inilagay namin sa TV. E, nagustuhan. So,‘ayun."

NO MORE "BRO. MIKE." Bukod kay Manny ay ginagaya rin ni Pooh si Bro. Mike Velarde na founding chairman ng ElShaddai. Nagkakilala na ba sila nang personal?

"Hindi pa," lahad niya.

"'Tsaka hindi ko siya masyadong ini-impersonate kasi bakamasaktan, kasi sensitive.

"Tinigil ko na siya, in a way na hindi na akonag-concentrate ng material sa kanya.

"Madalas ko na lang ginagawa yung, ‘Hallelujah, Hallelujah!Nakalalakad na ako hindi naman ako makakita, mga ganun.' Hanggang ganun lang."

So far, wala pa naman daw lumalapit sa kanya at nagagalit.

"Ayoko rin. Ewan ko. Pero walang lumapit sa akin at nagalit.Kasi like kung halimbawa magma-Mike Velarde ako, hindi Mike Velarde anggagamitin ko. Bike, as in Bike Elorde, so, bahala na kayo. Katunog na lang, so,at least puwede mo idepensa," panghuling sinabi ni Pooh.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN